Chapter 37

6.5K 163 17
                                    

WHAT: MINI BOOK SIGNING OF LIB

WHO: LIB WRITERS (KASAMA AKO!)

WHERE: SM MARILAO (BULACAN)

WHEN: JUNE 22, SUNDAY, 12-3 PM.

KITA KITS PO TAYO! LALO NA SA MGA MAY HOME SWEET HOME BOOK COPY. Heart! 

-shimmer

***


Chapter 37

© Shupershimmer

Thirty minutes ago pa ang pagkikita nila ni Brent, yet hindi pa ‘rin niya ako kinakausap hanggang ngayon.  Gusto ko sana siyang kausapin pero parang highblood pa ‘rin siya. Naiintindihan ko naman ‘yon, e.

“Gusto mong manood ng movie?” tanong ko sa kanya habang nasa harap kami ng TV.

Umiling lang siya, pero hindi masyadong gumalaw ang ulo niya. Huminga ako nang malalim—pasensya, please, pasensya.

“Ayaw mo talagang kumain?” inalok ko pa ang hawak kong Pic-A. ‘Di na siya sumagot.

Kanina ko pa kasi siya inaalok ng binili ko sa 7/11 pero tumatanggi siya, at walang ginalaw ni isa sa mga pagkain ko. Kailan ba ‘to magsasalita? Nauubos na pasensya ko, kanina ko pa siya sinusuyo.

What hurts me more is that he’s trying to sit away from me. He doesn’t even look at me.

“Alam kong galit ka, pero sana magsalita ka,” nilapag ko ang Pic-A sa mesa. “Pa’no tayo mag-uusap kung ako lang ang nagsasalita?”

That’s the best thing I could say. Pag ito hindi parin niya pinansin, at hindi kumibo, aakyat na lang ako sa kwarto at magsasara ng pinto. Ayokong magtalo kami—for God’s sake, ngayon lang ulit kami nagkita.

“Lawrence,” I pressed my lips. “Kung ano man yung nakita mo kanina, kalimutan mo na. Hindi ko naman expected na pupunta si Brent sa bahay. Wala siyang sinabi, basta na lang siyang nagtext kanina.”

Diretso lang ang mga mata niya sa TV, pero ramdam kong pinapakinggan niya ang sinasabi ko. Nakakainis siya kapag ganito.

“Pero hindi mo na sana siya sinuntok kanina—“

“Bakit hindi?” pagsingit niya nang may naiiritang tono.

“Hindi mo naman kailangang gawin ‘yon.”

He turned his head toward me, frowning. “Kailangan kong gawin ‘yon, for Pete's sake. Nakakalalake siya. Kung ikaw kaya ang nasa pwesto ko, at makikita mong may humahalik sa girlfriend mo—puta—akala mo masarap sa pakiramdam? Pinagmukha niya kong gago!”

He erupted, at last. Dire-diretso ang linya niya na parang kanina niya pa minemorize sa isip habang tahimik. Walang palya, walang bulol, walang dead air. His jaws are obviously clenching hard.

“Hindi ko alam na gagawin niya ‘yon—“

She's My Sweetest DrugTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon