“Huwag mo naman sayangin ang buhay mo Ash! Ganyan ka na ba kamanhid at hanggang ngayon sinisisi mo pa rin ang sarili mo?!”, sabi nito sa dalaga. “Anong gusto mong gawin ko, Philippe?! Magpakasaya!? Mula ng mamamatay ang mga magulang ko, hindi na rin buo ang pagkatao ko! Buong buhay ko dadalhin na sisihin ang sarili ko! Hindi ko basta-basta makakalimutan ang mga nangyari, dahil ako mismo ang nagpasok sa kapahamakan ng mga magulang ko! Lahat ng sulok ng bahay na ito, andiyan ang alala nila!”,sabi ni Asher na umiiyak pa rin. Hinila niya si Asher sa tabi niya, “Sorry best, pero namimiss ko na ang pinakamamahal kung kaibigan.  Sana bumalik na sa akin ang bestfriend ko. Sana dumating  iyong panahon na mapatawad mo ang sarili mo at makalimutan ang masamang panaginip ng kahapon”, sabi ni Philippe at saka niyakap si Asher.

Dahil sa nangyaring pagtatalo ng mag-kaibigan, hinayaan muna ni Philippe si Asher sa lahat ng ginagawa nito.

Sa kabilang dako….

“Ralph!”, sigaw ng babae.

Habang nakasakay sa kabayo si Ralph, may tumatawag sa kanya na babae. Napahinto ito at tinititigan lang ang babaeng kararating lang. hindi maipinta ang mukha ni Ralph sa pagkakataong iyon. Bumaba siya at nilapitan ang babae.

Kumusta ka na?”, tanong ni Ralph.

Ikaw ang kumusta?”, sabi ng babae.

Mabuti naman ako. Nangungulila”, sabi ni Ralph.

Huwag kang mag-alala. Medyo matagal-tagal rin akong andito sa tabi mo”,paglalambing ng dalaga.

Kumusta ang biyahe mo at kailan ka dumating? Hindi ka man lang nagpasabi para ako ang sumundo sa iyo”, ani ng binata.

Hon, sorry na. Gusto lang sana kita i-surprise. But it seems na hindi effective ang ginawa ko.”, sabi ni Angelie.

Hon, hindi naman sa ganun. Wala lang talaga ako sa mood ngayon. Ang dami kasing inasikaso sa hospital. At saka alam mo naman kung anong trabaho ko, minsan ilang oras din ang tulog ko sa isang araw. Kaya sana pagpasensyahan mo na ako”, niyakap na lang ni Ralph ang kasintahan para hindi nito mahalata ang kalungkutan sa kanyang mga mata.

Ito naman ang araw ng pahinga ni Asher. Bigla niyang naisip ang binata. “Kumusta na kaya siya? Sabi niya hindi siya lalayo sa akin, pero ilang lingo na rin na hindi siya nagpaparamdaman sa akin? Haaaaay, mga lalake talaga. Bakit nga ba kasi ako aasa na tutuparin niya ang mga sinabi niya. And besides, hindi ko pa naman siya masyadong kilala para maniwala sa mga sinabi niya.” Nang araw din na iyon, nagpa-book siya ng flight patungong Europa. Nakapag-decide si Asher na kailangan niya ng bakasyon para makalimot sa lahat ng mga masasakit na nangyari ng kahapon. Ayaw na niyang bumalik sa “Ashienda” dahil doon lahat nagsimula ang trahedyang hindi niya makakalimutan. Kaya tumawag na lang siya sa namamahala doon na bahala muna siya at once a week pupunta si Philippe doon para ma-check niya ang Ashienda. Tinawagan niya si Philippe para magpaalam na luluwas siya sa susunod na lingo papuntang Alemanya. Umayon naman ang kaibigan nito sa desisyon ng dalaga, dahil alam niyang kailangan un ng dalaga.

''Hindi na ba talaga kita mapipigilan?“, tanong ni Philippe sa kaibigan habang nagpapaalam si Asher sa kanya. 'Ikaw talaga, gusto mo ba akong umalis o hindi?“, pabirong tanong ni Asher kay Philippe. Ngumiti ang binata, “Siyempre nagbibiro lang naman ako”, paglalambing nito. “Mag- iingat ka, ha? Basta mag-enjoy ka doon. Tawagan mo agad ako kung may problema ka at kailangan mo ng tulong ko”, pagbibilin ng kaibigan sa kanya. “Salamat, best. Maraming salamat sa lahat ng tulong mo. Alam kung kaya mong patakbuhin ang kumpanya kahit wala ako. Mahaba rin ang bakasyon ko, walang kasiguruhan kung kailan ako babalik. Pero ang nakakasiguro ko ay pagbalik ko dito mas ok na ako, at buong-buo na babalik dito kung saan pinalaki ako ng mabuting tao ng mga magulang ko“, lumuluhang sabi ng dalaga.

Niyakap ni Philippe ang kaibigan ng mahigpit at hinalikan niya sa noo bilang pamamaalam sa kaibigan.

BRIDGE TO FOREVER (Ashienda)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon