Chapter 16 - Glasses

2.3K 69 2
                                    

Why do we have so much exams? Hindi ba pwedeng midterms nalang agad o finals. Bakit kailangan pa kasi ng mga exams! At bakit kasi ako natalo sa pustahan?

Nung innanounce na may test ay nagwish agad ako na sana nakalimutan na ni Eris ang pustahan at sana wala siya sa mood na inisin ako.

I prayed but it was of no use at all. Busy ako sa cellphone ko nang marinig ko ang katok sa pinto. Alam ko na agad na si Eris 'yun bago pa buksan ni Mika ang pinto.

Is it possible to know how someone knocks? Because I kind of know when it's Cole or Eris.

"Mor! Hinahanap ka ni Eris." Mika shouted.

"Sabihin mo busy ako." I shouted back.

"Busy saan? Facebook?"

His voice surprised me and my phone fell to my face. I cursed while picking up my phone that bounced of the floor after hitting my face.

"Bakit ka nandito? Bawal kang pumasok dito."

Tinuro lang niya si Mika and she ignored the look I gave her.

"Basta busy ako so go away." I said.

"May test tayo. Or did you forget?"

"Sa Thursday pa ang test. Monday pa lang ngayon. Come back when it's Wednesday." Sabi ko.

Pinapanood kami ni Mika not understanding what this conversation is about.

"Gusto ko ngayon. I don't like cramming, Mor. Gusto kong nagaaral ng mas maaga. And you should too. You know para makakuha ka ng mataas na grade." He smiled knowingly.

I groaned and got up from the bed. "Labas."

Hindi siya gumalaw kaya umirap ako at hinarap siya. "Magpapalit lang ako ng damit so labas."

He eyed the clothes I'm wearing and his mouth quirked up. "You don't need to look good. Magaaral lang tayo. Nothing else. Unless of course you want to impress me. If that's the case then go on.."

He got out before I could kick him out. Literally kick him out.

I looked at myself in the mirror. Nakapajama ako at manipis lang na t-shirt at nakakatamad rin magpalit pa nagpatong nalang ako ng jacket.

He's waiting for me at the hall and I passed him only for him to grab my elbow.

"Ano nanaman?"

He jerked his chin to his room.

"No."

"You agreed to study with me. Dito ko gustong magaral. May problema ka ba dun?"

"Ang sabi mo lang magaral. Wala sa usapan ang magaaral sa kwarto mo."

"Now we have." Then he went inside.

Hindi ako magtataka kung isang araw umuwi siya ng may pasa sa mukha because I have no doubt that this attitude of his will one day get him in trouble.

I expected the worse so I'm a little surprised when what greeted me was foods and lots of pillows.

Ayaw kong aminin but this is more comfortable than study room. Where did he get all the pillows anyway?

"Saan pumunta si Cole?"

"Bakit palagi mong hinahanap pinsan ko? Type mo si Cole?"

Kumunot ang noo ko. "Pwede ba. Nagtatanong lang ako!"

"He's out. Mamaya pa siya uuwi." Then he went to the table.

His back is facing me so I just glared at his back.

"Saan tayo magsisi--" Parang biglang nag slow motion ang paligid paglingon niya sa akin at nakita kong nagsuot siya ng salamin. "--mula?"

Umupo siya sa tapat ko. "What?"

"May notes ka ba?" Tumingin ako sa mga papel sa harapan ko para hindi ako mapatingin sa mukha niya.

"Wala. Kailangan ba 'yun? May powerpoint naman."

Tumango nalang ako.

We have our own copies so we stick to that until I can't concentrate anymore and I just sat back and watched him.

Tinatap niya ang pen sa frame ng salamin niya at medyo nakakunot ang noo niya para bang hirap siyang intindihin ang notes.

"May grado ba 'yan?" Tanong ko.

Umangat ang tingin niya sa akin at tumagilid ang ulo niya. Tinuro ko ang salamin niya.

Ngumuso siya bago tinanggal iyon at inabot sa akin. So I tried wearing it. I think I looked funny because he chuckled.

Wala naman grado ang salamin niya so arte lang niya 'to ganon?

"Bagay sayo. Kamukha mo na si ma'am Lopez." Sabi niya nung binalik ko.

Sumimangot ako sa reference niya. Though I give him credit for knowing our history prof's name. But she's really old who like to tell her story to us.

Sinuot niya ulit iyon kaya nagtanong ako ulit. "Bakit mo sinusuot wala naman palang grado?"

"Reading glasses at mas nakakaconcentrate ako pag suot ko." He shrugged and leaned against the wall.

Hindi rin naman ako magaaral kaya kumain nalang ako para hindi antukin. I'm only here because I lose the bet.

"Walang problema sa akin kung tititigan mo ako buong gabi but if you want higher grades you might as well look at your notes."

I blinked at his words. Tinititigan? Oh crap! "Kapal mo! Hindi kita tinitignan."

Nilapit niya ang mukha sa akin at ngumisi. "Gusto mo bang makipagpustahan ulit?"

"Ano naman gusto mo ngayon?" Tanong ko.

"I don't know. What will you give me?"

"Sino sabing matatalo ako? You just got lucky last time."

His smile is saying otherwise. I ignored that of course and think of what could I possibly want from him? I can't ask that he stay away because that is not possible.

"How about a kiss?" He suggested.

"No thanks. You're not that charming as you think you are."

"Sinong charming para sayo? Si John? No wait, the name is Jack."

I rolled my eyes. "Jake. And no, he's not so shut up."

Mukha naman satisfied siya sa sinabi ko kaya tumahimik siya pero maya maya ay may idea nanaman na pumasok sa utak niya.

"Let's date if I win. Just dinner or a drink with me."

"'Yun ang gusto mo pagnanalo ka? Idate ako? Patawa ka ba?" Tumaas ang boses ko sa hiling niya.

"Bakit hindi? You don't like me. I irritate you so that will be the consequence if you lose. Kung tumanggi ka ibig sabihin gusto mo ako?" Tumaas ang kilay niya at ang laki ng ngisi niya.

"Alam mo never mind kasi matatalo ka naman. Pag nanalo ako hindi mo pwedeng gamitin ang motor mo." Bigla ko naisip ang itim niyang motor at alam kong 'yun ang isang bagay na pinakainiingatan niya.

"For a week." He stated.

"Month." I said.

Tumango lang siya at naglaro ang ngiti sa labi niya. That's it? Just like that he's agreeing to this?

He's too confident much to my liking.

Perfect Match (Completed)Where stories live. Discover now