Chapter 7

11.5K 143 10
                                    

DARLA'S POV


Nung araw na hinatid ako ni Lawrence—wait, let me rephrase it. Nung araw na tinulak niya ako palabas ng taxi at umuwi ako, binigay ko agad sa kuya Henry ko ang pera niya. Pinaliwanag ko kung anong nangyari. Na nagbasag ako ng kotse, na pinagbabayad ako, na naawa 'yong may-ari kaya binalik ang pera. Pwe.


Actually, sinabe ko lahat-lahat.


At nagalit siya sakin dahil napaka-bayolente ko raw. Kababae kong tao, nambabato raw ako ng sasakyan. Wag ko na daw uulitin. Syempre tango lang ang lola niyo. Kuya ko 'yon eh, baka mabangasan ako pag nagreklamo pa ako.


Nung kinagabihan, tumawag na si Brent sakin. Syempre, kilig ang aking penpen. Kaya lang nagalit din siya sakin kasi di ako nag-iingat. Hello? Kasalanan ko bang pinasok ng holdaper ang convenient store? Dapat yata kino-comfort ako, diba? Ba't parang naghahanap siya ng away?


Lahat nalang nagalit. Nak ng putek.


Isa pa sa kinainis ko, eh nung tinawag niya ako as Darla. Simula nung nakilala ko 'yan, bihira niya akong tawagin sa totoong pangalan. At dahil alam ko namang wala siya sa mood, sinabe ko na bukas na lang kami mag-uusap.


Si Brent? Sa mga nahihiwagaan sa kanya, siya lang naman ang kauna-unahang boyfriend ko. First love, for short. Hindi ko siya ka-kurso actually. Taga-Business Management nga 'yan eh pero nakilala ko siya sa kaibigan ko—not Denise—'yong isa pa. He's nice, always calm pero pag nakasama mo, mahilig na siyang mag-smile. And that's what I liked about him. Palagi niya akong pinapatawa.


Nung una kasing kita palang, iba na. Alam niyo 'yon? Parang may magnet na ewan na galing sa ibang planeta. Basta pag nakikita ko siya nun, kumpleto na araw ko. Kahit nga anino niya lang ang dumaan eh, masaya na ako.


Oo, mababaw talaga. Parang kayo, di naging ganyan.


Tapos a'yon, nalaman ko na lang isang araw na gusto niyang manligaw. Aba, choosy pa ba? Lahat ata siya ang first ko. First kiss, hug and holding hands. Ganun lang kami for two years and we're still counting.


Back to the present, ewan ko ba bakit di nakipagkita sakin ngayon si Brent. Sakto pa naming wala kaming subject at free time niya. Nung tinatawagan ko siya, di siya nasagot. Galit pa ba 'yon?


Walangya, may gana pang magalit eh muntik na akong mabaril sa holdap. Buti na lang talaga ando'n si—


ERASE. TAPON. PADLOCK.


Ayokong mabalik ang alaala ko kay Lawrensha. Baka ano na namang mangyari sa buhay ko. Mahirap na.


LAWRENCE'S POV



Pagkatapos nung pagkikita namin ni Catacuts sa 7/11 at naholdap tapos pagkasauli ko ng pera sa kanya, hindi na kami nagkita. Bakit pa? Tch. Lagi namang may gyera pag nagkikita kami. Nung gabi ding , dineklara kong quits na kaming parehas. No connection at all.

She's My Sweetest DrugTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon