CHAPTER 47: KEVIN PLEASE WAKE UP!!!

219 2 0
                                    

CHAPTER 47

KEVIN PLEASE WAKE UP!!!

3 a.m

nagising ako sa tawag ni vince, akala ko mangungulit lang kaya hindi ko sinagot..

nung pumukit ako, naramdaman ko may mali sa lahat.. bumangon ako tapos narinig ko na nagdoorbell sa labas ng bahay.

"grabe naman sila, 3a.m na, sino naman kaya yun!!"

kinuha ko yung cellphone ko, nakita ko na nakakailang missedcall na si vince. nagtext ako sa kaniya habang naglalakad.

to: vince

"hey! its three o'clock in the morning, why are you calling ba?"

tapos nagulat ako nung tumawag siya, pababa nako ng hagdan nung marinig ko na nagahahabol ng hininga si vince.

"hindi kita maintindihan vince.."

Vince: "nandito ako sa hospital ash!! Na car accident si kevin..!!!"

Nastock up ako sa kinakatayuan ko, hindi ako makahakbang, nagkamali ba ko sa narinig ko? hindi ko masabi yung gusto ko sabihin.

Vince: "ash naririnig mo ba ko? pumunta kana dito asap!"

Hindi ako nakapag salita nun, tapos si mommy nagmamadaling bumaba ng hagdaan.

"what happened to you? Bakit hindi mo buksan yung pinto?"

Pagbukas ng pinto nakita ko si rhianne, niyuyugyog ako.. hindi ko man lang napansin na nakapasok na siya ng bahay.

"ash..halika na!!"

Tapos nagmadali kaming lumabas ng bahay. Si mommy yung nagdrive papunta ng hospital. Tapos si rhianne iyak ng iyak. Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang umiyak.. natutulala ako. pakiramdam ko hindi naman totoo.

Pagkababa namin, nakita ko agad si vince at ilas, tapos si rhianne yumakap kay ilas. ngayon ko lang nakita na umiyak si ilas. gusto ko umiyak pero pinipigilan ko yung sarili ko. hindi naman malala yun for sure..si kevin pa!

Tapos lumapit sakin si vince.

"ash! Nalaman ko lang kina pj yung nangyari, nakainom sila eh.. malala yung kundisyon niya, nasa OR pa siya.."

Tapos hinawakan ako sa balikat ni vince, pakiramdam ko gusto ko na bumigay nung time na yun, tumulo yung luha ko.. sabay yakap sakin ni ilas. mas lalo kong naramdaman yung panghihina.

"sabihin mo hindi totoo to, kasama ko lang siya kanina eh..sabi ko...sabi ko tawagan niya ko..sabi ko.."

Tapos dun ko na lang nabuhos yung iyak ko,.

Ilang oras din kami naghintay, hindi ko alam kung ano na ba kalagayan niya. sana maging okey na siya. please lord sabihin mo sakin na magiging okey siya.

Nung naghihintay kami may tumakbo sa harapan namin, tapos nakita ko na may mga umiiyak. Pag punta ko dun, nakita ko yung guy na nakita ko sa mall. Napahawak ako sa necklace na bigay sakin ni kevin. Sumikip yung dibdib ko, pakiramdam ko si kevin yung nandun. Hindi ko kayang Makita sa ganun sitwasyon si kevin.

Pag talikod ko, narinig ko yung babae sumigaw ng..

"mrs. Im sorry, dead on arrival na po ang anak niyo...wala na po kami magagawa.."

"NATE...!!!!!!!!!! Dyos ko!!!gumising ka!!!!!"

Hindi ko na napigilan mapaluha, naglakad ako ng tulala. Bakit hindi ko pinigilan si kevin. Kaya ba ko kinutuban ng masama..yung lalaking yun, siya yung nasa mall na nakabangga ko. lord wag naman po sana si kevin, hindi ko po kakayanin, hindi ko kakayanin maiwanan nanaman. Minsan na niya ginawa yun, wag naman po ngayon, wag naman po sa ganitong sitwasyon.

"He's still my Man"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon