XXVII.

125K 4.9K 1.2K
                                    

Gemma

This is so stupid. Napadpad ako dito sa may garden area para lumanghap ng sariwang hangin. For sure by now hinahanap na ako ni Luc o di kaya baka nakita niya si...

What is she doing here?

I thought she was dead?

Sinubukan ko munang pakalmahin ang sarili ko pero hindi ko maiwasang mag-isip. Baka naman namamalikmata lang ako? Baka naman praning lang talaga ako? Oh baka naman gutom lang 'to at kung ano ano na nakikita ko?

I shook my head. No. What I saw there was real. Kitang kita talaga mismo ng dalawa kong mata at malinaw na siya yun. Kahit na medyo kakaiba yung mukha niya ngayon ay alam kong siya pa rin yun. The woman that I saw in the picture, it was her. The image of her dancing a while ago is still vivid. Gusto kong umalis but I don't know where to go.

"Gemma!"

Napalingon ako kay Luc. Hindi ko maipinta ang mukha niya. Did he saw her? I suddenly felt cold. I can't do this. Parang bumalik lahat sakin at sinampal ako ng katotohanan.

I am just his rebound wife.

Parang namulat ako sa realidad nang makita ko siya. Dapat ako ang magalit dahil nagayahan ako ng mukha pero siya pa rin ang naunang nakilala ni Luc. Siya pa rin ang una niyang minahal. Nai-insecure na nga ata ako sa taong gumaya sa akin at hindi ko alam kung bakit. Ayoko ng pakiramdam na 'to. Masyado akong naguguluhan.

"What are you doing here?" His voice was laced with worry.

Worried? Him?

I don't know anymore. Totoo ba lahat ng ipinakita niya sa akin? Or nakikita niya lang sa akin si Nicca? It was my own face but the affection is different. Was all those sweet words and gestures was meant for me? Or for her?

Was everything a lie?

"Baby." Mas lumapit siya sa akin pero hindi ako gumalaw. I can't. Tila ba nanigas ako sa kinatatayuan ko. Baby? Maybe yan din tawag niya kay Nicca. Kumirot yung dibdib ko habang iniisip ko yun. I shouldn't let my guard down easily from the beginning. I was sanguine this day won't happen. But I was wrong. So wrong.

He held my waist carefully and gently. His warmness feels like home. I want to bury myself in his hold but I refrained myself. Gusto ko ng umalis sa lugar na 'to.

"I want to leave." Mahina kong sabi. He didn't question me at hinawakan niya ang kamay ko saka ako hinila papaalis sa lugar na yun. Nakatingin lang ako sa magkahawak naming kamay habang naglalakad. This felt so...wrong.

Pagkauwi na pagkauwi namin sa rest house niya ay dumiretso na ako sa guest room. Mabilis kong tinanggal ang hikaw ko at ang suot kong sandals. Nasa kalagitnaan ako ng pagtanggal ng tali ng buhok ko kaso napapitlag ako sa mahinang katok na mula sa pinto. I swallowed. He called my name pero hindi ako nagsalita.

Idiot! Calm your nerves!

"Is there something wrong?" Yan agad ang ibinungad niya pagkabukas ko ng pinto. His eyes searched for mine at hinawakan niya ang baba ko nung hindi ako nag angat ng tingin. "Tell me baby, is there something wrong?" Pang uulit niya at ngayon sinubukan kong ngumiti at umiling.

"M-Masakit lang ulo ko. Medyo m-mabigat lang pakiramdam ko." Dumapo agad ang palad niya sa noo ko. Does he really cares?

Does he?

"G-Gusto ko na magpahinga---Luc!! Ibaba mo ako!" Bigla niya ako binuhat at nagsimulang maglakad. Kanina pa ako nag rereklamo pero hindi niya ako pinapansin.

Married to UnknownWhere stories live. Discover now