CHAPTER 44: CHANCES

211 2 0
                                    

CHAPTER 44

CHANCES

KEVIN POV’S

Naglipat ako ng condo, sobrang nakakahiya na kina rhianne na sakanila ako nakikituloy, isa pa pinipilit lang nila ko bumalik sa bahay, mabuti kung yun din yung gusto ni dad, pero mas okey nga sa kaniya na hindi niya ko nakikita.

Nalipat ko yung mga gamit, tapos kinuha ko din yung  mga gamit ko sa kwarto ko. nag pasama ako kay vince at ilas para umuwi sa impyerno kong bahay.

Nakita ko agad si mommy.

Niyakap niya ko, tahimik lang sila ilas at vince, alam nila mainit ako sa bahay. Nandun din si daddy. Hindi maiwasan magtalo kami, sinigawan niya ko sa harap ng mga kaybigan ko, pero ayos lang. ganun naman siya eh..

Pumunta ako sa kwarto ko para kunin yung iba ko pang gamit, nagalit lalo si daddy, pinatawag niya yung mga helper namin para ilabas lahat ng gamit sa bahay, sofa, lahat. Sabi niya sakin wag na wag na daw ako babalik dahil kakalimutan niya na anak na niya ko.

Sino ba nagsabi na anak niya ko? pinapabas niya sa ibang tao na totoo niya kong anak. Pero ang totoo hindi naman talaga.

Nagpaalam na sakin sila vince nung gabi, hindi ako makatulog kakaisip sa nangyari kanina at nangyari kay Ashley.

Nakasalubong ko siya tapos umiiyak siya, nalaman ko na yung kean na sinasabi niya noon, yung pala si ivan, pero bakit niya tinago?parehas lang pala kami nagtago kay ash.

Wala naman ako magawa kung hindi kunsintihin siya, kung hindi ko naman gagawin yun baka naman magkulong lang siya o pumunta kung saan.

Music intro: fix you by boyce avenue

Mas lalo ko siya minamahal, wala naman masamang umasa na baka magkatuluyan kami ulit. Pero sa nakikita ko sa kaniya, sobrang mahal niya si ivan. Sobra siya nasasaktan at naaapektuhan. Mahirap para kay ash magtiwala dahil nasaktan na siya noon. At isa na ko sa mga nanakit sa kaniya. kung kaya lang bawiin yung nagawa noon gagawin ko, bakit hindi..

Nung katabi ko siya, gusto ko siya yakapin, halikan, na maging kami na lang at kalimutan niya si ivan. Pero hindi ko kaya, kasi alam ko naman na hindi nako yung mahal niya. nakakainis lang sa part ko na Makita siya sa ganun kalagayan. Hindi ko naman makuhang magalit kay ivan dahil ginawa ko din yun noon kay ash. At naiintindihan ko siya. hanggang ganito na lang ata ako eh, maging Masaya na magkaybigan kami kahit alam ko sa sarili ko na gusto ko higit pa sa kaybigan yung samin.

Tinawagan ko si ivan, para sunduin si ash, gusto ko magkaayos na sila. alam ko tanga ko kung gagawin ko to, pero hindi ko naman kaylangan ipagpilitin sarili ko sa kaniya

Sinabi ko kay Ashley na daddy niya yung susundo sa kaniya pero ang totoo, si ivan talaga. Nung lumabas ako sa kwarto ko, gusto ko na makahinga. Bumibigat yung loob ko pag kasama ko si ash sa ganitong sitwasyon. Nagshot ako ng dalawa magkasunod nung may nagdoor bell.

“asan siya!?”

“nasa loob..”

Papasok agad si ivan nung hinawakan ko siya sa braso niya. tiningnan ni ivan yung kamay ko sabay titig niya sa mga mata ko.

“hindi niya alam na ikaw susundo sa kaniya, sinabi ko daddy niya, ayaw ka niya Makita, dahil galit siya sayo..ayaw ko siya Makita sa ganitong sitwasyon, tinawagan kita hindi para sunduin at ihatid siya sa kanila. Tinawagan kita kasi gusto ko ayusin mo yung gusot na to.”

“wala akong choice kaya ko nagawa toh! Pareho lang tayo nagtago sa kaniya kaya alam ko na alam mo kung ano pinagdadaanan ko..wag mo ko didiktahan kung ano dapat ko gawin!”

"He's still my Man"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon