Part 19

9.2K 252 5
                                    

"I HAVE THE best night." Sabi ni Tita Beth matapos halikan siya sa pisngi. Inihatid nila ito ni Simon sa bahay nito. She's living there with Simon's grandparents. Since wala rin lang naman nag-aalaga sa mga matanda, minabuti na nilang kunin ang mga ito sa probinsya upang maalagaan ni Tita Beth.

"Me too, Tita. I'm happy seeing you again."

"Anak, ikaw na bahala kay Patti." Pahabol nito bago pumasok sa gate.

"Sure, Ma." Tipid na sagot ni Simon.

Nang makapasok na sila ni Simon sa kotse ay tinanong siya nito kung saan ang bahay niya dahil ihahatid na raw siya nito.

"Naku, h'wag na. Sa pastry shop mo na lang ako ihatid." Gusto pa naman sana niyang magpahinga dahil tila bumalik ang sakit ng ulo niya. Pero paano ba niya sasabihin kay Simon na magkapitbahay lang sila?

"But it's already nine. I demand you must go home now." Ma-awtoridad na boses nito. Naalala tuloy niya ang pagiging leader nito sa campus noon.

Tsk... Old habits die hard.

"Sa pastry shop ko na lang mo ako ihatid. May gagawin pa ako doon." She insisted. Kaya pa naman niya. All she has to do is ride a taxi right away after he drops her at the pastry shop.

"Fine. Pero sa susunod, huwag ka nang mag-o-overtime. You need to rest well dahil mahirap magkasakit."

Ang sarap sanang pakinggan nito but he sounded just like an old friend now. Nag-aalala pero hindi ka mahal tulad ng pagmamahal mo sa kanya.

Nang iniwan siya nito sa labas ng pastry shop ay saka pa siya nakahinga ng maayos. His presence inside the car literally exhausted her. Isa pa, bukod doon ay nilalamig siya at masakit pa rin ang kanyang ulo. She badly wants to go home.

Ilang minuto pa bago siya nakasakay ng taxi.

There were no stars so her eyes just caught the glittering lights on the streets. Isang magandang tanawin na mas lalong nakaka-senti dahil sinabayan pa ng music sa loob ng taxi.

Is this my last chance to make you mine... Make this dream reality, so close and yet so far, gotta find a way into your heart. Gotta speak my mind, gotta open up to you this time. I can't let you slip away tonight...

Napabuntong hininga na lang siya dahil sa kaprangkahan ng kanta. Tama pa ba ang nangyayari ngayon? She's his friend now. Pero hindi naman pwedeng maging sila. Nasasaktan na naman siya tulad noong una.

She has move somewhere else again. Dahil kung patuloy lang siyang maninirahan doon ay mas masasaktan lang siya. For now, minsan lang niyang nakita si Rebecca doon. Pero paano kung araw-araw na itong naglalabas masok sa bahay ni Simon and even befriend her, kakayanin kaya niya?

She closed her eyes to calm her mind. Ang sobrang pag-iisip ay mas nakakadagdag pa sa sakit ng ulo na kanina pa niya nararamdaman

Finally, the car came to a stop. At nang makababa ay hinihilot pa rin niya ang sentindo. She should've slept at the pastry shop. Pakiramdam kasi niya ay bigla siyang napagod.

Bed... I need you now.

But just as she entered the gate, isang pamilyar na boses ang tumawag sa kanya.

"Hello, neighbor."

NAPAANGAT siya na ng mukha at nakita si Simon na nakatayo sa may wooden fence – with a wide grin on his face.

Seriously? Ngayon pa talagang masama ang pakiramdam niya?

Damn it! Acting mode on.

"Simon? What are you doing there?" She said with the most surprised look that she could ever make.

"I live here! Ikaw? Diyan ka nakatira?"

"Ha? Ah, oo. Kalilipat ko lang. Si Mika ang naghanap nito para sa akin. Actually hindi ko nga alam na magkapitbahay tayo. Wala talaga akong alam. Promise."

Holy Sh... What the hell am I blabbering about?

"Wow... Grabe naman ang coincidence na 'to! I should've just took you home pala kanina. Wait, akala ko ba mag-o-overtime ka?"

"Ha? Ah kasi... naisip ko bukas ko na lang gagawin."

"Tama. Bukas mo na gawin dahil late na. You should rest."

"Yeah right. I should. Sige, Simon. Papasok na ako." This time she really meant it.

"Patti wait!"

Nilingon niya ito at isang super sweet na smile ang nakita niya. Kahit medyo distracted ay sinagot pa rin niya ito. "Yeah?"

"Can I invite you over for a cup of coffee?

Kahit gustuhin pa niya, hindi na rin yata kakayanin ng katawan niya. All she wanted is to lie down and sleep. Tumitindi na kasi ang sakit ng ulo niya. "I'm sorry, I wanted to rest. Goodnight, Simon."

"Teka Patti, okay ka lang?"

"I just need to sleep."

Nagulat na lang siya nang bila itong tumalon mula sa kabilang bakod patungo sa kinatatayuan niya. That's the price of having such a low fence.

He hurriedly felt her forehead. "Mainit ka."

"That's why I need to sleep now."

Kaagad pinigilan siya nito sa braso. "Uminom ka muna ng gamot."

"Kaya ko ang sarili ko." She insisted brushing his hands off her. Hinayaan niyang magpakalunod sa nararamdaman kanina noong nagsayaw sila. Pero tulad ng pangako niya sa sarili, lalayo na siya rito.

Simon looked at her with his eyes oozing with stubbornness.

"No. You will come with me. And you will take some medicine."

Breaking His Defenses (COMPLETED /raw version Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon