XVI.

164K 6.5K 3.2K
                                    

'Open your eyes to those who's surrounding you, you never know...' -Anonymous
Gemma

He cheated. He cheated again. Pagkatapos ko siyang iwanan, nagkulong ako dito sa kwarto habang nakatunganga sa kakapasok lamang na balita. Muli na namang bumuhos ang mga luha ko dahil pamilyar yung kotse na nakaflash sa screen na ngayon ay nayupi na.

"Jax..."

He's gone, pumanaw na siya. He was brought to the hospital dead on arrival. Pero bakit ganito? Hindi manlang ako nakaramdam ng sakit? Oo naawa ako pero hindi ako nasaktan sa pagpanaw niya.

Pinatay ko nalang yung TV at tinignan ang pagbagsak ng matinding ulan sa labas.

Unti unti kong idinilat ang mga mata ko at natagpuan ko ang sarili ko dito sa loob ng kwarto ko. Tinignan ko rin yung suot ko at yun pa rin yung suot ko mula kahapon. Ano bang nangyari nung gabing yun? Ang natatandaan ko lang isa ako sa mga naging assistants hanggang--napahawak ako sa ulo ko habang inaalala ko yung nangyari kahapon.

Hindi ko alam pero tuluyan nang nanginig yung tuhod ko. Napaupo ako at sinubukan ko pa ring kumalma. Hinawakan ko yung singsing sa leeg ko at pumikit.

Mas hinigpitan ko yung hawak ko sa singsing. Mga ilang minuto na akong nakapikit dahil natatakot akong idilat yung mga mata ko

Hanggang sa maramdaman ko nalang na bumalik na yung ilaw at doon ko lang napag desisyunan na buksan ang mata ko kaso pagkadilat ko, nagulat ako dahil may kamay nang nakalahad sa harapan ko.

"Wife."

Literal na napatakbo ako sa terrace namin. I need air! Siguro mababaliw na ako dahil naging abnormal yung paghinga ko. Hell no! Panaginip lang ba yung nangyari kahapon? Imahinasyon ko lang ba? Hindi 'to totoo diba? Kaso muntik na akong mapamura nang may maaninag akong hindi pamilyar na kotse sa labas ng gate namin.

"Sino naman kayang may ari niyan? Hindi kaya si Harold? O baka naman si Hec-"

"That's mine."

Nagulantang ako sa nagsalita sa likod ko kaya bahagya akong napatalon. Pagkalingon ko, mas lalo lang tumayo yung balahibo ko dahil walang tao doon kaso mas lalo akong hindi mapalagay dahil alam na alam ko kung kaninong boses yun. What is he doing inside my house?

"Where are you Luc?" For the first time binanggit ko yung pangalan niya. May narinig akong tumawa ng mahina at napatingin ako sa loob ng kwarto ko.

I can't believe this. Tama ba yung nakikita ko?

Nakasandal siya sa may pintuan habang nakatitig sa akin. The fact that he is here topless and in personal, mukhang panaginip na naman 'to. Everything is surreal.

Ipinikit ko yung mata ko at huminga ng malalim bago ko ulit binuksan ang mata ko. Huminga ako ng maluwag dahil wala siya dun sa kinatatayuan niya kanina. See? I'm hallucinating.

Pumasok na ako sa loob at bumaba para pumunta sa kusina.

Kaso napatigil na naman ako.

Mula dito sa kinatatayuan ko, nakabukas yung TV at may nakaupo doon sa couch. Ipinikit ko ulit yung mata ko at baka nag ha-hallucinate na naman ako pero pagbukas ko andun pa rin siya.

Tinignan ko yung iniinom niya. Beer? Umagang umaga? Nakatalikod kasi siya sa akin at yung ulo niya lang ang nakikita ko tapos yung inumin sa kamay niya pero kahit na ganun parang nanonood ako ng commercial sa TV. Kinuha ko yung walis tambo sa gilid ko at dahan dahang lumapit.

Pero sa isang iglap natagpuan ko nalang ang sarili ko na nakasalampak sa couch at nagulat ako dahil nasa ibabaw ko siya ngayon at hawak niya yung walis tambo na hawak ko kanina. Sa ngayon hindi ako makapaniwala kung gaano kami kalapit sa isa't isa at isa pa hindi na naman ako makapaniwala na kaharap ko pa siya ngayon. Inihagis niya yung walis tambo sa gilid at mas lalo niyang inilapit yung mukha niya sa akin.

Married to UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon