CHAPTER 32: HURTFUL MOMENT

208 1 2
                                    

CHAPTER 32

HURTFUL MOMENT

Kinabukasaan, pumasok ako ng school, sinundo nako ni ivan, sa wakas okey na kami! Binigay niya sakin yung helmet, pag dating ko ng school, nakita ko yung mga estudyante nakatingin samin, the hell I care!! Bahala sila isipin yung gusto nila isipin.

Alam ko sa sarili ko wala ako ginagawang masama, nung nasa hallway kami ni ivan, nakita ko nanaman yung nakasulat sa pader, tapos ginulo ni ivan yung ulo ko.

“Ahhhh!! Ano ka ba??? bakit mo ginulo buhok ko ang hirap kaya magayos.”

“Kahit naman anong ayos mo dyan magulo parin tingnan!!”

“Napaka sama mo talaga!!”

Nagaasaran lang kami pag dadaan dun, gusto niya ipakita namin na hindi kami affected affected sa mga bagay na ganun.

Pag dating ko ng room, tahimik yung tatlo.

“Ano nangyari sa inyo?”

ILAS: “Ewan ko sa kanila, haaayyy! Dyan na nga kayo!!”

“Ano problema nun???”

Kim: “Ewan ko!!!”

“Uso na ba ngayon yung deadmahan??”

Hindi nagkikibuan si vince at kim, si ilas halatang may problema. Wala siya sa mood. Kami lang ni ivan yung okey. Sa recess sabay ulit kami ni ivan. Nakita ko si rhianne nakaupo sa table namin. lumapit ako pero hindi niya ko pinansin.

“Rhianne…”

Kathleen: “Hi ash! Uhm.. dito ba kayo kakain?”

Nakatingin lang samin si r.v pati si Kathleen, tumayo siya ng upuan, alam ko aalis siya kaya inunahan ko na siya.

“Hindi kami dito kakain ni ivan, sa tvj co. na lang. sige ah!!”

Nakita ko na masama tingin sakin ni rhianne, hindi ko maintindihan kung bakit galit nag alit siya sakin, wala akong matandaan na ginawang masama sa kaniya, bestfriend ko siya, hindi ko gusto na ganito kami sa isat isa. Siguro kaylangan din namin magusap. Hindi ko lang alam kung kaylan at paano.

Pag punta namin sa tvj co. wala sila dun, bakit ganito yung feeling, dati ang saya saya namin, ngayon ito nanaman kami. Magulo, may kaniya kaniya problema. Kami na lang ni ivan ngayon yung nandito, nakakalungkot lang minsan.

Uwian namin, dumaan ako sa locker ko, pagbukas ko ng locker may nakita akong box pag tingin ko, may laman na bulaklak ng patay, hindi ko alam kung sino naglagay nito, nakita din ni ivan yun, kinuha niya sakin tapos tinapon niya sa trashcan.

“Sino naman kaya gagawa nito!!”

“Hayaan mo na, wala lang magawa yan.”

“Paano pag binabantaan ka na pala?? Masamang trip to, mahuli ko lang gumagawa nito, yari siya sakin!!”

Nasa hallway kami ni ivan nung Makita ko trish nakaabang, kasama niya yung anne na nakaaway namin ni kim.

Trisha: “Talaga bang Makati ka??? Pati boyfriend ko inaagaw mo pa!!!”

Ashley: “Hindi ko alam kung anong sinasabi mo!!”

Anne: “Ang sabihin mo malandi ka talaga!!!!! Bitch!!!”

Ashley: “Anong sinabi mo huh?????”

"He's still my Man"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon