XXVIII.

117K 4.7K 1.2K
                                    

Gemma

"Mani mani kayo diyan mga ate at kuya!"

"Pasalubong, pasalubong! Bente pesos lang kada pakete!"

"Tubig tubig kayo diyan! Bili na po."

"Kuya pabili po ng isa." Inabutan ako ni kuya ng tubig saka ako nagbigay ng bente. "Sa inyo nalang po yung sukli."

"Salamat po." Tumango lang ako saka tumingin sa labas ng bintana. Mag-uumaga na pala, napatingin ako sa orasan ng phone na ipinahiram muna sa akin ni Rose. Alas kwatro na ng umaga, mga apat na oras pa bago ako makarating sa probinsya. Oo, uuwi ako ngayon ng probinsya at tanging si Rose lamang ang nakakaalam nito. Actually siya nga yung nangumbinsi sa akin na pumunta ako dito kaya nga niya ako pinahariman ng phone para hindi ako ma-trace. Wala ring kaalam alam si Harold dito at lalong lalo na si Luc.

Luc. Napapikit ako dahil sa mga luhang nagbabadyang kumawala sa mga mata ko. Hangga't sa maaari, ayokong marinig o banggitin ang pangalan niya.

Tapos na ang papel ko sa buhay niya. Andiyan na si Nicca para gampanan ang papel niya sa buhay ni Lu--Mr. Hamilton. Mapagkakatiwalaan ko naman si Rose na hindi niya ibubulgar kung saan ako pupunta. Pero hahanapin pa rin ba niya ako pag nalaman niyang buhay ang totoo niyang asawa? Asa pa ako. Hindi ko alam na nakatulog na pala ako kakaisip hanggang sa nagising nalang ako nang mag stop over ang bus na sinasakyan ko.

Napalingon ako sa tabi ko kaso napakunot noo ako nang may nakaupo doon na lalaki na mukhang sarap na sarap sa tulog. Sa pagkakatanda ko, wala akong kaupo kanina? Naka cap ito at medyo natatakpan yung mukha niya. Hinayaan ko nalang siya saka nagpunta ng C.R. at nagtingin-tingin ng snacks kahit sa totoo ay wala akong ganang kumain.

Nasa counter na ako at nang ako na ang magbabayad, mahina akong napamura.

"100 pesos po ma'am." Pang-uulit nung kahera. Napansin niya ata na kanina pa ako kapa nang kapa sa bulsa ko kaya tinaasan niya ako ng kilay. Naiwan ko ata sa bag ko yung wallet ko! Lumingon ako sa mga nakapila sa likod ko, nakakahiya naman kung paghihintayin ko sila kapag tatakbuhin ko pa yung wallet ko sa bag.

"Bibilhin niyo ba o hindi? Ang daming naiinip oh." Naiinis na sabi nung kahera. Pulang pula na ata yung mukha ko sa sobrang kahihiyan.

"P-Pasensya na ate nakali---"

Nagulat ako nang may naglapag ng napakaraming chocolates sa tabi ng snacks na binili ko. Hindi pa ako nakakalingon sa taong 'to pero agad niyang ipinulupot yung kamay niya sa balikat ko. What the-

"Sorry babe, medyo natagalan ako. Ate isama mo na rin yang mga yan." Yung mukha ni ate kanina na halos magalit na, ngayon naman ang lawak na ng ngiti at panay pa-cute. Teka sino ba 'to?

S-Siya?! Yung naka cap kanina na katabi ko kanina? Nginitian niya ako bigla pero hindi ako umimik.

"350 pesos po sir."

"Here, keep the change." Nag abot siya ng 500 saka kumindat. Napailing na lamang ako saka binitbit yung supot na naglalaman ng snacks ko. Buti nalang ipinaghiwalay ni ate.

"Salamat. Babayaran nalang kita kapag nasa bus na tayo. Naiwan ko kasi yung pera ko."

"No need. Bayad ko nalang yun sa pang agaw ko ng upuan sa tabi mo. Mukhang ayaw mo kasi ng katabi eh pero no choice ako dahil puno na yung bus." Sabi niya sabay kagat ng kitkat. "Gusto mo?" Umiling ako.

Nauna na akong pumasok sa bus. May 1 unread message ako kaya binuksan ko yun at bumungad yung pangalan ni Rose.

Hinahanap ka ni Harold, sabi ko nakatulog ka pa. Nakarating ka na ba? Make balita if may gwapo ha? Labyu!

Married to UnknownDonde viven las historias. Descúbrelo ahora