MxM 16.1 Thunder roars

1.4K 22 8
                                    

Wag nyo pong kalimutang mag-vote. Isang click lang :)) 6 votes for the next chapter ---------------->

♀♀♀

Naglalakad ako ngayon dito sa Romualdez University. Papunta sa garden ng school. Mamaya pa kasing 9am ang klase ko, eh 8:30am lang pala ngayon. Napaaga ako. Sipag ko nga din namang bata.

Magrereview na lang ako sa Accounting. Nahihirapan kasi ako sa Liquidation eh. Tsk! Pero kaya pa naman. Nasaan na kaya si Suzanne? Bruhang yun.

Paupo na sana ako sa may bench sa garden nang biglang may humawak sa siko ko at inilapit ang katawan ko sa kung sino mang taong ito ang humila sa akin. Ano ba naman?

"Ano bang pro------" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla nya akong niyakap. 

"Bitwan mo nga ako!' pagpupumiglas ko sakanya. 

"Makisakay ka na lang miss, please. Kelangan ko lang talagang gawin 'to." Dahil mabait akong bata hindi na ako nagpupumiglas. Eh sa ginamit nya ang magic word na please eh. 

Okay ang tagal ha! Halos lampas 30 seconds nya na akong yakap. Ang arte ko ba? Ikaw kaya may mangyakap sayo na hindi mo man lang kilala tapos mabango pa hindi ka ba naman makaramdam ng kaba? Hala.

"T-Thunder, s-sino sya?" sabi ng isang boses ng babae na nagmumula sa likod ko.

Sa wakas matitinag din kami sa pwesto namin, sobrang pananantsing na ginawa nito sakin ah. Pero hindi pa ako nakakarecover sa yakap nya ay bigla nya akong inakbayan na ikinagulat ko naman.

Nasa harap ko ngayon ang isang napakagandang babae. Mukha syang model. Makinis ang balat, mamumula ang pisngi, at pinkish ang labi. Para syang living doll.

"Ashley, stop chasing me around." sabi nung manyakis.

O________O

Teka, ito si Mr. Eye Smile ah. Dito din sya nag-aaral at sino naman 'tong babaeng to?

"No way. Why will I?" sagot nitong Ashley daw ang pangalan.

"Because" nagpause muna sya tapos naramdaman ko na lang na tumingin sya sa akin kaya tumingin din ako sakanya "Because I have a girlfrriend now, and I'm dead serious about her."

Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. What the! Pero hindi ako makaangal dahil ang higpit na ng akbay nya sa akin. Paano ako napunta sa sitwasyong 'to? Hindi pa nga ayos ang relasyon namin ng "asawa" kong missing in action sa nakaraang dalawang linggo tapos malalaman ko na lang na may boyfriend pala ako. Wow! Just wow.

"Hindi ako naniniwala. Malay ko ba na yang monkey girl na yan ay hinila mo lang para mapalayo mo lang ako sayo." Hindi talaga ako makakapagpigil sa talas ng dila ng babaeng 'to. 

"ANG KAPAL M----- MPPPH" O____________O

He kissed me!!!

"Masaya ka na ba, Ashley? Did I just prove you that she's my girlfriend?" sabi ni manyakis 2x habang ako'y naiwang nakatulala.

*sob *sob "You're so cruel, Thunder Romualdez." tapos nagtatakbo na sya palayo sa amin.

WHAT THE EFF DID JUST HAPPEN??

Nang matauhan ako, sinamaan ko ng tingin si manyakis2x. Kinuha ko ang makapal kong Accounting book at ihinampas sa kanya ng malakas. Serves you right.

"F*ck!" sabi nya.

"Bagay lang yan sayo dahil hindi ka lang manyak, manloloko at manggagamit ka pa. Jerk!" tapos iniwan ko na sya dun. 

Pero bago pa ako makalayo, narinig kong sabi nya "I'll get even with you. Hindi mo ako matatakasan, monkey girl."

Kakainis! Sya na nga nanggamit, sya pang may ganang magalit ng ganun. Magsama sila ng Evil Witch kanina. Monkey girl pala ha! Kung ako monkey sya naman Gorillang walang mata. Grrrrr!

Shoot! Malalate na ako. Ang dami na talagang kasalanan sa akin ng Manyakis2x slash Gorillang walang mata na yun! Pag nagkita kami uli na sana naman ay wag nang mangyari pa, magdadala na ako ng mas mabigat pang libro para ihampas sa pagmumukha nya. The nerve!

Nakarating na ako sa room 1 minute before the time. Hayy. Salamat naman.

"Hey Bff, what's with the scary aura?" bati sa akin ni Suzanne.

"Naku Suzanne, hindi ka maniniwala sa nangyari sa akin kanina."

"So? Kwento mo na."

"Parating na po kaya ang prof."

"Malalate daw sya ng 30 minutes. May aasikasuhin pa daw eh."

"Aissh! Nagmamadali pa naman ako. Tapos malalate pala yun."

"So ano na? Ikwento mo na!"

"Okay ganito yun." tapos kinuwento ko na kay Suzanne ang mga pangyayari. Grabe tawa sya ng tawa! Napakabait na kaibigan.

"Alam mo ba ang pangalan nya?" tanong nya sa akin.

"Pangalan? Ano? Uhmmmm... Yun yun nga. Thunder Romualdez daw." 

O_____________O <------------- mukha ni Suzanne

At biglang tumahimik ang paligid ng classroom at naramdaman ko ang gulat na titig sa akin ng mga kaklase ko.

"OH MY GOD!" sigaw ni Suzanne.

"Ano bang problema mo? Bakit ka sumisigaw dyan?" tanong ko kay Suz na may halong inis.

"Kasi po Bff, you've just met the almighty THUNDER ROMUALDEZ. Bff, ROMUALDEZ."

O_____________O 

"R-Romualdez?" tanging nasambit ko nang mag-sink in sa akin ang lahat. Romualdez? Pero sa Romualdez University ako nagaaral ah?

"Hinampas mo lang naman ng makapal mong libro ng Accounting ang anak ng may ari ng school natin. "

OH NO! TROUBLE. Kaya na nga ba ayaw ko sa kulog eh. Kaasar!

                                          ☁☁☁☁☁☁☁☁☁☁☁☁☁☁☁☁☁☁☁☁

Ayan na! May bagong character na. Ano kaya ang magiging papel nya sa buhay ni Min? Subaybayan ang mga susunod na pangyayari. 6 votes for the next chapter, please. I love you, my readers :*

Marry him X Marry her .Oɴɢᴏɪɴɢ.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon