Chapter 56 - Milliken

2K 66 0
                                    

"Babe?"

"Hmm?" I didn't look up because I know the moment na magpadistract ako hindi na niya ako titigilan.

At nadidistract ako sa glasses niya! He asked me to go to his condo para sabay na magwork.

For old time's sake daw. If I know better gusto lang niya maglambing.

Hindi naman kasi siya nagwowork. Suot lang niya ang glasses niya pero hindi naman niya binabasa ang business proposal. Sumiksik siya lalo sa akin.

"I'm thinking, ilabas kaya natin 'yung kapatid mo."

"Seryoso ka ba? Hindi na sasama 'yun." Sabi ko.

Kung dati ay puro paglalaro lang ng Ipad ang alam niya aba ngayon maarte na rin siya. Some may say nagdadalaga na.

"Pag nakita niya ako baka magbago isip niya." He wiggled his brows.

"You can try. Maldita kaya 'yun."

I shrugged but deep inside it makes me happy that he's thinking of asking my sister to come along. At least he cares for my family and I love that part about him.

"What if, let's go to your house right now?"
"Seryoso ka ba?"

"I'm serious! Kanina ko pa sinasabi sayo. Hindi ka kasi nakikinig."

"Because I'm working, Eris. Nahihiya na ako kay Rachel." I looked up and he's pouting.

"She may not know you anymore. Childhood ka lang nun so don't expect too much."

He lifted my chin and narrowed his eyes at me. "Ang dami mong excuses. Nakakahalata na ako ah."

"Fine. Patapusin mo lang ako then let's go."

He smile widely.

Mukhang nauto ako ni Eris dun. The truth is I haven't told my family about Eris and it will be weird to suddenly bring him home.

Nagtext ako kay Milliken na magdadala ako ng kaibigan sa bahay. Hindi siya nagreply pero alam kong nabasa niya. This brat!

Pagpasok ng bahay ay nakataas ang paa ni Milliken habang nanonood ng TV. Agad kong tinawag ang atensyon niya. Pinaupo ko siya ng maayos at kasabay ng pag irap niya ay ang pagpasok ni Eris.

I've never seen her shift reaction this fast. She goes from irritated to shocked and embarrassed.

Tinignan niya ako agad and I secretly smiled. Finally nakaganti ako sa lahat ng pagkasalbahe ng kapatid ko.

"Hi Milliken." Eris beamed.

"Hi." She said shyly.

"Kilala mo pa ba ako? Sabi ng Ate mo hindi mo na ako kilala. I'm hurt."

Tumango lang ang kapatid ko.

Tinaasan ako ng kilay ni Eris at nginisian. Tinaasan ko rin siya ng kilay.

"Kuha mo ko ng tubig. Maguusap muna kami ng kapatid mo." Utos niya sa akin.

Seriously?

"Please." He mouthed.

What made me say yes is the look Milliken gave me. She was practically begging me not to leave her alone with her childhood crush. Of course I did the opposite.

Naguusap pa sila pero nang makalapit ay bigla silang tumahimik. Tinignan ko silang dalawa at nakakaloko lang akong nginitian ni Eris na para bang wala silang pinaguusapan kanina.

Good thing he drank the water or else maiinis ako. Mukha naman rin na satisfied si Eris kung ano man ang sinabi ni Milliken sa kanya dahil ako naman ang kinukulit niya.

And it's awkward when he's flirting in front of my sister so I asked him to go to my room instead.

"I'm not going to your room." He said.

"Okay?"

"It's not proper lalo na wala ang Tita mo. Hindi pa nga kami nagkakakilala bad shot na agad." He reasoned.

I find it absurd but cute at the same time. How many times have we slept on the same and don't even mention college days when we were neighbors pero hinayaan ko nalang siya sa kaartehan niya.

Hinatid ko siya palabas ng gate nung gabi na. Hihintayin sana namin si Tita pero mukhang late siya dahil OT siya.

"Why are you so proper when you're in my house? Sa susunod dito na tayo lagi tatambay ha?" Biro ko.

"Because that's your house and I don't know but it's just weird for me. Parang biglang susulpot ang Tita mo." Tumawa siya.

"Cute mo noh?"

"Ikaw lang naman ang mahilig pumunta sa kwarto ko." Kinindatan niya ako.

"Kapal mo. That was one time and I was drunk!"

"Palusot ka pa. Ang sarap nga ng tulog mo. And last week, you asked to go to my house."

"Ops, drunk again."

"Mahilig ka talaga magpalusot. Ayaw nalang kasi umamin. Magkakahiyaan pa ba tayo dito? Tignan mo ako, aminado ako na gusto kong nakakatabi ka. See? Not that hard, isn't it?" He has a proud look on his face.

"Don't worry, hinding hindi na ako matutulog sa bahay mo! Ever." I dragged the last syllable.

"As if I'll let you. I'm a decent person pero dahil sayo nasisira image ko." He tapped my forehead.

"Wow ah! Sorry naman ah? Uulitin ko, hindi ako makikitulog sayo. Never!"

"Hindi na talaga because next time it'll be our house." He smirked. And there goes the Eris that I know.

I remember when he used to tease me about marrying him. Bigla kong naalala yung pangako niya sa owner ng tapsi. I miss eating there!

"Ayan ka nanaman. Sige na umuwi ka na." Tinulak ko siya palabas. "Ingat."

"Just be ready to say yes." Pahabol pa niya.

I groaned. "Just go!"

Tawa niya ang huli kong narinig bago siya nawala sa paningin ko.

Perfect Match (Completed)Where stories live. Discover now