Chapter 20

9.1K 154 19
                                    

Chapter 20

(c) Shupershimmer 

DARLA's POV

Nagsisimula na ang busy days ko sa school dahil naglipana na yung mga requirements. Buti na lang at nabigyan ko nang maagang examination si Mikaela para sa evaluation. Mukhang natuto naman siya sa mga tinuro at pinabasa ko sa kanya.

Mag-iisang linggo ko na ring hindi nakakausap si Lawrence dahil sa pagkakaalam ko, busy din siya sa mga school project niya. The last time na nag-usap kami, e, sa bahay pa.

Ewan, na-offend din yata sya sa sinabi ko nung nakaraan.

Sino ba kasi ang matutuwa? He's asking for a fling, not a commitment. Yan ang isa sa mga bagay na pinaka ayaw ko. Nakaka-offend kaya! Did he see me as a flirt? Manigas siya, akala niya yata lahat ng babae isang kindat niya lang makukuha.

Kung tutuusin, mapapa-oo na sana ako sa sinabi pero nagpanting lang talaga ang tenga ko sa reasons niya. Napaka-unreasonable naman kasi. Besides, hindi narin sya nagda-drop by sa school ko para isabay sa bahay ng tita niya.

Malalaman ko na lang na nandun na sya, o kaya naman, ginagabi ng uwi-- yet we never talked.

Pauwi na ako nun, galing sa isang school activity tapos may isang luxury car bumusina sa tabi ko habang naglalakad na ko papunta sa LRT station. Si Lawrence ang naalala ko dahil ilang beses niyang ginawa sakin yun pero nagtaka naman ako kasi si Ully ang ngumiti sakin.

Binaba niya yung salamin ng bintana, "Uy, hindi ka ba pupunta sa bahay ni Peter?"

Nagtaka naman ako. Ano'ng meron at required ang presensya ko sa bahay nina Peter, aber?

"Ha?"

He smirked coolly, "Akala ko kasi susunduin ka ni Monster Lawrence! Birthday ni Peter ngayon! Nauna na sila sa bahay." Ngumiti ulit siya, "Tara, pumunta ka na!"

"Ha!?" Napailing ako bigla, "H-Hindi na, uuwi na ko. Ano'ng oras na eh. Tsaka, hindi naman ako na-invite."

Humaba yung nguso ni Ullyses na parang may iniisip siya, "Sige na. Kahit dumaan ka lang. Chill-chill."

Lumabas siya ng sasakyan niya at hinila ako sa siko ko, paikot sa passenger's seat. Tatanggi pa sana ako kaya lang pinagtinginan kami ng taga-school ko kaya sumakay na lang din ako. Ayoko ng eksena—tama na yung ginawa ko sa canteen.

Smooth naman ang naging byahe dahil wala pang isang oras, nasa lugar na agad kami. O baka sadyang kaskasero lang talaga si Ully. Sinamahan niya ako sa gathering sa loob ng bahay nina Peter at ngangabells talaga ako!

Ako lang yata ang naiiba ang uniform! Well, may mga tatlong galing din sa ibang university pero La Salle at UST ang tatak. Shet, this is not my place. Kakausapin ko sana si Ully kaya lang may kausap na ibang tao. Ugh, ba't niya ba ako dinala sa gitna?!

"Darla!" Nakahinga ako nang maluwag nang makita ko si Peter, "Buti naman nakapunta ka. Si Lawrence?"

"Ha? Hindi ko alam, e. Si Ully ang kasama kong pumunta. Kinaladkad ako, e." I chuckled.

"By the way," inakbayan ni Peter yung kasama niyang babae na iba ang uniporme, "Darla, si Kristina, girlfriend ko. Kris, si Darla, she's a good friend of Lawrence."

Muntik na akong mapaubo sa sinabi niya pero buti na lang hinde. Nakipagkamay yung girlfriend niya sabay ngiti. Mukha naman siyang mabait—bagay silang dalawa.

"Happy birthday." Bati ko kay Peter.

"Thanks!"

Nag-excuse siya nang may dumating na mga kakilala niya kaya hinayaan ko na muna. At the same time, hinahanap ko si Lawrensha dahil siya ang pag-asa kong hindi ma-isolate sa gathering chuchu na 'to.

She's My Sweetest DrugTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon