CHAPTER 26: NEW FOUND FRIEND

200 1 0
                                    

CHAPTER 26

NEW FOUND FRIEND

Almost 2 weeks na simula nung firstday, hindi ko sila katabi sa upuan dahil sa seating arrangement. Funny lang kasi classmate na namin si kim, magkatabi sila ni vince. Madalas sila sitahin kasi lagi sila nagaaway, dahil dun, napapalipat ng upuan si vince.

Lagi ako tahimik sa upuan kasi hindi ako sanay na iba kausap ko, namimiss ko si bessy, usually siya yung lagi ko nakakausap, pag wala magawa si ivan tumatabi siya sakin tapos ipapatong yung ulo sakin, palagi niya ginagawa yun, (magpapanggap na masakit ulo). Pero minsan naisip ko din na okey lang na wala si rhianne, kasi nagstart nako makaclose sa iba namin mga classmate.

Minsan makakatanggap ako ng letter kay rhianne, kakamustahin kami room, pag recess kasama ko siya yung lang yung time na nakakausap ko siya pati sa uwian, ang totoo bawal ang phone sa school namin kaya sa letter lang kami naguusap ni rhianne.

Oo nga pala hindi  ko na banggit na classmate ni rhianne si Kathleen, sila yung lagi magkatabi dahil siguro magkasunod yung surname nila.

Nakatanggap ako ng letter kay rhianne, inabot lang sakin nung classmate ko.

bessy

            hey, see you later, sa canteen.,. okey?? (^_^)

                                                                                                            rhianne s.

ano naman kaya balak niya??? maaga kami pinababa sa recess, si ivan nakasunod na sakin. Sabi ko kikitain ko lang si rhianne, nung una tinititigan niya lang ako. (minsan may pagka weird din siya!!) sabi niya sakin bibili na lang siya ng food.

Nung nasa canteen na ko, naglakad ako papalapit sa table namin, may nakaupo na tatlong estudyante dun, tapos nakatingin sila sakin. Alam ko na ako pinaguusapan nila kaya nagpanggap nanaman ako na walang naririnig, nilagay ko sa mga bulsa ng uniform ko yung dalawang kong kamay. Tapos umupo ako sa table, nakatingin lang sila kung ano gagawin ko. pero wala naman ako pakialam sa kanila, kaya ginawa ko nanaman yung palagi kong ginagawa pag nandun ako sa table. Yumuko ako, hinintay ko si rhianne kasi doon yung usapan namin.

Grabe sila magusap, as if naman hindi nila alam na nandun ako, aisstt!!

Naramdaman ko na may tumabi sakin nakita ko sa ibaba ng table na nakapants na uniform, alam ko si ivan na yun. Pero this time hindi niya ko ginaya. Hindi ko na lang pinansin. Tapos bigla na lang siya nagsalita.

“Your Ashley right??”

Nagulat ako kasi ibang boses yung narinig ko, ang buong akala ko si ivan yung katabi ko, napabangon ako sa table tapos nung tiningnan ko hindi pala si ivan yun.

“Huh?? Sino ka ba??”   (-   ^)

Naka smile lang siya sakin, ano ba problema niya?? tsaka bakit kilala niya ko.

“I’m r.v”  (^_^)

Tssssss!! Anong pakialam ko kung sino siya. tumayo nako sa upuan kasi naririnig ko na pinaguusapan parin nila ko. nakatingin lang siya sakin nung mga oras na yun, naglakad na ko nung bigla naman dumating si rhianne.

“Hi bessy!!” (^_^)

“Kanina pa ko dito, bakit ngayon ka lang??”

“Ang init agad ng ulo mo, may binili lang kami.”

Panong hindi iinit ulo ko pinaguusapan nanaman nila ko, tapos bigla na lang may tatabi sayo na stranger!! Tsaka close na talaga sila nung Kathleen ah!!

"He's still my Man"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon