MxM 8.2 Our Arrangement

1.5K 19 3
                                    

 ♂  ♂  ♂

"So let's just make the wedding simple. Okay lang ba yun sa inyo kumpare at kumare?" that's my father.

Nandito kami kina Min para pag usapan yung para sa kasal. I guess! This is it. There's no turning back anymore.

"Oo naman. Yun nga ang gusto ng unica hija ko eh. Basta sa lalong madaling panahon dapat makasal na sila." oh diba? atat na atat sila sa kasal namin.

I was just silently listening sa usapan nila nang mapadako ang tingin ko kay Min. Napakunot ang noo ko nang makita ko syang nakakagat labi habang hindi mapakali. Bakit kaya?

"Hey Min, okay ka lang ba?" bulong ko sakanya habang patuloy pa din pag uusap ng parents namin. Parang sila ang ikakasal diba. Tsk.

"Uhmm, pwede ba tayong magusap Keifer?"

"Hmm. okay." siguro she's not comfortable with our situation.

"Dad, Mom, Tito and Tita maguusap lang po kami ni Min. Excuse lang po." sabi ko.

"Naku! Kumpare mukhang maaga tayong magiging lolo nyan pag lagi silang magkadikit" loko talaga tong tatay ko. Maguusap lang kami ang dami na agad nasabi.

"Okay lang yan. Ikakasal na din naman sila eh." sabay tawa pa. Ibang iba talaga ang papa ni Min kaysa nung first meeting namin. Nung una kasi nakakatakot sya pero this time he's so welcoming.

"Daddy naman eh! Kakahiya" sabi naman ni Min with matching pout pa. Napangiti naman ako nung makita ko syang nakapout. Cute!

"Lika na nga, Keifer." hinila nya ako papunta sa may garden nila.

♀♀♀

Sobra talagang nakakahiya yung paguusap ni Daddy at ni Tito. Grabe! Bata pa ako nuh. >.<

Marry him X Marry her .Oɴɢᴏɪɴɢ.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon