XXIII.

163K 5.7K 2.4K
                                    

Gemma

Rise and shine!

Hindi ko alam kung bakit ang ganda ng gising ko ngayon. Napahawak ulit ako sa labi ko at hindi ko maiwasang mamula. Kamuntikan na kaming mahuli, buti nalang tumigil din siya agad. Napailing nalang ako at saka dumirecho sa banyo.

Pagbalik ko sa kama, hindi ko napansin na may note pala sa bed side table ko kaya agad ko yun binasa.

Been to office my kitten, sleep well. Your breakfast is ready downstairs.
-H

Kulang nalang liparin ko yung daan papuntang kusina. Namula ulit ako pero dahil sa kahihiyan na. Walang binatbat yung paghahanda ko ng breakfast kahapon sa inihanda niya.

May nakalagay doon na strawberry pancakes with whipped cream, sausages, eggs, bacon and milk. Kumulo bigla yung tiyan ko. Did he really made all of this?

May napansin na naman akong note doon sa tabi ng vase dito sa lamesa.

Make sure to eat, don't starve yourself. By the way, I made them all.
-H

My heart fluttered. Umupo na ako at nagsimulang kumain, I made sure na inubos ko lahat ng niluto niya. This is all delicious I swear. Hinugasan ko yung pinagkainan ko pagkatapos. Hmm, what should I do?

Bumalik ulit ako sa kwarto ko. Maya maya ay nakakita na naman ako ng note sa vanity table ko.

Be ready at 7, I will fetch you. Pack some clothes, enough for 3 days.
-H

Nanlaki yung mata ko. Saan kami pupunta? Agad ko siyang tinawagan kaso busy yung linya. Napatingin ako sa orasan at mag a-alas nuebe palang ng umaga. Masyado naman yata akong excited kung mag eempake na ako ngayon. Kinuha ko nalang ulit yung phone ko para tawagan si Rose at mabuti nalang sinagot niya.

"Gemmy babes! Ang aga aga ba't ka naninira ng tulog-babe ang ingay m-shut up!"

Napakunot noo ako. Anong meron? Parang pamilyar ata yung boses.

"Sino yan?"

"H-Ha? A-Anong pinagsasabi mo? Gemmy naman mag isa ko lang kaya sa kwarto--Rose masakit--Tumahimik ka!" Napasampal nalang ako sa noo.

"Napatawag ako dahil tatanungin sana kita kung free ka ngayon? Pero sa tingin ko-"

"Babe why did you stop?---Blah blah blah ang dumi mo!" Narinig ba ni Rose yung tanong ko? Isa pa, mukhang kilala ko na kung kanino yung boses.

"Rose?"

"Ay ginataang hinayupak! Oo! Hindi! Hindi ako free ngayon!"

"Ba't ka sumisigaw?"

"A-Ano. Ano kasi a-no uhm call you later!"

Call ended.

Napatitig ako sa phone ko at dahan dahang umiling. Kung ano man yung ginawa, ginagawa at gagawin palang nila sa kabilang linya, ayaw ko nang malaman.

Nagitla ako nang bigla ulit tumunog yung door bell at narinig ko pa yung pag bukas ng pinto sa baba? Oh my gosh, nakalimutan ko bang i-lock yun kanina?

Napamura ako ng mahina at saktong nakita ko yung baseball bat na naka display sa gilid ng kwarto. Hindi ko alam kung bakit may ganyan dito pero nagpapasalamat nalang ako.

Dahan dahan akong bumaba at may naririnig akong yapak ng paa di kalayuan sa kinatatayuan ko. Lumapit ako sa may kusina at saktong nakatalikod yung salarin. Hindi ko alan kung sino siya dahil nakasuot ito ng hood pero bahala na. Ipinikit ko yung mata ko at saka bumwelo.

Married to UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon