CHAPTER 41: LAST DANCE

199 2 0
                                    

CHAPTER: 41

LAST DANCE

Almost 12 na, nasa table pa kami ngg kwentuhan, si kim at vince mukha okey naman sila, si Kathleen at ilas, nakita ko na nagsayaw sila, ang alam ko friends na ulit sila. Nagpaalam si ivan na kakausapan niya si rhianne. Pumayag ako, alam ko naman na kay ivan lang siya makikinig.

Nagpaalam ako na mag cr, tapos nakita ko sa may gilid ng entrance ng cr si kevin, nag smoke.

“nagsmoke ka nanaman??”

Sabay tapon niya ng sigarilyo.

“bakit masama na ba?”

“masama yun sa health noh!! Teka bakit ikaw lang dito?”

“wala.. gusto ko lang mapagisa..”

Sabay punta niya sa may table malapit sa may swimming pool, tumabi ako sa kaniya.

“Okey na ba kayo ng daddy mo?”

“hindi pa din, mas lumala nga eh, hindi ko na magamit yung mga credit card ko, sabi ni mommy si daddy yung may gawa kaya si mommy yung nagbibigay ng money sakin. Kumikita naman ako sa mga gigs ko. pero kulang yung pang tuition ko. ibang klase si dad..”

“pag kaylangan mo ng tulong nandito lang ako..”

Ngumiti siya sakin.

“kung wala ka siguro matagal nako sumuko..”

“baliw..”

“totoo naman eh.. hay.. pwede ba magrequest?”

“ano naman yun?”

“can I dance with you?”

“seryoso ka ba?”

“mukha ba ko nagbibiro?”

Tapos tumayo siya sa harap ko, tapos iniabot niya yung kamay niya sakin.

“can I dance with you my princess..?”

Natatawa ako nung ginawa niya yun, pero ano pa ba magagawa ko, ayaw ko din na malungkot siya kaya sinakyan ko na lang yung trip niya.

“sure my prince..” (^__^)

Intro music: Last chance by mymp --->

Walang masyadong tao sa lugar na yun kasi nasa taas yung iba o kaya sa dance floor sila. Madalim ng konti sa place namin kasi likod siya ng villa. Meron mga floating candles at flowers sa pool kaya kahit paano may ilaw dun. may background music galing sa dance floor, may speaker malapit samin kaya rinig na rinig yung sound.

Pinatong ko yung mga kamay ko sa balikat niya, tapos naramdaman ko na niyakap na lang niya ko.

“ashley, mahal parin kita, hindi ko nga alam kung hanggang kaylan ko mararamdaman toh.siguro kahit mamatay ako ikaw parin mamahalin ko.. hinding hindi ko makakalimutan yung mga napagdaanan natin.”

“Ayaw ko masira yung relationship niyo ni ivan.. pero..”

“Ang hirap pala, yung makita ka Masaya sa piling ng iba.. kahit sisihin ko sarili ko, huli na.. atlis diba nagkachance tayo..? Masaya nako na makitang Masaya ka.. kahit masakit..salamat sa lahat.. sa pagmamahal mo sakin noon..sorry kung nasaktan kita, kahit anong mangyari, nandito lang din ako sa tabi mo,”

“you’re always be my girl..my princess..”

Pakiramdam ko, ang dami namin napagdaan ni kevin, kahit hindi naging kami.. Masaya ako dahil kahit ganun yung naging experience namin magkaybigan parin kami. Kahit anong gawin ko hindi na din kami magkakabalikan, dahil mahal ko na si ivan. Siguro ito na rin yung tadhana namin.

© SmileWithAngeL-Wattpad.com, 2012; All rights reserved.

"He's still my Man"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon