XV.

166K 7K 3.4K
                                    

'I'm looking for him, instead he found me.' -Anonymous

Gemma

Naalala ko yung tinutukoy ni Rose na si Mr. Hamilton kanina. Hindi ko alam pero may kakaiba akong kutob kaya naman wala akong sinayang na oras at humarap sa laptop ko. Mabilis kong nilagay yung surname niya, I know maraming Hamilton sa mundo pero nagbabakasakali lang ako.

"No. Hindi. Hindi rin 'to. I need Hamilton with blue eyes!" Kung ano ano nalang kasi lumalabas. I typed 'model' beside it at nagulat ako sa lumabas.

It's blank.

Kahit na anong gawin ko sa pagreload wala pa rin. This is weird. Baka naman hindi talaga yung lalaki sa TV si H? Ewan ko ba pero hindi ako mapakali. Naalala ko yung sinabi ulit ni Rose tungkol sa Hamilton Enterprises.

Binggo!

May lumabas din sa wakas pero tungkol lang naman sa business nila. But I have to admit na nakakalula kung gaano sila kayaman, they have tons of business around the world. Geez business people.

Hindi ko alam kung ilang oras ang naubos ko. Talagang binasa ko yung history ng napakalaking kompanya pero wala akong nahanapan na kahit ni isang pangalan maliban sa pangalan ng owner. Wala manlang ba siyang anak? Di kaya apo? Diba meron at si Mr. Hamilton yun? Kasasabi nga lang ni Rose at Raven kanina pero bakit wala dito sa article?

Tapos sabi nila ngayon lang din nila nalaman na siya yung apo ni Mr. Blake Hamilton then dapat marami nang nagsikalat na articles diba? Something is not right. Bakit pati yung pictures blank? Sabi nila sikat na model pero ni isang picture wala akong nakita.

O di kaya may sira na 'tong laptop ko? O di kaya yung net?

Mag-aalas dose na at nakakalimang baso na ako ng kape pero bumibigat na yung talukap ng mga mata ko. I tried everything like

Hamilton model
Hamilton's soon heir
Hamilton's arrival in the PH
Hamilton's heir wife (I tried but no luck.)

And many more. Pero lahat wala. Masyadong nakakapagtaka lang. Saktong pagpatak ng alas dose napansin ko nalang na di gumagana yung mouse at keyboard ko.

"May sira ba talaga tong laptop ko?" Kinuha ko nalang yung jacket ko at lumabas ng bahay. May malapit na bookstore dito sa amin, parang mini library na din siya at 24/7 na bukas. Tinignan lang naman ako nung matandang babae na nagbabantay doon. Ni hindi manlang ngumiti, siguro inaantok din.

Hindi ko alam kung bakit ako pumunta dito, nagbabakasali lang baka may mga impormasyon din dito. Pumunta ako sa old tabloids section at nagtingin tingin. Puro politika at krimen lang naman nakikita ko.

"Miss?" Lumapit ako sa matanda.

"Misis na ako hija, hindi ba halata?" Taas kilay niyang sabi.

"Sorry po." Baka nasa menopausal stage na si misis wag na patulan. "Gusto ko pong magtanong kung may mga libro po dito ng mga bilyonaryong entreprenures? Tulad po nung CEO ng Hamilton Enterprises?" Please sana meron sana meron sana meron.

"Bakit mag a-apply ka ba doon?" Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa saka ngumisi. Iniinsulto ba ako ng matandang 'to?

Ngumiti nalang ako.

"Tignan mo sa pinakadulo, last shelf." Sinimulan ko na maghanap, halos abutin na ako ng ilang oras dito sa kakahanap pero wala. Lumingon ulit ako doon sa matanda pero nakangisi ulit siya. Sabi ko na nga ba! Pinagtritripan ako ng matandang yun! Calm down Gemma, calm down.

Saktong may pumasok na mga lalaki na may dalang malaking kahon saka nila sinimulang ilagay yon sa magazine section, baka mga bagong display. Pagkaalis nila saka ako lumapit at laking gulat ko agad kong kinuha yung isa doon.

Married to UnknownWhere stories live. Discover now