Chapter 2

12.4K 265 12
                                    

"SIMON SILLEN for three... YES!"

Hindi magkamayaw ang mga tao nang maka-score muli ang team captain. Bilang number one fan nito sa buong school, hindi rin siya nagpahuli. Bitbit ang cartolina na may nakamarkang "SILLEN 08", ipinakita niya ang buong suporta para sa hinahangaan.

"Nice one, Simon!" Sabay wagayway sa bandera.

"Prepared talaga ha?" Taas kilay na komento ni Mika. She was her closest friend among her classmates.

"Of course! Simon is my..."

"Hay naku! Hindi na ako magtatanong." Putol nito sa kaniya. Sa simula pa lang kasi ay hindi na gusto ni Mika ang pakikitungo ni Simon sa kanya. Ayon sa kaibigan arogante at malamig pa sa ice ang ugali ng crush niya. Kahit ano pa ang mabuting sabihin niya tungkol kay Simon ay hindi ito sumasang-ayon.

"Pabayaan mo na ako friend. Alam mo naman na he's my Mr. Incredible."

"Ewan ko ba sa 'yo at nahumaling ka diyan eh wala namang puso 'yan."

"Hindi iyan totoo. Tinulungan niya ako noon..."

"Whatever. Sige na. Mauna na ako."

"Teka! Magsisimula na ang laro."

"Hindi ako manonood. Magla-library na lang ako." Sabi nito sabay suot sa bagpack.

"Maglalaro din naman si Marc. Kaklase din natin 'yon. Maging supportive ka naman, friend."

"Naku. Araw-araw ko nang nakikita ang mokong na 'yon. Paki-cheer na lang para sa akin ha?"

"Pero—" Hindi na siya nilingon pa ng kaibigan. Mabilis na itong nakababa mula sa bleachers.

She totally understands how Mika feels. Ayaw nitong makita siyang nagtsi-cheer kay Simon. Para kasi naman din siyang timang. Hindi kasi niya mapigilan ang sariling magustuhan si Simon. But this won't stop her from cheering on him.

"AAAAHHH! Nice one, Simon! Fight! Fight! Fight! Ang galing mo talaga!" She screamed when Simon made another field goal.

Malakas ang basketball team nila dahil kay Simon. Ito ang halos nagdadala sa grupo. Makikita talaga na may future ito sa paglalaro ng basketball professionally.

Ang kabilang team ay galing naman sa kalapit na high school. Magagaling din ang mga ito. Lalong-lalo na iyong number 10 na player may apelyidong Ocampo. Ito ang binabantayan ni Simon. Maliksi at magaling din mag-shoot ng bola ang player.

"Defense! Defense!" Sigaw niya para kay Simon habang nag-aasta itong pader upang hindi makabuslo ng bola ang kalaban.

Di tulad ng mga naunang mga laro ay bakas sa mukha ni Simon ang sobrang pagkaseryoso na tila ba wala talaga siyang planong paiskorin ang kalaban.

Nang akmang magsu-shoot na ng bola ang kalaban ay agad nitong itinaas ang kamay upang hindi ito makaporma. Makailang-ulit ding nag-attempt ang katunggali na mag-fake ng shot pero lagi itong nahuhuli ni Simon. Nababanaag sa mukha ng kalaban na nahihirapan itong tumira o pumasa man lang ng bola sa kasama. Dahil doon ay mas lalo pa siyang humanga sa galing ni Simon.

"Nice defense, Simon! Huwag mong hayaang maka-shoot 'yan!" Sigaw niya.

"Mukhang makakalusot si Ocampo!" Narinig niyang may nagsabi. Nang lingunin kung sino ito ay ang uniporme agad nito ang una niyang napansin – a white long sleeves blouse with a tie and a checkered skirt. Ang uniform na pareho nang sa kanya.

It was Rebecca Alano. Her own batch mate. Mukhang nandito ito para sumoporta sa basketball team. No wonder naman dahil kaklase ito si Simon sa Section A.

Breaking His Defenses (COMPLETED /raw version Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon