IV.

193K 7.7K 3.9K
                                    

'Risk is part of the game.' -Victoria Aveyard

Gemma

After two weeks...

"Gemma? Hindi ka ba sasama? Diba ngayon yung last funeral ni Jack?" Umiling ako at nagpatuloy sa paghalo ng drinks.

"Sure ka?"

Umiling ulit ako at napahigpit ang hawak ko sa glass. "Mauna ka na."

Mag a-alas sais na at paparating na si Raven. Kanina pa ako pinipilit ni Rose na sabay kaming pumunta sa burol ni Jack.

Jack.

Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Hindi nagsasalita ang mga police kung ano ba talaga ang nangyari at isa pa wala na rin yung mga magulang ni Jack kaya mga kaibigan niya lang daw ang nasa burol niya at maging sila hindi nila alam kung ano ba talaga ang nangyari.

Saktong pumasok si Raven, siya na ang pumalit sa akin. Nakiusap na ako sa boss namin, starting tomorrow mag s-switch kami ng shift ni Raven, ako na ang mag mo-morning shift at siya naman ang panggabi.

"Condolence pala Gems." Bati ni Raven. Ngumiti ako ng mapakla bago umalis ng tuluyan.

Pakiramdam ko kahit na anong oras, tuluyan ng bibigay 'tong katawan ko. Pakiramdam ko kasalanan ko kung bakit sila namamatay. Hindi sila nabibigyan ng sapat na hustisya dahil alam kong hindi basta bastang tao ang nasa likod ng mga ito. Yung mga police na dapat nag iimbestiga ng mga kaso ng mga kamatayan nila, lahat sila nananahimik. Pati yung may ari ng club na pinagtratrabahuan ko, pagkatapos nung insidente ng pamamaril kinabukasan ay parang walang nangyari. Parang walang nabaril.

Alam kong hindi ko sila gusto na tao pero hindi yung puntong gusto ko na silang mamatay.

At ako naman 'tong tanga, lagi akong nagtatapang-tapangan. Kung sana hindi ko yun sinabi kay Jack, sana buhay pa siya ngayon. Mas pinangunahan ako ng takot.

Umuwi ako ng bahay at as usual wala na naman si mama. May nakita lang ako sa lamesa na isang simpleng cake at simpleng note.

Happy Birthday anak. Sorry magagabihan ako ng uwi. Ingat ka anak ha? I love you.

Napangiti ako. Hindi ko namalayan na birthday ko na pala ngayon. Pumunta ako sa kwarto at nagkulong, pagkabagsak ko palang ng katawan ko sa kama agad na akong hinila ng antok.

"N-No! D-Don't leave me Nicca!"

Isang lalaki na nakatalikod sa akin ang umiiyak habang may yakap yakap siyang katawan ng babae. Napatingin ako sa paligid at nasa isang puting kwarto kami. Sa tingin ko panaginip 'to. Kaso hindi ko alam kung anong ginagawa ko dito. Sino ba sila? At bakit siya umiiyak?

"No...no...no...no....Nicca! Please fight for your life. I-I'm here, I won't leave you again. Nicca please, I-I'm begging you."

Biglang nag ingay yung monitor sa gilid ng kama nung babae.

Hindi ko alam pero kinakabahan ako para sa kanya kahit hindi ko siya kilala.

"Nicca!"

Napabalikwas ako sa kinahihigaan ko. Hindi ko alam pero parang ang bigat bigat ng pakiramdam ko, paulit ulit pa rin na naglalaro sa isipan ko yung panaginip na 'yon.

Napatingin ako sa oras at wala pa palang isang oras ang tulog ko. Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama at muli na naman akong hinila ng antok.

Napatingin ako sa mapupula niyang mata. Gusto kong lumayo pero parang nang aakit ito. Paunti unti akong lumapit sa kanya, hindi ko alam kung bakit hindi ako natatakot, pakiramdam ko hindi niya ako sasaktan.

Married to UnknownWhere stories live. Discover now