L.

116K 4.5K 2.4K
                                    

Kahit sinusungitan ko si Luc ngayon, siya lang talaga ang may kayang magpakalma sa akin. Nasa labas kami ng ward ni Nicole at hindi ko maipagkakailang kakaiba ang ambiance dito. Masyadong malamig at masyadong tahimik. Parang ang lungkot tumira ng mag isa dito.

"Huy Hector, try mo kayang magpa admit dito?" Bulong ni William, kaso rinig naming lahat.

"Sama ka sa akin bby."

Parang ewan lang yung dalawa. Ewan ko ba kung bakit sila sumama hanggang dito. Naiwan kasi yung magjowa sa sasakyan.

"Boss, boss, boss." Sabi ni William habang nakatingin sa akin, kay Luc at kay Logan.

"Hanggang dito nalang kami sa labas."

"Maglalapchukan lang."

Sinamaan niya ng tingin si Hector.

"Magbabantay nalang kami baka sakaling may mangyari."

Tumango si Luc sa tabi ko. Bumabalik na naman yung kaba ko at agad naman niyang hinagod ang likod ko. I love how he reacts instantly with my body language.

"Ikaw din Luc. Maiwan ka dito, kami na ni baby girl papasok. Tutal LQ naman kayo ngayon." Logan didn't take no as an answer.

Kagaya nalang ng nangyari sa panaginip ko, hinila niya ako papasok.

Sira ba siya? Paano kung makita kami ni Nicole? Ano nalang sasabihin niya? Mas gusto pa ata kaming pag awayin ni Logan. At hindi nga ako nagkakamali, pagpasok palang namin, bumungad agad sa akin ang nanggagalaiting tingin ni Nicole.

"Look who's here. Ngayon si Logan naman nilalandi mo? Unbelievable."

"Baby girl," He smirked. Pumasok naman si Luc at inagaw ako mula sa kambal niya. "Okay okay chill! Ang selosa ninyong dalawa, bakit kaya hindi nalang kayo ang magkatuluyan?"

"F*ck you."

Goodness.

"Stop. You and you. Sa labas kayo." Walang mangyayari kung kasama ko 'tong kambal sa iisang lugar. Lalo na ngayon.

"But-"

"But-"

Sabay pa sila.

Tinignan ko sila sa mata. Alam nilang seryoso ako kaya wala silang nagawa. Tinapunan lang ni Logan si Luc ng masama pero palabirong tingin at lumabas na.

"Ikaw din. Labas." Luc pouted, ginagamitan na naman niya ako ng charms niya. Baka nakakalimutan niya hindi pa kami bati.

"Fine." He sighed in defeat. "Just call me kapag nagkaproblema. I'm just outside. Be careful." Hinalikan niya ako sa noo at sinundan yung kambal niya sa labas. Finally.

"Well, that was quiet a show. Baka nakakalimutan niyo nandito pa rin ako." Lumingon ako sa gawi ni Nicole. Nasa kama siya at may nakalagay na harang sa pagitan namin.

"Nicole."

"Yes, that's my beautiful name b*tch." She said while braiding her hair. Umupo ako sa tapat ng cell. I'm just silently watching her.

"What the f*ck do you need? Kung naghahangad ka ng madramang usapan, well spoiler alert: I'm not a fan of dramas. No? Nasira ko plano mo? Then get the hell out!"

"No." I breathed out. "Hindi ako naghahangad ng madramang usapan. Hindi pa ba sapat yung nangyari noong bagong taon? Nakakasawa na rin."

"Oh? Yun naman pala. Anong ginagawa mo dito? Ah!" She snap her fingers. "Gusto mong ipamukha sa akin kung gaano ka puta? Oh twin I know that already."

Married to UnknownWhere stories live. Discover now