CHAPTER 36: REVELATION

195 1 1
                                    

CHAPTER 36

REVELATION

Malapit na yung Christmas, inutusan ako ni mommy na magdala ng recipe kina rhianne para sa ihahanda sa Christmas eve , almost 6months na nung last nakapunta ako dito sa kanila, hindi ko alam kung matutuwa si rhianne na Makita ako, pag punta ko sa gate nila si kuya justin agad sumalubon sakin.

“Ang tagal na kita di nakikita ah?? Bakit hindi ka na pumupunta dito?”

“Busy lang sa school, nautusan lang ako ni mommy, iaabot ko lang toh, sige..”

“Pumasok kana muna, sige na!! ngayon ka lang nagpakita eh, halika na..”

“Ano kasi.. wag na lang..”

Wala din ako nagawa dahil hinila nako ni kuya justin sa loob, nakita na nandun si kevin sa kanila. Nagulat din si kevin na nandun ako. si rhianne kinuha lang sakin yung food tapos ngumiti.

“Paki sabi kay tita thank you dito, umupo ka muna..”

Tapos nung umupo ako tinabihan ako ni kuya justin, tapos si tito at tita panay kwento sakin, tawanan kami ng tawanan. Si kevin naka tinhgin lang sakin. Malamang bisita siya dito ngayon. Wala narin naman ako pakialam kung ano ginagawa niya dito eh, hindi ko alam bakit biglang naging mabait sakin si rhianne,

Nagpaalam ako na aalis na pero pinigilan ako ni rhianne. Siguro ito na yung chance na makausap ko siya, nung tumagal kami na lang ni kevin yung naiwan sa table sabi ni rhianne may kukunin lang siya, nagpapakiramdaman kami si kevin, ang hirap lang sa ganitong sitwasyon na magpanggap kami na hindi magkilala, (awkward feeling).

Hinihintay ko na bumaba na si rhianne, gaano ba kaimportante yung kukunin niya at ganun siya katagal nasa taas. Kinuha ko yung phone ko tapos nagtext ako kay ivan, tapos bigla na lang siya nagsalita, mahinang tono ng boses. Pakiramdam ko hindi siya yung kevin na kilala ko, ibang iba na talaga lahat. Hindi ko na maisip yung kevin na naiisip ko noon.

“Kamusta ka na ash…..??”

Dapat ko pa ba siya kausapin, bakit kaylangan pa niya mangamusta???

“Okey lang.”

“Alam mo, napansin ko na ang laki na ng pinagbago mo.”

“Talaga? Ikaw din naman eh..”

Pilit yung mga ngiti ko sa kaniya, ang totoo gusto ko na rin naman umalis nung mga oras nay un pero gusto ko muna makausap si rhianne, wala ng importante sakin ngayon kundi magkaayos kaming dalawa. Si kevin pa putol putol yung mga sinasabi niya. hiindi ko alam kung ano ba gusto niya sabihin. Mukha siyang seryoso, tapos bigla nanaman siya nagsalita.

“Wala na kami ni trisha…….”

Tapos yumuko ulit siya, hindi ko alam kung alin sa dalawa yung magiging reaksyon ko, matutuwa o magagalit, ggusto ko matuwa dahil alam ko na hindi naman talaga niya mahal si trisha, hindi ko alam kung ano pa pumupigil sa kaniya noon, at ganun na lang niya sinakripiso yung samin, o magagalit dahil kung kaylan naging okey na ko, out of no where sasabihin niya na wala na sila ni trisha. Ano gusto niya gawin ko??? hindi ko alam pero sumikip yung dibdib ko, hindi ako makahinga, parang natrap ako sa isang lugar at hindi ako makaalis.

Hindi ko sin alam isasagot ko dahil hindi ko din naman gusto malaman yung dahilan, pero nakikita ko na nagaabang siya sa mhga sasagot ko sa sinabai niya.

“Ahhh… ganun ba..”

“Hindi ko na kinaya, pinilit ko itama pero mali.. dapat noon ko pa to ginawa, pero..”

"He's still my Man"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon