Chapter 9

10.5K 149 8
                                    

DARLA'S POV

Pagkatapos kong makausap si Lawrence sa labas, pumasok agad ako sa gate ng school at tumungo sa park. Nakita ko na nakaupo si Denise sa pwesto namin kanina, pero mas napabilis 'yong paglalakad ko nang makita ko si Brent.

"Brent," tawag ko at napatingin silang pareho sakin. Ngumiti naman siya pero slight lang; tipong walang ngipin na lumabas.

Pagdating ko sa kanila, nakakunot 'yong noo ni Brent sakin. "Bakit ka tumatakbo? Para namang nagpa-fun run ka?"

Naghabol pa ako ng hininga bago nakasagot sa kanya. "Ah, may kinausap lang ako sa labas," sabay turo ko sa may gate.

"Sino?" tanong niya.

Sasabihin ko ba? Ioopen ko na sana 'yong bibig ko pero nagdoubt ako. Syempre, lalaki si Lawrence, baka magalit naman 'tong si Brent.

"Ipapaliwanag ko na lang sayo mamaya." Sinubukan ko pang ngumiti.

Pagkatapos nun, hindi na siya umimik kaya umupo ako sa tabi niya. Habang busy sila sa pag-uusap ni Denise, nakikinig lang ako. Medyo di kasi ako relate. Minsan nagseselos ako sa kaibigan kong 'to. Ewan ko ba. Marami siyang alam kay Brent yet, may mga inside jokes sila. But I really doubt it na hahamakin ako ni Denise- kahit di ko alam ang meaning ng 'hahamakin'. She's a very very nice friend.

An hour later, naunang umuwi si Denise dahil may pupuntahan pa raw siya kaya kami na lang naiwan ni Brent tutal wala narin kaming klase pareho.

"Ihahatid pa ba kita?" Nagtaka ako sa pagkakatanong niya. May tono eh, hindi naman sya singer.

"Ayaw mo?" diretsong tanong ko habang nakataas 'yong kilay ko.

Napansin kong nagdadalawang isip siya bago sumagot at ramdam kong ayaw niya.

"Sorry," hinawakan niya 'yong kamay ko. "medyo hassle lang 'yong araw ko."

I asked him what had happened but he dared not to speak. It was the first time na parang tinatamad sya habang kasama ako pero dahil 'hassle' nga daw, di na ako nagtanong. Mahirap na at baka ako ang pagbuntungan ng inis nito.

"Brent," bulong ko sa kanya tapos lumingon siya. "May nag-ooffer sakin."

"Anong klaseng offer?"

Nagsimula syang magtype sa phone niya kaya di na siya nakatingin.

"Part-time eh, arts tutor daw."

"Really?" as usual, nagtetext parin siya. Walangya naman oh. Baka kausap ko sya, diba?

Tumango na lang ako. "Yep, tutor sa cousin ng frie- I mean, not my friend. Kakilala ko lang."

Matagal bago siya nakasagot hanggang sa binulsa nya uli 'yong istorbong phone niya. Buti naman.

"Ikaw bahala."

Napanganga talaga ako sa sinabi niya. Syet, nakakainspire ang sagot niya, huh. Ano bang problema nito?

Umismid na lang ako tapos binitbit 'yong bag at tumayo na.

"Uuwi na ko," sabi ko lang sabay lakad.

"Sandali," narinig ko 'yong mga hakbang niya. "Darls!"

"Darls your face," bulong ko hanggang sa makalabas na ko ng gate. Tapos, naramdaman ko na lang na may umakbay sakin. Si Brent, syempre.

"Pasaway ka rin e, no?" sabi niya sabay ngiti. Oh shit.

"Ikaw kasi, ang bantot mo kausap."

"Oy, nagtoothbrush ako," natatawang sabi niya. "Amuyin mo pa."

She's My Sweetest DrugTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon