Chapter 24 (Part 2)

8.3K 148 16
                                    

Chapter 24 (Part 2)

(c) Shupershimmer

Dahil nga nasa kalagitnaan ng highway ang kinalulugaran namin, wala kaming nahanap na malapit na kainan, kahit Jollibee wala. Sinabi ni Lawrence na sa QC Circle na lang daw kami dumiretso dahil may mga restaurant malapit doon.

“Tara, taxi na tayo. Medyo mainit.” Sabi niya habang naka-crinkle ang pagitan ng dalawang kilay niya dahil sa init. He even wore his shades.

“Seryoso ka?” I half-shouted, “Kayang-kaya namang lakarin ‘yon for fifteen minutes. Wag nang mag-taxi, ang gastos mo naman.”

Inunahan ko siyang maglakad sa gilid ng highway, tapos sumunod naman siya—well, wala siyang choice. Pagpasok namin doon sa QC Circle, kumain kami sa unang kainan na nakita namin at tahimik kaming kumain. Nakakatuwa, ganito pala si Lawrence pag nagugutom: tumatahimik.

Tinanong ko siya kanina kung bakit hindi niya dala ang sasakyan niya, e, ang layo nito sa bahay nila. Sinagot niya ako na nagpasabay lang daw siya kay Ully, at sasakyan nun ang ginamit.

Pagkatapos naming kumain, gaya ng inaasahan ko, siya nga talaga ang nagbayad—akala ko joke niya lang ‘yon. After ten minutes of resting, tumayo siya at tinignan ako sa mukha.

“C’mon.”

“Ha?”

“Tumayo ka,” he glanced away, “Masyadong heavy ‘yung pagkain, ayokong magka-tabs.”

Nauna siyang lumabas—as what he alwaysdo—tapos sinundan ko siya hanggang sa loob ng QC Circle. I’ve been here, but have not explored the place. Maraming tao, yung iba may dala pang aso, or tuta, yung iba nakaupo lang. Most of the opposite sex na magkasama, e, nagdedate.

“Hindi ko alam na Luneta part 2 pala ‘to.” I mumbled to myself.

“Sa ganitong klase ng lugar, mas na-a-appreciate ang romance,” I heard him smirked, “Trees, fountain, benches, and stuff.”

“Siguro nakapag-dala ka ng ka-date mo rito, ‘no?”

He grimaced. Natawa lang siya sa tanong ko at binigyan ako ng what-the-hell-do-you-think-look, “This place might be a bit romantic, but not all men would choose this.”

“Okay.” Tinikom ko na lang ang bibig ko habang naglalakad kami sa isang pavement na may silong.

After a moment of silence, Lawrence broke the ice, “What’s your ideal date?”

Hindi naman siya nakatingin sakin pagkatanong niya nun dahil diretso lang ang mata niya sa daanan, habang naka-cross arms siya. If you think na mukha kaming romantic pag tinignan sa malayo, nagkakamali kayo. Almost six inches ang pagitan ng mga braso namin, at mas madalas siyang nauuna. Ang laki-laki naman kasi ng mga hakbang niya, unicorn talaga, e.

“Ideal date?” natawa ako nang bahagya, “Wala. Kahit ano.”

“Saan ka dinadala ni Brent?” tanong niya, “Nung kayo pa.”

“Sa mga normal dating places lang,” napayuko ako, at ngumiti, “Pero bihira lang namin gawin. Hindi mahilig sa Brent sa pag-gala sa mga ‘romantic’ places, dahil hindi niya raw trip.”

“Kawawa ka naman,” he smirked, “Nag-two-time na nga sayo, di ka pa nabigyan ng magandang memories. Siguro nagsawa ka na sa SM, tsaka sa Luneta, ‘no?”

Tumawa siya, to the point na kailangan niya pang huminto sa paglalakad at humarap sakin, para lang ipakitang masaya siya—na sobra ang kaligayahan niya—dahil ganun ang sinapit ko sa first ever boyfriend ko. Napaka-mean talaga. Nakakainis.

She's My Sweetest DrugTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon