Chapter 33

7.1K 179 21
                                    

 

Add Shimmer!  www.facebook.com/shupershimmer.wattpad

Chapter 33

© Shupershimmer

 

LAWRENCE’s POV

 

Kasalukuyan na akong palakad-lakad, bandang gilid ng bahay nina Catacuts. Medyo nababadtrip na nga ako dahil ang bagal nya mag-asikaso. Tinext ko na siya na nandito na ako pero nagbibihis palang siya. 'Nak ng.

 

“Ang kupad naman,” I groaned quietly while tapping my foot on the ground. “'Pag ako nakita ng nanay mo yare na talaga ako.”

 

Ngayon ang araw na pupunta kami ng Tagaytay, at sa maniwala kayo o sa hinde, alas-syete pa lang ng umaga, nandito na ako. Ang bait ko talaga.

 

I was biting my lip when I heard the screech of their gate.

 

“Sa wakas,” dinampot ko ang backpack ko, sinabit sa balikat at naglakad papunta doon.

 

Kaya lang, pagkahakbang ko, hindi si Darla ang nakita ko kundi ang nanay niya na may bitbit ng basura. 'Di niya pa ako nakikita dahil nasa gilid ako kaya tumalikod agad ako at naglakad palayo kahit medyo nakaka-tense.

 

“Hoy,” I stopped. “Kilala kita, ah.”

 

I shut my eyes, sighing. Pagkatapos, saka ako humarap sabay ngiting anghel sa harap niya. Hindi kamukha ni Catacuts ang nanay niya—ampon ba siya? Pero pareho sila ng buhok, medyo kulot.

 

“Ikaw ba ang naghatid kay Darla dati?” kumunot ang noo niya. “Pamangkin ka ng amo niya, diba?”

 

I nodded reluctantly. Lagot na. Hindi naman kasi alam ng nanay niya na ako ang kasama, e. Pinayagan siyang mag-Tagaytay dahil ang alam ng nanay niya, si Eula ang kasama. What the hell.

 

“Ano’ng ginagawa mo rito?” tumingin siya bandang loob ng bahay. “Nasa taas pa si Darla.”

 

Hindi ako sumagot dahil wala naman akong masagot-sagot. Nasaan na ba ang babaeng 'yon? Gustong-gusto niya talagang pinahihirapan ako, e, 'no?

 

“Akala ko ba si Eula ang kasama niyang aalis?” sabi niya habang nilalagay ang basura sa gilid ng gate.

 

“Ah, oo, siya nga.”

 

“Hindi ka mukhang Eula,” tinignan niya ko mula ulo hanggang paa.

 

“Hindi ako si Eula.”

 

“Kasama ka ba niya mamaya?”

 

It wasn’t just a simple question. It was a question I don’t want to answer but I have to.  Naghihintay siya sa sagot ko pero kinabahan ako sa nanay ni Catacuts. Naalala ko tuloy noong napingot siya.

 

Humigpit ang kapit ko doon sa strap ng bag ko, at napakamot ng kilay. “Ah, ano…”

 

She's My Sweetest DrugTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon