Intro

24.8K 506 83
                                    

[A/N: Nalito ako. Cruise pala ang surname ni Zai. Akala ko Maxwell 😂 Sorry nagkamali ako. Inedit ko na.]

Albapaul special mention :) Salamat sa cover :)

--

"Naghahanap ka ng raket diba? Extra income mo?" Tanong sa akin ng best friend kong si Candice. Tumango naman ako sa kanya.

"Yung kaibigan ko kasi gusto niyang makaganti sa nagpaasa sa kanya." Panimula niya.

"So? Anong gagawin ko?" Tanong ko kay Candice.

Lumapit naman siya sa akin at may binulong.

"Yun lang? Deal ako diyan. Kailangan ko ng pera noh!" Mabilis na pagpayag ko sa kondisyones.

-

Nasa isang restaurant kami ni Candice ngayon. Kasama namin yung kaibigan niyang babae.

"Ayan yung target mo." Tinuro naman sa akin ni Abbey yung target ko.

"Ha? Babae? Yung ex mo babae?"  Medyo o.a pang tanong ko kaya naman binatukan ako ni Candice.

"Gaga! Hindi niya ex yan! PINAASA siya!" Sambit pa niya. Napahawak naman ako sa ulo kong binatukan niya.

"So bakit gusto mong makaganti sa kanya? Hindi naman pala naging kayo."

"Simple lang. Masyado siyang babaera. Ang daldal mo naman eh." Napapailing na sambit pa niya sa akin.

"Kaya bes lapitan mo na dali!" Tinulak naman ako ni Candice palayo kaya naman wala na akong nagawa kundi tumungo sa restaurant.

Nakita kong nagtatawanan sila ng babaeng kasama niya. Huminga naman ako ng malalim bago ko sila lapitan.

"Walanghiya ka! Walanghiya ka! Pagtapos ng nangyari sa atin makikita kitang may bagong kalandian! Manloloko ka!" Acting ko sabay pinaghahampas ko yung babaeng sinasabi nila Abbey sa akin. Aba sayang naman yung 10k na bayad. Laking tulong din yun sa tuition  ko kaya naman pumayag na ako sa alok nila sa akin. Halata namang nagulat yung babae sa pagsulpot ko.

"Ha? Miss, Sorry ha pero hindi kita kilala." Tumingin pa siya sa babaeng kasama niya na mukhang naiinis.

"Walanghiya ka Cruise! Manloloko ka! Siguro madami ka ng na-ikama noh?"

"Ha? Paano mo nalaman apelyido ko? Miss, hindi ko alam ang sinasabi mo." Tanggi pa niya.

"Totoo ba yun ha?" Singit ng babaeng kasama niya.

"No, babe. Huwag kang maniwala sa kanya. Hindi totoo yung mga sinasabi niya." Tanggi pa niya sa girlfriend niya.

"Totoo ang sinasabi ko! Matapos mong makuha yung gusto mo, iiwan mo na kami!" Naiiyak na sambit ko kay Cruise.

"Kaya ikaw miss, kung ako sayo iiwan ko na yan dahil niloloko ka lang niyan." Sabay baling ko sa girlfriend niya. Binalingan ko ulit si Cruise.

"Sinusumpa ko! Lahat ng makakarelasyon mo'y iiwan ka lang! Tatanda kang dalaga." Sabi ko pa sa kanya at iniwan na siyang nakatulala. Kasabay nun ang pagsampal sa kanya ng girlfriend niya.

Paglabas ko ng restaurant tumakbo ako palapit kina Abbey. Nakipag high five naman sila sa akin. Sinundan pala nila ako pero nagtago sila. Agad din daw silang lumabas matapos kong talikuran si Cruise. Kaya pala pagpunta ko sa kanila medyo hingal pa sila.

"Nasaan na yung 10k ko?" Nilahad ko pa yung palad ko kay Abbey.

"Here. Marunong akong tumupad ng usapan." Sabay abot niya ng puting sobre.

Binuksan ko naman yun, napangiti ako dahil sampung libong piso din yun.

"Salamat." Pagpapasalmat ko.

Pagtapos nun, umuwi na ako sa dorm na inuupahan ko. Napahiga naman ako sa kama ko.

"Hayyy... very tiring day." Sambit ko sa sarili ko habang nakapikit.

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤

Ayan muna. Panimula. :)

Another story guys :) Sana magustuhan niyo at suportahan niyo :)

-Bee :)

Payne Sisters Series: Demi LeiWhere stories live. Discover now