CHAPTER 5: LONESOME DOVE

321 2 0
                                    

CHAPTER 5

LONESOME DOVE

Natapos na namin yung exam. Malapit na teacher's day. Nagusap yung section namin kung anong surprise ang gagawin sa pipiliin namin teacher na walang advisery class. naisip namin na tugtugan at kantahan si sir carpio. At kaming tatlo yung napili ng class. tapos si vince naman sasayaw siya sa room para sa teacher na pipiliin namin. si Ms. Teloso yung napili namin. mabait kasi siya at may considerate samin.

Nung nasa tvj kami, nagusap usap na kami kung ano kakantahin kay sir carpio. Tapos ano ano mga gagawin. Tuwing uwian magkasama na kami ni Kevin. Nagpapaalam ako kay mommy. Pumayag naman siya. pumupunta naman siya samin every Saturday para doon na lang kami magpractice. Masaya ako pag nandoon siya. lagi niya kasi ako napapatawa.

Masaya din si bessy kasi makulit siya kasama kahit si mommy at kuya justin ka close niya. madalas nagbabasket ball siya pag kasama sina ilas pero ngayon palagi siya samin pumupunta. Pag gabi naman pupunta siya para tumugtog. Hindi ko alam papano na napagsasabay sabay lahat tapos Sunday gagawa ng project. Minsan nga sabay na kami gumawa ng project eh. mas Masaya kasi hindi nako na bobored. Tapos nung hapon na umalis sandali si bessy. Tahimik siya bigla. Nasa may veranda kami. Seryoso siya masyado.

"Masaya ka ba pag kasama mo ko ha ash?"

Ano bang klaseng tanong yun??

"Oo naman! Ang kulit mo kaya."

Totoo naman eh.

"Naalala mo ba nung niyaya kita sa restobar ng cousin ko?"

"Oo, nakakahiya nga yun eh."

ano naman meron dun? 0_o

"Masyado ka kinabahan kaya hinawakan ko yung kamay mo. Hindi ko nga alam kung bakit ko ginawa yun eh."

"Kasi nga kabado ako diba?"

Sabay ngiti ko sa kaniya.

"Hindi yun,"

ano daw?? Teka, ito na ba yun?? Wag ka mag assume ash, wala lang yan, promise!!!

"Ash, hindi mo parin ba nahahalata?"

Nahahalata ang alin?? Na sweet ka?? Omg!!!

"Ano bang gusto mo sabihin kasi? Naguguluhan naman ako sayo."

Bakit ba naman kasi kaylangan pa niya paalala yun. Bumibilis na naman tibok ng puso ko. (cold sweat)

Hinawakan niya yung kamay ko tapos, tiningnan niya ko sa mata.

"Hindi mo ba napapansin na palagi kita niyaya, palagi ako nakasunod sayo, palagi kita pinapasaya. Hindi mo padin ba nakukuha?"

Hindi ko alam bakit ganon yung feeling pero "no reaction" ako bigla. Nagulat lang siguro ako hindi ko naman iniexpect na magsasabi siya ng mga ganun.

"Nung niyaya kita sa resto bar gusto ko talaga na pumunta ka dun. Hinawakan ko yung kamay mo kasi gusto ko gawin yun. Nung niyaya ka namin sa tvj co. ako nagplano nun. Kinausap ko sina ilas at kim para maging friend ka namin. para makaclose kita. Ash hindi mo ba napapansin lahat yun?"

Ano ba naman to. Nagcoconfest ba siya ng feelings niya para sakin?? Hay ash anong gagawin mo?? Sakto naman biglang dumating si bessy.

"Hey!! May dala akong meryenda!!!" ^o^

Natahimik kami bigla, binitawan nadin niya yung kamay ko.

"Oh? Anong nangyari sa inyo? Bakit parang natahimik kayo bigla?"

"He's still my Man"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon