CHAPTER 3: KEVMAN OR IVAN

311 2 0
                                    

CHAPTER 3

KEVMAN OR IVAN

Monday nanaman, wala na ginawa si rhianne kundi kulitin ako about sa nangyari sa pivo’s resto bar ng cousin ni Kevin. Madaldal din kasi si kim. Malamang chinika niya agad yun. Si kuya justin naman hindi ko nakita dahil nga pumunta kami dun. Pero okey lang Masaya naman ako nun eh. good vibes muna.

Sabay ulit kami pumasok ni bessy, nakita ko si kim nakatambay sa room namin kasama sila Vince, ilas at Kevin. Halata naguusap usap sila. Sabay nginitian nila ko lahat maliban kay Kevin. Lumapit ako sa kanila at biniro sila. Alam ko naman kasi na yung nagyari nung sabado yung pinaguusapan nila.

“Ano pinaguusapan niyo ha?”

Sabay ngiti ko sa kanila.

Vince:  “Ikaw!! Hahaha! May pa holding hands pa kayo ni kev’s ah.”

Kim:  “At hindi lang yon may pagtitinginan pa ng malagkit.”

Rhianne:  “Really?? Ayaw mo pa magkwento sakin eh sweet naman pala kayo nun.”

Kevin:  “Wag niyo nga asarin si ash, lunes na lunes inaasar niyo pa.”

Ilas:  “Oo nga naman wag nyo asarin si ash, nagagalit si papa kev’s. lagi ko napapansin na napaka protective mo palagi kay ash. Hahaha!”

Ashley:  “Ano ba kayo, wala yon. Hinawakan niya kamay ko kasi kabado ako. Kayo naman.”

Ano ba naman yan defensive naman ako nito. (--,)

Vince: “Defensive!!!”

Rhianne:  “So may nagyayari pa lang ganon nung wala ako.”

Kevin:  “Wala lang pala yon..”

Pabulong sabi ni Kevin as if naman hindi namin naririnig.

Ashley:  “Ano yun kevman???”

 Hindi ko alam kung bakit ko nasabi yun. Palagi niya kasi nilalagay name niya sa huli ng text kevman.

Kim:  “Wow may tawag na siya kay Kevin ngayon.”  “KEVMAN”

Ashley: “Hindi kasi..”

hindi nako nakapag explain kasi nagstart na sila mangasar.

Vince:  “Eh bakit naman kevman?”

Ilas:  Kasi nga Kevin is my man.. “he is my man”.. naks!!!

Vince:  “Ang sweet niyo naman.”

Kevin:  “Sa text kasi yun. Kayo naman!!”

Kim:  “So nagkakatext pala kayo? Madalas?”

Sabay tawa nila lahat.

Hay nako hindi na sila natapos, buong araw ganon sila. Everytime may pagkakataon palagi nila sinasabi ung word na “kevman” umalis nadin si kim nung dumating  yung adviser namin.dinalaw din pala niya yung classmate namin na si fen. nagseating arrangement kami sa room. Si Kevin, vince, at rhinne halos magkakalapit lang. ako naman medyo malapit kay ilas. Inutusan ako ng teacher namin sa second class na kumaha ng chalk. Pinasama niya din si fen sakin. Ang panget lang ng feeling kasi ang tahimik nito eh. pero no choice naman eh. palagi ako or si bessy inuutusan sa room.

Nakakainis nga minsan eh hindi ko alam kung nanadya ba sila. Hindi man lang siya nagsalita. Nakatingin lang siya sakin. Ano kaya yun. Nung kinuha yung chalk sabay pa kami nahawakan niya tuloy yung kamay ko.

Ivan:  “Ako na kukuha, baka madumihan pa yung kamay mo.”  

Sabay sabi niya sakin. Marunong naman pala siya magsalita eh.

Ashley:  “Okey, sige ikaw nalang.”

Tapos hindi na siya nagsalita ulit. (weird feeling)

Bumalik na kami sa room tapos hindi ko inaasahan na magkamali ng hakbang yung paa ko sa hagdanan.

Ashley:  “Owww?!?!   (@_@)  Ouch!!!”

Tapos nagulat nalang ako na hawak hawak na niya ko sa dalawang balikat tapos nadala ko siya pabagsak. Nasa likod ko na pala siya napayakap siya sakin at sabay kami nahulog.

Sinubukan niya ko hatakin pero nadala ko siya. bumilis tibok ng puso ko hindi ko na naramdaman yung sakit. Nakita ko na hawak hawak na niya yung tyan at yung mukha ko. nakayakap na pala siya sakin. nagkalat na yung mga chalk sa hagdanan. Hindi ko alam kung ano mararamdam ko nung mga oras na yon. Parang nanigas nako sa lugar na yon. Tumigil yung oras. Naramdaman ko siya. (cold sweat)

Bumalik kami sa room parang walang nangyari tapos nagulat nalang ako nung inabot niya yung panyo sakin. Nakita ko na puro chalk na pala yung uniform ko. nahigaan namin kanina sa hagdanan. Hindi nako nakapag thank you kasi umalis na agad siya.

Ivan: “Gamitin mo to.”

 hindi ko alam bakit ganito nararamdaman ko sa kanya. Bakit bumibilis lagi tibok ng puso ko pag kasama ko siya. pag nakikita ko siya. bakit parang nararamdaman ko na matagal ko na siyang kilala. Bakit ganito ko sa kanya. Hindi ko maiwasan tumingin sa kaniya. naiisip ko yung nagyari sa hagdanan. Naiisip ko yung mukha niya.

       ----------------------

IVAN’S POV

Maaga ako pumasok, nakita ko agad si kim. Nakipag kwentuhan sakin. Siya agad nagi kong kaybigan dito. Hindi ko pa kasi alam kung anong gagawin para makilala ulit ako ni ash. Masyado ng matagal simula noon. Dumating yung mga kaybigan niya. Pero wala siya. hindi na din lumapit ulit sakin si kim kasi tinawag siya nung mukang hapon namin na classmate. Nagtatawanan sila at nagkwekwentuhan. Wala nadin naman ako pakialam. Afte a couple of minutes. Dumating na din siya kasama si rhianne. Nakita ko siyang lumapit dun sa lalaking lagi nakasunod sa kaniya. hindi ko alam kung ano mararamdaman ko pag nakikita ko siya. gusto ko sya lapitan pero paano? Hindi ko alam kung pano sisimulan. Makikilala man niya ko pero pano kung nagbago na siya.

2nd subject na. hindi ko naman siya Makita, bakit ba kasi chua surname ko. nasa harap tuloy ako. Inutusan siya kumuha ng chalk. Bakit kasi siya palagi inuutusan. Nag prisinta nako na ako nalang kumuha nung mga chalk pero pinasama parin niya si Ashley. Hindi ko alam pano ko siya kakausapan. Parang lagi nalang ako natatahimik. Nakita ko na kukuning na niya yung chalk. Sakto naman na kinuha ko din. Nahawakan ko yung kamay niya. Naramdaman ko ulit yun. Yung lagi ko ginagawa pag natatakot siya. yung mga panahon na ako pa yung lagi niya kasama.

hiling by silent sanctuary song play ---->

Ivan:  “Ako na kukuha, baka madumihan pa yung kamay mo.” 

I want to tell you everything. I wish we could be together just like before.

Pero pano naman? Iba na sitwasyon ngayon

Ashley:  “Okey, sige ikaw nalang.”

Kahit sandali lang Ash, Masaya nako na nakita kita ulit.

Naglakad na kami papuntang classroom, tahimik walang nagsasalita samin dalawa. Hanggang nakita ko na lang na madadapa siya. kaya hinawakan ko yung mga balikat niya nung nakatalikod siya. pero too late na.

Ashley: “Owww?!? (@ _@) Ouch!!!”

niyakap ko siya para hindi tumama yung mukha niya sa sahig. Mabilis ang pangyayari kaya hindi ko narin narealizena nakatingin napala siya sakin. Matagal, hindi ko namalayan na matagal. Huminto yung oras.

Parang ayaw ko na tumayo pa. dito na lang kaya tayo. Kahit sandali lang ayos na sakin. Kahit ganito lang tayo dalawa. Alam ko na dadating din yung araw na maaalala mo ko at alam ko na maaring mabago na ang lahat. Tanggap ko yun. Wala nalang ako magagawa kung hindi  himiling na Sana mabalik pa yung kahapon.

© SmileWithAngeL-Wattpad.com, 2012; All rights reserved.

"He's still my Man"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon