MxM 21.1 Boyfriend

1.3K 23 3
                                    

Vote if you like this chapter ------------------------------>

Dedicated to ilovetwentyseven kasi nag-message pa talaga sya saken para sabihing nagagandahan sya sa story ko. Nakakakilig lungs! Ikeeee =">

♀♀♀

Kinabukasan nagising ako ng maaga. Balak ko kasing umalis ng walang paalam kay Keifer. Ewan ko ba! Naiilang ako sa arrangement namin ngayon eh kahit na ako naman nag-isip ng ganito. Minsan talaga naguguluha na ako sa sarili ko.

Pero paggising ko ako ang nagulat dahil wala na sa tabi ko si Keifer. Kailan pa sya natutong gumising ng mag-isa sa umaga? Nung nakatira pa kami sa condo namin, araw araw kailangan gisingin ko pa sya para makapasok sa trabaho nya. 

Tatayo na sana ako mula sa kama nang biglang bumukas ang pintuan. 

"Good morning, Wife." bati ni Keifer na may dalang tray ng pagkain. "Breakfast in bed."

Nagulat naman ako. Pero bago pa ako matauhan, "And a pink and red roses for you." 

"T-thank you." 

"Alam mo ba meaning ng red roses?" tanong nya sa akin habang nakasmile ng wagas. Kung pwede lang wag nang magpakipot. Tsk! Mahirap palang magpigil ng kilig para ka lang nagpipigil ng ihi. 

"Ano?" 

"I love you." O______o??

"Ah." Ang tanging nasabi ko. Alangan naman sabihin ko I love you too kahit na yun nga gusto ko sanang sabihin.

"Eh yang pink roses alam mo meaning nyan?"

"Hindi. Ano?"

"Please believe me." 

Napangiti naman ako bigla. 

"Hayy. Wag mo na ngang pigilin yang kilig mo. Okay lang naman sa akin ipakita mo." -________- Nakuu! sweet sweet na ng atmosphere eh. Sira ulo talaga 'to. Batukan ko nga. "hehe. Joke lang naman. Sige kain ka na. May heart pa yan oh." 

"Sus. Dali lang gawin nitong omurice eh." 

"Sige na kumain ka na. May pasok ka pa. Ihahatid kita." 

Hindi na ako umangal. Hayaan ko na nga syang umeffort. 

"Wife, yung mga damit mo nasa cabinet mo na ulit ha. Pakabusog ka na dyan. Maliligo na ako."

O________________O

HA?? Teka sa pagkakaalam ko inuwi ko lahat ng damit ko sa bahay nila mom. Lumingon lingon ako at ngayon ko lang narealize wala na pala ako sa condo nya kung hindi nasa condo na namin. Grabe! Bakit ngayon ko lang napansin? Teka paano nya ako dinala dito? Binuhat ba nya ako? 

Pagkatapos namin mag-ayos, magkulitan, magharutan at kung ano-ano pa. Parang PBB Teens lang noh! Bumababa na kami.

Pero yung mga guard at iba pang mga tao sa baba ng condo namin todo ngiti at todo titig sa amin. Oo titig talaga. 

Maya-maya bago kami makalabas ng condo building namin may naglakas ng loob lumapit sa akin. 

"Mrs. Fabella, congratulations po sa baby nyo. Siguradong gwapo o kaya maganda yang magiging anak nyo." tapos hinawakan pa nya ang tiyan ko. 

Nung makasakay na kami sa sasakyan ni Keifer, tiningnan ko sya ng masama. "Hoy, anung pinagsasabe mo sa mga tao na yun?" pagalit kong sabi sakanya kahit na hindi naman talaga ako galit.

"Wala naman." tapos ngingiti ngiti lang sya habang nag-ddrive. 

Hindi na ako sumagot dahil kinikilig ako sa totoo lang. Ewan ko ba! Siguro kung nagsimula lang kami na parang yung mga normal na couples. Yun bang parang love at first sight, o kaya naging friends muna or enemies turn to lovers, yung mga ganun. Siguro hindi kami ganito ngayon.

Pero kung iisipin ko talaga ayaw ko ipagpalit lahat ng mga nangyayari sa amin ngayon kasi it's fine the way things are right now. Isa pa, kung hindi ganito ang nangyari sa amin hindi ko na maisip kung paano pa kami magiging ganito kung ano kami ngayon. Gets nyo ba?

"Nandito na tayo. Wait lang wag ka muna bababa. Hayaan mo naman akong maging gentleman sayo." 

"Sus."

Binuksan na nga nya ang pinto sa side ko at inalalayan pa nya akong bumababa. Infairness kahit yung mga ganitong simpleng bagay, patok sa akin. Hindi naman ako mahirap pasayahin eh. Basta ba alm kong pinapahalagahan ako masaya na ako.

"Sige una na ako." 

"Wala ka bang nakakalimutan?"

"Ha? Wala naman."

"Tsk. Yung..." sabay nguso nya. Ano ba yun??

"Ano ba yun?" tumingin ako sa nginunguso nya at nakakita ako ng puting pusa. Gusto ba nya nun??

"Aissss. Wag na nga. Ge bye." hala! Ang init naman ng ulo nun.

May sasabihin pa sana ako kay Keifer nang may biglang tumawag sa akin, "MONKEY GIRL!!!"

Hala si Kulog! Bakit naman ngayon pa?? 

Nakita ko si Keifer na napatigil sa paglalakad papasok sa sasakyan nya at tumingin din sa direksyon kung saan nandoon si Thunder.

"Hoy Monkey girl, kamusta na?" sabay akbay sa akin. ano ka ba naman kulog? Sa lahat ng oras ba naman. "Sino yan naghatid sayo? Kuya mo?"

Humarap kami sa direksyon ni Keifer. "Hello po. Ako si Thunder Romualdez, boyfriend ni Min."

O________________O

                                                   ☁☁☁☁☁☁☁☁☁☁☁☁☁☁☁☁☁☁☁☁

Atat na kong mag-update eh kaya eto na. HAHA. Ayos ba? Paano ba yan may rivalry na yata talaga? So kanino kayo? Team Thunder o Team Keifer? Comment na. I love you my readers :*

10 votes and 5 comments for the next chapter...

Marry him X Marry her .Oɴɢᴏɪɴɢ.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon