Chapter 3 - Chicken

5.4K 107 0
                                    

"Hindi ako against kay Jake pero ang kapal rin ng mukha niya noh?" Sabi ni Mika. 

"Alam mo naman na kahit kailan hindi ko nagustuhan si Jake so no comment nalang." Sabi naman ni Ate Rox.

Since nagtransfer ako ay silang dalawa na ang roommate ko and we've been together since then. Kahit na nagrereview nalang si Ate Rox para sa board ay dito pa rin siya sa amin nagdodorm.

Magkapatid si Mika tsaka si Ate Rox at mas matanda siya sa amin ng dalawang taon so nasanay na ako na tawagin rin siyang Ate.

They are the only ones that matter in my college life. Grumaduate na ang mga batchmates ko last year at ako lang ang natira sa aming magkakaibigan. And college has a little bit of fun because of these two.

"Wala na akong pakialam sa kanya kaya pwede mo nang sabihin kahit anong gusto mo." Sabi ko naman.

"Good for you. At least natauhan ka na." Sabi ni Ate Rox at sinaway siya ng kapatid.

Umiling lang ako at nag-ayos ng gamit ko.

"Maiba lang ako, alam niyo ba na makikidorm 'yung pinsan ni Cole sa kanya? Ngayon ata o bukas ang dating."

Napatingin ako kay Mika. "Ang bilis mo sa balita pagdating kay Cole noh?"

Si Cole 'yung katabing unit namin at simula nang grumaduate ang roommate niya ay mag-isa nalang siya. Naging close kami kay Cole dahil minsan ay nakakasama namin siyang uminom o kumain.

Long time crush na rin ni Mika si Cole pero halos lahat naman ng gwapong makita ni Mika ay crush niya. Cole is just another guy so I never really ship them together.

"Baka naman magkagusto ka rin dun sa pinsan?" Tumawa ako.

Makahulugan lang niya akong nginitian bago pumunta sa kitchen para mag umpisang magluto.

"Parehas ata kayo ng course. Baka kilala mo?" Nag-isip si Ate Rox at kumunot ang noo niya nang hindi matandaan. "Hindi ko sure pero Erik ata ang pangalan? Basta parang ganon."

As if on cue there was a knock on our door. Nagtinginan pa kami kung sino ang magbubukas pero si Mika ang pinakamalapit kaya siya ang tumayo. At willing rin naman siya dahil wala naman ibang kumakatok sa amin kung hindi si Cole lang.

Tatlong pares na boses ang narinig ko kaya tumayo ako dahil nacurious rin ako kung sino ang pinsan ni Cole. 

Surprise was an understatement right now because of all people I didn't expect Eris to be Cole's cousin. Seriously, why did Cole never mention a cousin named Eris?

Nagulat rin si Eris nang makita ako at ngayon ko lang siya nakitang hindi nakauniform. He's wearing shirt and sweatpants.

Pinakilala kami ni Cole sa kanya pero alam kong wala ang atensyon niya sa kanila dahil nakatingin lang siya sa akin at ganon rin ako sa kanya.

Mika had to nudge me twice to get my attention.

"Magkakilala ba kayo? Diba same course kayo?" Ate Rox said after a moment.

"Mor." His smile is blinding.

"Maureen." I corrected.

Nagpabalik balik ang tingin ni Cole sa aming dalawa. "Nice! Magkakilala na pala kayo."

"I thought you said I can call you whatever I like?" Eris said as if Cole hasn't just said something.

Umirap ako. "Shut up." 

Pumasok na ako ulit at iniwan sila doon mag-usap. This all happened after the night we kissed. Is this some kind of a sick joke? May nantritrip ba sa akin na hindi ko kilala?

I only relaxed when the door clicked and my roommates came back. Dumiretso sila sa kama ko at pinagitnaan ako. 

"Umamin ka, may past ba kayong dalawa?" Ininterrogate agad ako ni Ate Rox.

I look at her weirdly. She knows the answer to that.

"Eh ano 'yun? Wala lang?"

Hindi ako sumagot.

"Angst aside, there's something odd about you two." She added to prove her theory and narrowed her eyes at me.

"Ibig sabihin ba nun dibs na?" Sabi ni Mika and I shot her a glare.

"Don't ask her something that is obvious. Dibs na, Miks. Kay Cole ka nalang." Sabi ng Ate niya sa kanya.

Nilubayan lang nila ako nung napagtanto nila na wala akong balak sagutin mga tanong nila.

It's almost dinner time until someone knocked on our door again. Umirap ako kahit na hindi pa nalalaman kung sino ang kumakatok. 

"Kumain na kayo? Tara dinner tayo!" Narinig ko ang boses ni Cole. 

Napatingin sa akin si Mika naghihintay ng sagot ko. She didn't say anything but her look says enough. I sighed and nodded.

Kumain lang kami sa maliit na kainan sa baba ng condo namin. Ako ang huling nag order at sumimangot ako nang nakitang pinagtabi nila kami ni Eris.

"Hindi ka uupo?" Tumingin si Eris sa akin.

Umirap ako pero umupo dahil wala naman akong choice. Ayaw ko naman lumipat ng table para lang hindi siya makatabi.

Inisip ko nalang na magkatabi naman kami sa classroom at kaya ko naman tiisin ang inis ko sa kanya.

But seriously, bakit kasi si Eris pa 'yung nasa tabi ko that time? Kung nilunok ko nalang sana ang pride ko at hinayaan si Jake sa ginagawa niya. I couldn't keep up with him at hindi ako makakamove on kung ganito ako ng ganito.

Tinawag na ang orders at tumayo ako nang narinig ang sizzling chicken barbeque pero naunahan ako ni Eris.

Akala ko nagpapakagentleman lang siya pero napanganga nalang ako nang inumpisahan na niyang tusukin ang ulam.

Tumingin pa siya sa akin at nginitian ako.

Huminga ako ng malalim at inantay nalang ang kasunod. Well of course kanya ang mauuna dahil nauna siyang nag order pero kahit man lang nagkunyari siyang gentleman siya sa harap ng pinsan niya o kay Ate Rox man lang.

"So, Mor, gaano ka na katagal nagdodorm dito?"

"Pakialam mo?" Sagot ko. Tinignan ako ng masama ni Ate Rox at napabuntong hininga nalang ako. "Magfofour na."

"Ah.. Cole never mentioned you. Sila oo, pero ikaw hindi. Bakit kaya?"

"What?" Nangibabaw ang boses ni Cole but he ignored it.

"Baka naman sinusungitan mo rin?"

I open my mouth to say something but halted. Cole and I never actually bonded. Not like Mika. Nagpapansinan lang kami but we're not really close.

Alam kong gusto lang akong inisin ni Eris pero napaisip ako. It just occurred to me that I don't have many friends. Konti lang ang mga nagiging kaibigan ko because I tend to keep everything to myself.

With Mika and Ate Rox nasanay nalang rin ako dahil roommates kami at naging close kami dahil kami ang palaging magkakasama.

"Wala ka na doon." Sabi ko nalang.

Tumahimik na ako at hindi nagsalita. I just want this dinner to be over.

Pinagtanggol naman ni Cole ang sarili at narinig kong pinagsabihan niya ang pinsan na wag akong inisin.

Hindi umimik sila Mika. They only did once we were back to our room.

"You two need to be civil. Or next time iiwanan namin kayong dalawa."

"Hindi ko kasalanan. Tahimik lang ako and I'm doing good ignoring him. Siya ang nang-iinis." I said in my defense.

"Eh bakit nga ba kasi ayaw mo siyang pansinin? Ano bang ginawa niya sayo? Mukha nga siyang mabait. Mapang-asar pero mukhang okay naman."

Bumalik sa akin ang nangyari sa bar and it hit me. Ayaw ko siyang pansinin dahil sa nangyari. Dahil nahihiya akong ibring up 'yun. Because it was stupid and useless and childish.

And Eris is a reminder of that. That, plus his constant annoying attittude and that smirking face of his!

Perfect Match (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon