Chapter 35

7.6K 179 28
                                    

Chapter 35

© Shupershimmer

LAWRENCE’s POV

The kiss wasn’t long—it was as short as a second, but would last as forever. Hindi ko alam kung bakit ‘yon ang bigla naming ginawa, pero parang nagkusa na. In short, the feeling is mutual.

Hindi naging awkward ang sitwasyon pagkatapos no’n. Hindi naman sa ineexpect kong maiilang ako—it’s not my first to kiss, though—pero siguro, pareho lang kaming masaya sa kung ano man ang nangyari sa loob. That tiny moment seems to be like something we wished for.

Natapos ang ferris wheel, at doon ko lang naramdaman ang feeling na ‘sana, may extension pa.’

“Tara, kumain na tayo,” sabi ni Catacuts pagkahinto ng ride at hinihintay na makababa kami.

“I’m about to say it.”

I smiled and squeezed her hand tightly. Malambot ang palad niya, at kasyang-kasya ang mga daliri niya sa gaps ng sa’kin. Para bang perfect puzzle na nabuo. Kung tutuusin, simpleng holding hands lang ‘to, pero masarap sa pakiramdam.

Pagkabukas ng pinto, ako ang unang lumabas dahil mas malapit ako do’n saka ko siya hinila pababa.

“Actually, couple shirt talaga ‘tong suot natin,” ngumisi ako sa kanya habang naglalakad kami sa gitna ng dami ng tao.

Napatingin lang siya at biglang natawa. “Obvious naman, e.”

“’Yung… yung sa ferris wheel kanina, sorry, nadala lang ako tsaka—“

Natigilan ako sa pagsasalita dahil umiling siya at tumawa. Ang kamay naming dalawa, pa-sway-sway lang na parang swing sa playground. Sa totoo lang, nalalabuan ako sa halik na ‘yon—wala siyang sinabing kahit ano matapos ‘yon.

“Wow ha, nahiya naman ako sa ginawa mo sa’kin doon sa birthday ni Peter,” umismid siya. “Kunyari pang pa-inosente, e.”

Kung paano kiligin ang mga lalake, sa gano’n ang naging reaksyon ko—kakaibang ngiti. Ngiting tagumpay, ngiting mabuhay, o kahit ano pang tawag do’n.

“Gets ko, pero gusto kong sabihin mong… ano… um-oo ka. Para alam kong official.”

Umikot lang ang mga mata niya sa sinabi ko tapos binitawan niya ang kamay ko. Maya-maya, mukha na kaming naglalakad sa sagala dahil nakapaikot ang kamay niya sa braso ko, though hindi siya gano’n kalapit.

“Hm,” napaisip pa siya. “Sige. Lawrence, sinasa—“

I cut her off. “Na-gets ko na, okay? ‘Wag mo nang i-emphasize, gets na gets ko na,” I smiled triumphantly.

Sa totoo lang, masarap sumuntok sa hangin. Tumalon. Mag-post sa twitter na kasama ko siya—ang girlfriend ko. Kaya lang, mukha akong tanga pag ginawa ko ‘yon. Pero dahil tanga nga ako, sumuntok ako sa hangin, below my waist.

She's My Sweetest DrugTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon