MxM 20.1 Found you

1.3K 29 6
                                    

Vote if you like this chapter -------------------------------->

♀♀♀

*ring *ring

May tumatawag sa akin. Sino naman kaya??

O______________O

"K-keifer?" 

Bakit nya ako tinatawagan? Bumalik na pala sya. Teka saan nga ba sya galing? Sasagutin ko ba? Ugghh, bahala na.

"H-hello." kahit na nagtatalo ang puso't isipan ko sinagot ko pa din sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Siguro kasi mas lamang pa din ang puso ko kaysa sa isipan ko.

*sniff *sniff  Umiiyak ba sya? Hindi naman siguro, may sipon lang or something. Wala naman dahilan para umiyak sya eh.

"Wife, I'm...I'm sorry. Di ko sinasadya. Hindi ko na gagawin ulit. I love you. Mahal na mahal kita. Please...Please listen to me..." Ano bang pinagsasabi nya? At ano m-mahal daw nya ako? Mahal din nya ako?

"Keifer, lasing ka ba? Nasaan ka? Pupuntahan kita? Hello." 

"No, Min. Listen to me. I love you. You love me too right? Please please don't leave me. Be my wife till I die. Please I love you. I don't want to see you in any other man's embrace. I love you. I love you." any other man's embrace? anong ibig sabihin nya?

"Hello, Keifer. Where are you? Pupuntahan kita." sabi ko sakanya kasi nagaalala na talaga ako.

"Wife, please come to me." *toot *toot

Shoot! Bakit nya ibinababa? Saan ko naman sya hahanapin sa ganitong dis oras nang gabi? KEIFER FABELLA, YOU'RE JUST SO SPECIAL FOR ME TO WORRY LIKE HELL.       

Nagpalit lang ako nang damit at dali dali ko nang tinungo ang pintuan para makaalis na. Saan naman ako pupunta ngayon?       

"Min, saan ka pupunta?" tanong sa akin ni Mom.      

"Mom, hahanapin ko lang po si Keifer." napansin ko kumunot ang noo ni Mom.      

"Nang ganitong oras? Hindi ba pwedeng bukas na lang? Baka mapahamak ka nyan eh." bakit ba pakiramdam ko dumadalas ang mga bagay na gusto akong palayuin kay Keifer?      

"Mom, please. I have to find him. Pag hindi ko sya nahanap, baka..." hindi ko na matapos ang sasabihin ko sapagkat hindi ko na alam ang dapat ko pang sabihin. Ganito na ba kalala ang nararamdaman ko sakanya?      

"Let her." sabi ni Dad.      

Pagkasabi ni Dad nun, nagtatakbo na ako. Saan ako unang pupunta?

--------------------------------------------      

CONDO NAMIN      

Dali-dali akong bumababa nang taxi at tumakbo papasok ng building ng condo namin. Halos masira na yung pindutan ng elevator sa kakapindut ko nang sa wakas ay magbukas na ito.        "What floor mam?"

"15th floor please." habang nakatayo lang ako sa elevator lalo akong hindi mapakali. the more na hindi ako gumagalaw lalong bumibilis ang kabog nang dibdib ko. Bakit ba naman hindi nya pa sinabi kung nasaan sya? Aishh. Kahit kelan ka talaga, Fabella.      

*ting

Dali-dali kong tinakbo ang condo namin at inenter ang passcode. Pagkapasok ko, madilim sa buong bahay pero may dalawang baso sa may kitchen. Wala naman 'to nang umalis ako dito ah 3 weeks ago. Umuuwi ba sya dito?       

Marry him X Marry her .Oɴɢᴏɪɴɢ.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon