Chapter 8

11K 159 4
                                    

LAWRENCE'S POV

Tulad nga ng sinabe ko kani-kanina lang, hindi si Darla 'yong nakita kong kasama nung Brentot na 'yon. Oh diba, may naimbento na naman ako. Galing ko talaga. Nung una, hindi ko pinansin—kasi wala naman akong paki kahit malaman kong bakla si Brentot—pero mas nagulat ako sa nakita ko pa.

If I were not mistaken, 'yong babae eh 'yong barkada ni Darla. 'yong lagi niyang kasama na halos parang chaperone niya na. 'yong medyo maliit na rebonded ang buhok—sa ilong. De, joke.

I just couldn't remember her name. Whatever.

Pero nagtataka lang ako sa sarili ko kasi imbis na mainis or mabadtrip dahil sa nakita ko ngayon-ngayon lang, deep inside me, may parang gustong matawa. Tipong halakhak talaga. Di ko alam kung bakit pero siguro, dahil sa point na kinakarma si Catacuts. After all, she almost destroyed my car.

May biglang nag-pop sa isip ko. Ano kaya kung lapitan ko sila bigla? I just wanted to see their reactions. Malay ko ba kung naghihinala lang ako. Malay ko ba kung walang meaning 'yong holding hands nila. Tch. People nowadays. Nung makita kong nasa basketball-an sila, 'yong maramihan tapos maghuhulog ng token. In-excuse ko muna 'yong sarili ko kay Peter.

"Saglit," sabi ko habang nagdudukot ng nag-iisang token sa back pocket ko habang naka-grin. Exciting 'to.

Nagtanong naman siya. "Saan ka?"

"Putek, para namang hindi ko alam ang pasikot-sikot ng arcade. Sandali lang!" Iniwan ko na siya doon tapos pinili ko 'yong basketball na tabi nung kay Brentot na kasalukuyang nagsho-shoot ng bola. Katabi niya 'yong babaeng sinasabi ko, na hanggang ngayon, di ko kilala.

I inserted the token and the game started. Actually, di ko ginalingan, wala lang. Masyadong sayang ang itsura ko sa paglalaro ng ganito sa isang arcade na puro college ang naglalaro. De, biro lang.

Nang matapos na ang time ko, naglalaro pa rin si Brentot. Sus, akala mo naman magaling! Pwe. Nagkunwari akong humarap sa kanya nang matapos 'yong laro niya tapos nagkatinginan kami saglit. Tapos natigilan siya.

"Oy," bati ko kunyari. "Kilala kita." Sabay medyo tango ng ulo ko pataas bilang greetings.

Napatingin agad si Brentot sa babaeng nasa likuran niya. Well, actually nagkatinginan sila, siguro nagulat dahil sa dinami-dami ng makikita nila, ako pa.

Gaya ng ginawa ko, tumango rin siya—gaya-gaya—tapos sinabing. "O-oy, diba ikaw 'yong..."

"Oo, ako nga." Firm lang na pagkakasagot ko, medyo papresko. "Anong ginagawa niyo rito? Hang-out? Vacant?" nakangiting tanong ko habang tinitignan ko sila.

Hindi na nakasagot 'yong Brentot kaya sinalo ng babae 'yong tanong ko. "Ah, oo, nagpapalipas oras."

I scratched my forehead for awhile. "Pasensya na, ano nga pangalan mo?" tanong ko sa kanya tapos naghesitate pa siyang sumagot. "If I'm not mistaken, ikaw 'yong kasa-kasama ni Darla sa fastfood nung nakaraan."

She's My Sweetest DrugTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon