CHAPTER 37: BESTFRIEND? BEST ENEMY?

207 1 0
                                    

CHAPTER 37

BESTFRIEND? BEST ENEMY?

January kasama ko din si ivan, well wala naman siya kasama sa kanila, super saya ko.. parang ang bilis bilis ng panahon. Tinulungan niya kami ni mommy magluto at mag prepare para sa new years eve. Madalas na din siya tumatambay sa room ko, pero iniiwan naman namin bukas yung pinto. Minsan nasisita kami ni mommy kasi super lapit namin sa isat isa.

Late na ko nagising, naglinis ako ng bahay nung may tumawag sa phone. Hindi siya nagpakilala, tinatanong niya lang ako about kay mommy, medyo creepy na kaya binaba ko na agad yung telephone. Naisip na baka magnanakaw ung mga yun, napanood ko sa news na marami na ulit gumagawa nun. Buhay naman talaga.

Lumabas ako para magtapon ng basura sa labas, pag bukas ko ng gate nakita ko na dumaan si kevin, napatingin siya sakin, hindi ko alam pero parang bumabalik nanaman kami sa dati. Hindi ko n asana siya papansinin pero lumapit nanaman siya sakin.

“Ashley..”

“What?”

Huminga siya ng malalim..

“Pasensya ka na sa lahat ah! Ang laking gulo yung ginawa ko.. im sorry din sa away namin ni ivan kung hindi siguro ko nagpumilit hindi magkakagulo..”

Lumapit ako sa kaniya tapos niyaya ko siya umupo sa tapat ng bahay.

“Okey lang, nangyari na eh! hindi na natin mababalik yung panahon..”

“hindi ko na alam kung kakayanin ko pa, umalis nako samin. nalaman ko na after graduation pagsasamahin nila kami magaral sa states ni trish tapos pagkakasunduin. Hindi ko kaya yun! Ang laki ng ginive up ko ash! Pangarap ko pa mag college dito tsaka mag architech. Hindi ko pinangarap na magasawa agad. At mas lalong hindi ko kakayanin na makasama si trish. Alam ko na masasaktan at masasaktan ko lang siya. ayaw ko din lokohin sarili ko. pinapasa lahat sakin ni daddy yung mga obligasyon na dapat siya yung gumagawa.”

“iniisip niya lang siguro yung future mo.. wala naman tutulong sa kaniya kung hindi ikaw diba? Hindi niya siguro sinasadya na masaktan ka niya. bakit hindi mo siya kausapin.. sabihin mo sa kaniya yung mga bagay na gusto mo sabihin..”

Napangisi siya sakin.

“kausapin? Ilang beses ko na sinubukan kausapin siya, pero sarili niya lang ang iniisip niya. hindi niya man lang natanong sakin kung anong mga pangarap ko, o kung san ako magiging Masaya. Galit siya sakin. Kasi kasalanan ko kung bakit namatay si kuya.”

“anong nangyari kevin? Bakit ganun na lang yung galit ng daddy mo sayo?”

“pinipigilan ako ni kuya umalis noon, nagkaaway kami ni daddy, kahit noon pa lang hindi na niya ko gusto, nalaman ko na kaya pala siya ganun sakin dahil hindi nila ko totoong anak. Umalis ako nun para magpalipas ng sama ng loob. Hindi ko alam na susundan ako ni kuya. Pag uwi ko sa bahay nakita ko na umiiyak si mommy. Nung sumugod kami sa ospital, nalaman ko na nabangga yung sasakyan ni kuya. Dead on arrival. Hindi ko matanggap lahat noon. Pakiramdam ko pinagkaitan ako ng mundo. Hindi ko alam kung sino yung totoong magulang ko, tapos hanggang ngayon sakin parin sinisisi ni daddy yung pagkamatay ni kuya.”

Umiyak lang siya ng umiyak nun, hindi naman ugali ni kevin magpakita ng emotion sa iba. Niyakap ko siya nung mga oras na yun, hindi ko na naisip yung mga nagawa niya sakin, napatawad ko na siya sa lahat ng nangyari noon. Alam ko hindi din niya kagustuhan na masaktan ako. mas naiintindihan ko na siya ngayon. Ang tanging magagawa ko lang ay pagaanin yung loob niya.

RHIANNE POV’S

Hinatid ko sa labas si kevin, nagpatulong siya na maghanap ng matitirhan pansamantala. Nalaman ko din na babalik na ulit siya sa pivo’s para magipon. pinatuloy muna ni mommy si kevin sa bahay. Sobrang daming issues sa kanila. Nakakalungkot lang kasi wala ako magawa para sa kaniya. Sabi niya sakin aalis muna siya para kausapin si pj.

"He's still my Man"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon