III.

200K 8K 7.4K
                                    

"Your wish, my command, kitty." -H

Gemma

After 2 weeks...

"Here you go ma'am, enjoy." Bumalik ulit ako sa paghahalo ng drinks.

Pagkatapos nung insidente sa loob ng elevator, mas lalo akong naging maingat sa paligid ko. Lalo na't alam kong hindi ordinaryong tao ang sumusunod sa akin.

Pero dalawang linggo na rin siyang hindi nagpaparamdam magmula nung gabing 'yon.

Nakakapanibago pero mas mabuti na 'yon. Mas gumaan yung trabaho ko at wala na rin akong natatanggap na kung ano-anong bagay.

"Hey beautiful, two shots of whiskey." Hindi ako tumingin sa customer na yun basta inilapag ko lang sa mesa niya yung drinks. Aalis sana ako kaso hinawakan niya yung kamay ko.

"Sir?"

"Why won't you accompany me for a while."

"Sir bartender po ang trabaho ko dito at marami pa po akong gagawin kaya kung pwede po pakibitawan ang kamay ko."

"How much for one night?" I gasped. Sinubukan kong hilain ang kamay ko kaso mas humigpit ang hawak niya.

"Sir nasasaktan ako!" Paniguradong magkakapasa tong kamay ko sa sobrang higpit nang paghawak niya.

"Ganyan ba kayong mga babae? Alam ko namang gusto mong mababoy eh! Kaya ka nga nagtratrabaho dito diba? Wag ka ng magpanggap!"

Napakunot noo ako. Nakashabu ata 'tong lalaking 'to.

"Tatawag ako ng guard kung hindi mo pa rin bibitawan ang kamay ko."

"Ako ba tinatakot mo? Gusto mong babuyin kita ngayon din?"

Nandiri ako sa pinagsasabi niya.

"Gua---"

Napatigil ako at napatingin sa maliit na kutsilyo na nakatutok sa sikmura ko.

"Ano sisigaw ka pa? Huh?!" Medyo idiniin niya yung tuktok ng kutsilyo. Napalunok ako. Oh sht.

Tahimik akong nagdasal at bahagyang napangiwi dahil ang diin ng pagkakalapit niya ng kutsilyo.

Napatingin ako sa paligid pero ni isa mukhang walang nakakapansin.

"Anong hinihintay hintay mo? Galaw." Pabulong niyang sigaw sa akin.

Dahan dahan akong naglakad palabas ng bar counter kaso may narinig akong malakas na sigaw kaya napatigil ako.

"Guard! Guard!" Napatigil pati yung tugtog at nakatingin silang lahat dito sa banda ko. Napatingin ako sa lalaki kanina at hindi ko mapigilang takpan ang bibig ko.

Nakabulagta na sa sahig yung lalaki kanina.

Ang mas malala, madaming dugo ang nakakalat sa sahig.

■■■■

"Bes! Bes! Beeeeeees!"

Itinapon ko yung note sa kamay ko at lumingon kay Rose at pilit na ngumiti.

"Ayos ka lang? Ano bang nangyari doon?"

Nagkibit balikat ako. "Hatid na kita? Mukhang kailangan mo ng magpahinga. Hayaan mo na muna yung mga police dito." Aalis na sana kami kaso may humarang sa amin na dalawang officers. Napamura ako ng mahina.

"Kayo po ba si Ms. Gemma Andréz?"

"Ako nga po."

"Tinignan namin ang CCTV footage nang mangyari ang oras ng insidente. Sa di malamang dahilan, nabura ang footage nang mga oras na 'yon." Napatingin ako sa mga mata nung isang officer. Medyo hindi maganda ang kutob ko sa kanya.

Married to UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon