Part 15

9.4K 254 3
                                    

PUNO NG tawanan ang buong dugout sa breaktime na iyon. Kinukwento ng mga teammates ni Simon ang iba't ibang bloopers ng mga ito sa laro. Natatawa na rin siya sa sobrang animated ng mga players. Ibang-iba ang hitsura ng mga ito noong nasa hard court at naglalaro.

Sinulyapan niya si Simon. Tumatawa rin ito sa bawat hirit ng mga teammates.

Now you're smiling...

Pakiramdam niya, tuluyuan na itong nagbago sa loob ng mga taon. At masaya siya para dito. His smile is one of the best sights she could remember.

Destiny, fate, second chances... Pakiramdam niya ay tama ang kaibigan. Base lamang sa nangyayari ngayon, tila ba wala siyang lusot sa kapangyarihan ng mga ito. Wherever she goes, Simon is destined to be there. At alam niyang may dahilan kung bakit ipinagtagpo silang muli.

"Pasensya ka na Patti ha? Ganito talaga kami kakukulit." Sabi ng isang teammate nila na napag-alaman niyang si Erwin.

She should've left thirty minutes ago kung hindi lang siya pinigilan ng mga teammates ni Simon. Ang sabi ng mga ito ay minsan lang silang nakakakita ng kaibigan ni Simon kaya nais raw ng mga ito na maka-bonding pa siya ng mas matagal.

"Noon ba Patti, ganyan na 'yang kaibigan mo? Napakatahimik. Ayaw magkwento ng nakaraan." Patuloy ni Erwin.

She gazed at Simon who's looking at her too. "Uhmm... Tahimik pa rin ba siya?"

"Sabi ko na nga ba! Pare, mapapanis ang laway mo niyan lagi kung nakikinig ka lang eh. Magkwento ka naman kasi kahit konti!" Mabilis na hirit ng isa pang teammate na si Andy.

"Nagkukwento kaya ako!" Reklamo ni Simon na mukhang para sa mga teammates ay hindi masyadong convincing.

"Naku! Kung makwento ka, alam na sana namin ngayon kung sino ang girlfriend mo. Pati 'yon sinisekreto mo pa! Hindi naman namin aagawin ang syota mo." Protesta ni Erwin.

"Hindi kaya ikaw, Patti, ang girlfriend nito?" Biglang tanong ni Andy sa kanya.

Nagtama ang mga mata nila ni Simon pero agad siyang nagbawi ng tingin. "Naku hindi! Hindi ako ang type ni Simon." She said faking a smile.

It was my wish then... and my wish 'til now.

"So anong klase ba ang type nito?" Follow up ni Andy.

"Type?" Inalala niya si Rebecca. "Maganda... mahinhin... matalino... at mabait. 'Yon ang huli kong naalalang girlfriend niya."

She saw Simon's dark eyes on her. Galit kaya ito dahil binuking niya?

"Naku... mahirap makahanap nu'n. Kaya pala tinatago niya sa atin." Umiiling na sabi ni Erwin.

Tinatago ba talaga?

"Tama, mahirap na 'pag nakilala niyo. Wala akong tiwala sa inyo. Lalo na't mahal ko pa naman 'yon." Nakatawang sagot ni Simon habang napapailing na lang ang mga teammates nito.

"That hurts, pare ha! Hindi naman kami ganoon. Medyo lang." Nagsitawanan ang buong team sa hirit ni Andy. "Paano ba 'yan Pare? Alam na ba niyang baka mapalitan na siya ng isang Amerikana? Mas maraming girls pag na-draft ka na dun."

Hindi na niya naintindihan ang sinasabi ni Andy. Because as opposed to the joyous feel in the air, tila bumabagyo naman ang loob niya ngayon. Kaaamin lang ni Simon na may girlfriend talaga ito.

Just great...

Pakiramdam ni Patti ay mali lahat ng ginawa niyang pagpasok muli sa buhay ni Simon. Lahat ng nangyari ay coincidences lang at siya lang ang nagbibigay ng meaning sa mga iyon.

Ang it's too late to realize that she will never have a place in his heart.

NAMUMUGTO ang mga mata ni Patti nang umagang iyon. She hardly left the bed kung hindi lang tumawag sa kanya si Mika at nangumusta. Kinuwento niya lahat ang nangyari.

She went home straight from the gym at hindi na tinanggap ang paanyaya ni Simon na kumain muna sila sa labas at ihatid siya pauwi.

Why would she accept his offer? Para saan pa? Magmumukha lang siyang tanga.

Sabi na nga bang mali 'tong hinahabol ko siya ulit. I never learned.

Unlike the 'teasing Mika' she knew, her friend becomes very comforting. Dadalawin raw siya nito sa susunod pa na araw dahil ipapa-check up nito ang anak sa doktor. Ang gagawin daw niya dapat ngayon ay ang tumayo at pumunta sa pastry shop upang makalimutan ang nararamdaman.

Tulad nang nakaraang araw, she wore a hoodie again and tried to grab a taxi. Hindi pa rin kasi niya napapaayos ang kotse.

"It can't be always like this! Para akong kriminal nagtatago!" She decided awhile ago that she'll be leaving the house ASAP. Wala nang point sa pagtira doon. It's clear now that Simon's life and hers should never have crossed again. Pero habang hindi pa siya nakakaalis, wala siyang plano na makita ni Simon doon. Huli na ang pag-uusap nila sa gym. She's decided to end her obsession with him.

She tip-toed going out of the house when she saw a red car outside Simon's gate. Sa pagkakaalala niya noong nakaraang gabi ay walang kotse roon. He must have an early visitor.

Papara na sana siya ng taxi nang makitang bumukas ang pinto ng bahay ni Simon. Her heart stopped seeing who just came out from there.

Isang babaeng naka-pony tail ang buhok. Nakasuot ito ng white jacket at black shorts. She's oozing with gorgeousness as she was showing her bright smile to Simon.

Rebecca...

Hindi siya maaaring magkamali. Si Rebecca Alano iyon. Ang dating ka-batch nila sa high school. The prom queen.

Hindi na siya maaari pang magbubulag-bulagan pa. Rebecca is still the one for Simon. Ngayon ay mas nadagdagan ang rason kung bakit kailangan niyang umalis nang bahay na iyon sa lalong madaling panahon.

"Miss? Hoy miss. Sasakay ka ba hindi?"

Napukaw siya nang sumigaw ang taxi driver na mukhang kanina pa pala naghihintay na sumakay siya. Tila nakuha rin nito ang atensyon ni Simon at Rebecca kaya lumingon ang dalawa sa direksyon nila. Kaagad siyang pumasok sa loob ng taxi upang hindi siya makita ng mga ito.

"Deretso lang po, Manong!" Kaagad niyang sabi sa driver.

She quickly opened her bag and searched for her sunglasses. Nang makita ito ay agad niya itong sinuot. Doon na niya hinayaang umagos ang mga luha na kanina pa nagbabadyang kumawala. Her intuition is right. There was no point in getting near Simon again. Mabuti na lang at nalaman niya nang maaga.

She smiled bitterly. It was still Rebecca after nine long years.

I told you, Mika. Destiny is a bunch of crap.

Breaking His Defenses (COMPLETED /raw version Published under PHR)Where stories live. Discover now