MxM 20.2 My Strong Side

1.3K 28 10
                                    

Vote if you like this chapter ---------------------------------------->

♀♀♀ 

Nung binuksan nya ang pinto at nakita ko syang nakatungo, gustong gusto ko syang yakapin. Gusto kong ipadama sakanya kung gaano ko sya na-miss. Pero mabilis akong nagising sa realidad. Ganun ko na lang ba sya papasukin ulit sa buhay ko? Paano kung dumating na naman ang oras na tanggihan nya ako? Kakayanin ko pa ba ang rejection na matatamo ko? Kaya ko bang isugal ng buo ang puso ko?

SLAP

Hindi ko alam kung bakit ko sya sinampal pero parang may sariling buhay ang mga kamay ko na isinampal ito sa mukha niya. Agad ko namang pinagsisihan ang ginawa ko. Pero hindi ko na lang ipinahalata dahil ayaw kong makita na naman nya ang mahina kong side. I don’t want him to think of me as a weak girl whom he can break so easily.

“M-Min you came.” Sabi nya.

“Nakikita mo ako dito diba? Kaya yes your not hallucinating, dreaming or anything. I’m here.” I said sarcastically.

Tell you what isa sa pinakamahirap na gawin na bagay ay ang salungatin ng isip mo ang puso mo. Sa ganun kasing pagkakataon hindi mo alam kung alin ba ang susundin mo. At alin ba ang mas tamang piliin?

Mukhang nagulat sya sagot ko kaya naman nagsalita na ako bago pa nya ako tunawin nya ng mga titig nya at bigla akong lumambot sa harapan nya. At hindi ko yun papayagan. Hindi ngayon!

“Can I come in?” mukha naman syang natigil sa pagtitig at biglang umiwas ng tingin.

“Yeah sure. Come in wife.”

Halos matigilan ako nang tawagin nya ako nun, Wife. Ipinikit ko ang aking mga mata at huminga ng malalim para patatagin ang sarili ko. No Min, you have to be strong. You have to endure this or you’ll be hurt in the end.

“You want anything?” tanong nya sa akin.

“No. May sasabihin ka ba saken?” diretsahang tanong ko sakanya.

“I’m…I’m sorry.” Sabi nya habang nakatungo.

Halos ipinako ko na ang mga paa ko para pigilan ang sarili ko na lumapit sakanya at sabihing ok lang ang lahat. Nakakaasar. Bakit pakiramdam ko bibigay din naman ako? Bakit pakiramdam ko sabihin nya lang na bumalik ako sakanya, gagawin ko kaagad? Ganun ko na ba sya kamahal?

“For what?” I tried to sound like I don’t care.

“For everything, I have done. For…For leaving you…without telling any reason. For…being a stupid asshole. For…For rejecting you. I…I just..I just…”

“Just what?”

“I…I…Please give me another chance.” Sabi nya habang nakatingin sa mga mata ko.

Shoot! Bakit kailangan magtitigan? Dapat hindi ako ang unang magbaba ng tingin. Dapat ipakita ko sakanya na kaya ko. Malaks ako. Kaya ko.

“Wife, please I’m willing to court you again. If I have to marry you again, I will.” Sabi nya.

Anong gagawin ko? Ang totoo nyan hindi naman ako galit sakanya eh. I was just hurt from all the rejections. I was just hurt that even the possibility na ma-inlove sya saken ay hindi nya tinatanggap. That is so hurtful. It’s like there’s no chance at all between us.

“If I give you another chance, will you not waste it?” tanong ko sakanya.

Bigla naman syang lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko. His hands are really big and warm. I remember how I love those hands. Crap! Snap out of it, Min.

“I won’t waste it. Just let me prove you that I can be a good husband. I love you.”

I gasped.

“Y-you love me?” hindi ko makapaniwalang sabi nya.

I mean totoo narinig ko sa cellphone kanina na paulit ulit nyang sinabi pero I thought he’s just too drank kaya naman nasabi nya yun. But hearing it personally, it feels weird. It feels good.

“I love you. I just don’t know when or how pero alam kong mahal kita.” I can feel the sincerity on his voice.

Hindi ko alam ang isasagot ko o ang sasabihin ko. Ano bang dapat kong iakto sa mga oras na ‘to?

“Keifer, I’ll give you another chance, in one condition.” Sabi ko sakanya.

“Okay, anything you want.”

“Let’s just pretend to be not married at all. Court me. Prove to me that you’re worth it.” Sabi ko sakanya.

“Why would we do that?” naramdama ko ang galit sakanyang boses.

“Keifer, it just that options. Another chance with the condition or nothing at all?” Deep inside I was hoping n asana piliin nya yung another chance with the condition. Kasi gusto ko lang naman makita yung sincerity nya eh. Hindi naman ako brutal na tao para pahirapan sya ng sobra  sobra. Anu ba naman yung konting effort diba?

“Okay. Another chance with the condtion then.” And then he suddenly hug me.

Nagpupumiglas ako dahil naamoy ko ang alak sakanya. Nababahuan ako eh.

“Keifer anu ba? Akala ko ba pumayag ka na sa condition ko? Ano ‘to PBB Teens?” Tae! Nagawa ko pang magjoke sa lagay na ‘to ha.

“Tss. Sinusulit ko lang. Wala ka namang sinabi na kung kelan simula mo nung condition mu na yun eh.” Asar! Naisahan ako dun ah. “Tska namiss kita. Namiss ko tayo. Namiss ko yung ganito tayo kalapit sa isa’t isa.”

Feeling ko nag-bblush ako. Game na ba? Bakit pakiramdam ko ako ang mahihirapan sa kondisyon na binigay ko? Arggh! Kaasar ka talaga, Fabella.

“Hoy, tama na. Napapasarap ka. Effective na yun ngayon yung condition ko.” Tapos I rolled my eyes.

“Dito ka na matulog. Umaga na din naman eh.” Sabi nya.

“Sige pero hindi tayo magkatabi.”

“Pshh. Ge, sa sahig ako.”

Nahiga na ako. Ilang oras na lang din naman at uuwi din ako sa amin. Iidlip na lang ako.

Pero hindi pa ako nakakapikit naramdaman ko na si Keifer na pabalikwas balikwas. Problema nun? Dahan dahan akong pumunta sa may gilid ng kama kung saan ko sya makikita. Hindi siguro sya kumportable sa tayo nya dun. Bigla naman akong na-guilty. Condo nya to pero ako ang nasa kama tas yung may ari nasa sahig.

“Hoy, dito ka na sa kama.” Aba’t biglang tumayo at umupo sa kama. Sira ulo! Pinlano nya siguro ‘to.

“Talaga?”

“Nagbago ng isip ko.” Tapos bigla ba namang humiga at nagtalukbong ng kumot.

“Shh. Wag ka ngang maingay dyan. Natutulog ako eh.” -_____________- Sira ulo talaga!

Napangiti na lang ako sa mga pinaggagawa nito sa buhay nya. Grabe talaga ang araw na ‘to! Makatulog na nga. Good night everyone. Ay! Goood morning na pala.

                                                ☁☁☁☁☁☁☁☁☁☁☁☁☁☁☁☁☁☁☁☁

Hoo! Pasesnya na sa matagal na update. Haha. Walang internet sa bukid namin eh. Yun lang. Enjoy sa chapter na ito. hello nga pala sa mga new readers! Vote and comment naman kayo jan. Pag mas malaki na ang vote ng chap na ito kaysa sa last chap saka ako maguupdate. I love you readers :*

Marry him X Marry her .Oɴɢᴏɪɴɢ.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon