MxM 13 Hurt feelings

1.4K 29 6
                                    

Sana wag nyong kalimutan yung vote button sa gilid ---------------->

♀♀♀

Nang makatalikod sya pabalik sa condo namin, napatakip ako sa bibig ko nang nagsimula ako humikbi. Sunud-sunod na nalaglag ang mga luha sa aking mata.

Bakit ko ba hinayaan na mahulog agad ang loob ko sakanya? Pero hindi naman napipigilan ang puso diba? As if namang alam ko na mamahalin ko sya.

Sumunod na din ako maya maya sa kanya pabalik sa condo namin nung nakalma ko na ang sarili ko. Pero pagkadating ko pa lang umalis na sya agad. Iniiwasan na ba nya ako?

Nahiga na lang ako sa kama at nang magising ako ay umaga na. Una pang hinanap ng mga mata ko ang lalaking dahilan ng hapdi sa aking puso. Pero wala sya. Umuwi pa kaya sya?

Naligo na lamang ako at nag-ayos dahil mag-eenroll na ako kasama si Bff ko. Hayy. Ano nang mangyayari sa amin ngayon? 

Maya-maya pa nandito na ako sa Romualdez University kung saan ako nag-aaral. Malayo pa lang sinalubong na ako ni Suzanne.

"Hey kamusta ang married life Bff? Okay ba?" hindi na ako sumagot at sinubukan ko na lamang ngumiti.

Pero hindi ata umabot sa mata ko yung ngiti ko kaya madaling napansin ni Suz na may problema. Hindi na lamang sya nagtanong dahil sa totoo lang hindi ko pa talaga kayang magsalita tungkol sa mga nangyayari sa amin.

He rejected me. Alam mo yung feeling na nung gabing yun sinusubukan nyang sabihin sa akin sa paraang hindi ako masyadong masasaktan. It's like he's breaking it to me gently. Pero malinaw pa sa sikat na araw na he rejected me. 

Nararamdaman ko na naman na mapapaiyak na naman ako. Tsk!

"Bff, wag ka ngang ganyan! Di ako sanay ah. Tsk. Lagot talaga sa akin yang playboy mong asawa. Dudungisan ko ang gorgeous nyang mukha. Makita nya." 

"Suz, favor naman oh. Pwede bang tulungan mo naman akong magsaya ngayon? Gusto ko lang naman kalimutan ang mga nangyari eh."

"Eh ano nga bang nangyari?" Kahit na ayaw ko naman talagang mag-kwento, ikinuwento ko na din sa pagbabakasaling luluwag ang pakiramdam ko kapag nailabas ko ang mga saloobin ko.

"Eh ang stupid naman pala ng Keifer na yan eh! Anung gusto mo papatay ko na?" sigaw ni Suzanne na dahilan para makakuha kami ng atensyon sa mga tao.

"Shhh. Wag mo namang ilakas." saway ko sakanya.

"Eh bakit ba? Sadyang madaming tsismosa lang talaga sa mundo. Hindi mo na yun mababago. Kaya hayaan mo na sila. Lagot talaga sa akin yang Keifer na yan eh! Sasakalin ko sya ng todo hanggang sa malagutan na sya ng hininga." napaka sadista talaga ng bff ko. 

Pero dahil sakanya kahit papaano, gumaan ang loob ko. 

"Naku, akong bahala sayo Min. Pupunta tayo sa mall at naalala mo yung binigay nyang credit card sayo dun tayo kukuha ng pera. Bahala syang magdusang magbayad nun."

"Ano? Ayaw ko naman ng ganun."

"Wag ka na ngang magulo. Tara na magbayad na tayo ng tuition natin tapos let's go with my plan. I'm so wise, I know." tas hinila hila nya ako papunta sa cashier.

Hindi naman masama ang gagawin namin diba? Sa ganitong paraan man lang gumaan ang pakiramdam ko. Minsan lang ako maging bad girl lulubus lubusin ko na. 

Pagkatapos na pagkatapos naming mag-enroll ni Suzanne pumunta kami sa Mall of Asia para mag-shopping. Sa totoo lang hindi naman talaga fan ng pag-shoshopping. Bumibili lang ako ng mga bagong damit, sapatos o accessories kapag may pupuntahan akong event. 

"Kumain muna tayo. Saan kaya masarap, hmmm?" tanong ni Suzanne sa akin.

"Kung naguguluhan ka, bakit hindi tayo umorder sa bawat kainan dito?" bad ko noh.

"HAHAH. Brilliant idea, Min. Bestfriend talaga kita. Let's go." tapos yun ganun nga yung ginawa namin.

Hindi ko na alam kung magkano yung nagastos namin kasi wala na akong pakialam. Masama na kung masama mas masama naman sya.

Ugggh! Hindi ko nga pala dapat sya iniisip ngayon. Magpapakasasa ako sa sarap ng buhay ngayon.

So ayun, ang dami naming ginawa, nagshopping, nagpa massage, nagpamanicure at pedicure at kung anu-ano pa. Pero wala talagang magawa sa buhay 'tong si Suzanne. Nanghila ba naman ng kung sino-sino lang na lalaki tapos nagpapicture kami. Grabe! I-uupload daw nya sa facebook, sa twitter at sa lahat ng social networking site na meron sya.

Para daw makita ni Keifer at makaramdam sya kung gaano sya ka-stupid para pakawalan ang gaya ko. Na-touch nga ako sa sinabi nya eh kaya pumayag na ako na magpapicture kay Mr. Eye Smile. Para kasing nakangiti yung mga mata nya eh.

Alam nyo ba, ang gwapo din ni Mr. Eye smile. Mukhang model. Pero hindi ko na nalaman ang pangalan kasi naman hinila na ako ni Suzanne. Anong tawag dun, picture and run? Corny -_______-

Natapos din ang araw para sa amin ni Suzanne. Nag-enjoy ako. Ngayon ko na lang uli nakasama ang baliw kong Bff. Namiss ko yung company nya at syempre sya din.

At eto na uuwi na naman ako sa condo namin. Pagbukas ko ng pinto, tahimik. Siguro wala sya. Yeah, home sweet home. Notice the sarcasm in my thoughts.

O__________O

O_____________O

Pareho kaming nagulat nung nakita namin ang isa't isa. Galing sya sa banyo kaya pala ang tahimik kanina. Ako na ang unang nag-iwas ng tingin at kunwaring binuksan ang cabinet ko para lang makatakas sakanya.

"Saan ka galing?" halos mapatalon na ako ng bigla nya akong kausapin.

Buti pa sya, mukhang wala lang sakanya ang mga nangyayari.

"Nag-enroll lang." sagot ko.

Hindi na sya muling nag-salita pa at ako naman ay pumunta sa banyo para magpalit ng damit. Pagkatapos kong magpalit pumunta na ako sa kitchen para magluto ng hapunan. Sya naman ay nasa living room at nanunuod ng TV.

Hindi man lang sya affected sa mga nangyayari noh.

Akala ko matatapos na ang gabi namin na ganito lang. Nagkukunwaring walang nangyari. Pero hindi ko napigilan ang sarili ko pagkatapos naming kumain ng walang nagsasalita sa amin.

"Keifer, I think this marriage will not work." nagkatinginan kami ng mata sa mata.

"So what's your point?" sagot nya na parang wala lang.

"I think we should end this marriage and just go on with our life."

"Up to you." Grabe! ang cruel talaga nya. Up to you? Yun lang nasabi nya? Napakagago mo talaga Keifer.

"That's all your going to say?" tanong ko sakanya with now a crying face.

"Yes."

"Alam mo ba Keifer ikaw na siguro ang pinaka-cruel na lalaking nakilala ko." then lumabas na ako ng condo namin.

Alam nyo ba naghintay pa ako sa may pinto kasi umaasa akong susundan man lang nya ako pero nagkamali ako ng akala. Halos 30 minutes na akong nasa pinto pero hindi man lang sya nagatubiling sumilip man lang.

Bakit pa nga ba nya ako susundan? I am such a fool.

At dun nabuo sa aking isipan na balang araw, makakalimutan ko din lahat ng nararamdaman ko ngayon para sakanya at magagawa kong ngumiti muli.

Kailangan ko ng maging matatag, malakas at matapang. Kaya ko yun. Ipinapangako ko ito na ang huli kong pagluha ng dahil sakanya. Hindi na nya ako mapapaiyak pang muli.

                                        ☁☁☁☁☁☁☁☁☁☁☁☁☁☁☁☁☁☁☁☁

Bakit nakakainis si Keifer? Grrrr. BTW, sana nag-enjoy kayo sa chapter na 'to. I love you my readers. Just comment kayo pag may mga questions.

Marry him X Marry her .Oɴɢᴏɪɴɢ.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon