Part 7

9.5K 230 3
                                    


"READY KA na?" Tanong ni James sa kanya habang pababa siya ng hagdanan.

"Kinakabahan talaga ako. Paano kung hindi pa rin ako pumasa?"

Sasamahan siya ni James upang maka-take ng entrance exam sa isang med school kung saan nag-aaral ang isang kaibigan umano nito.

"There's no harm in trying diba? At least sinubukan mo." Sagot sa kanya ni James.

Nagpapasalamat siya dito dahil mula noong nakwento niyang hindi siya nakapasa sa entrance exam ay nag-insist itong tulungan siyang makahanap ng iba pang med school. Para sa kanya isa talagang kaibigan si James. Hindi tulad ng pagkakalarawan ni Simon dito.

Bigla tuloy niyang naalala ang damuho. It has been a week after the prom pero inis na inis pa rin siya dito. Pinipilit niyang hindi ito makita dahil hindi pa rin siya sigurado kung paano ito haharapin.

"So are you ready?" Muling tanong ni James sa kanya.

Tiningnan niya ang laman ng bag niya at mukhang may nakalimutan nga siya. "Mauna ka na sa labas, kukunin ko lang ang ID ko baka kailangan doon."

Pagkasabi niya ay lumabas na rin si James sa pintuan. Doon na lang daw siya nito hihintayin sa balkonahe. Siya naman ay bumalik sa taas. Nang makita ang school ID ay isinilid agad niya ito sa bag. Pababa na siya nang makarinig ng malakas na boses. Agad siyang nag-alala. Ang boses na iyon ay walang iba kundi kay...

Simon?

Kinabahan siyang bigla. Dali-dali siyang lumabas at hindi nga siya nagkakamali. Nandoon si Simon sa balkonahe at hawak-hawak nito si James sa kwelyo.

"Tama na 'yan!" Sigaw ni niya kay Simon.

"I told you. Huwag na huwag kang makalapit kay Patti!" Bulyaw ni Simon kay James.

"Wala akong pakialam sa sasabihin mo!" Sagot naman ni James. Pinipilit nitong makawala sa galit galit na si Simon.

"Hindi kita titigilan hangga't sa matauhan ka!" Pagkasabi ay sinuntok ni Simon si James sa pisngi na naging rason ng pagkatumba nito sa sahig.

Napasigaw siya sa gulat at galit. Simon is getting out of hand!

Tumayo si James at sinagot ang suntok ni Simon. Tinamaan naman niya ang huli sa sikmura.

"Ano ba 'yan! Tama na!" Pinilit niyang paghiwalayin ang dalawa ngunit napakahirap. Parehong matangkad at malakas si James at Simon.

Muli niyang sinubukan ang pigilan ang dalawa sa pamamagitan ng paghila kay Simon ngunit hindi niya kinaya ang lakas nito. Idagdag pa ang James na sugod nang sugod.

"Sabi nang tama na eh! AHHH!" It was too late. She just felt something pierced her back.

"PATTI!"

"ANG SABI ng doktor isang linggo ka raw mananatili dito sa ospital. At isang linggo naman sa bahay. Dalawang lingo 'yon Patti!"

Bakas sa boses ng tiyahin niya ang inis. Ang sabi sa kanya ng doktor ay nasaksak ang likod niya ng isang matulis na kahoy nang mahulog siya sa balkonahe. Ang mabuti roon ay hindi raw nabutas ang baga niya. Dahil kung nangyari iyon ay malalagay sa panganib ang buhay niya.

"Okay nga po iyon eh, papayag sila na mag-special exam ako. Makakapagtanong ako kung anong mga lumabas sa exam. He! He!" Pinipilit niyang pinagagaan ang mabigat na pakiramdam ng Ate Portia niya.

"Gusto ko talagang magdemanda!"

"Okay naman po ako Ate. Huwag na po tayong magdemanda." Para sa kanya ay aksidente naman talaga ang nangyari. Binayaran na rin ni Tita Beth at ng pamilya ni James ang lahat ng gastos nila sa ospital. Pati ang operasyon upang makuha ang nabaong piraso ng kahoy sa likod niya ay binayaran na rin ng mga ito.

"Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa Papa mo. Iniwan ka niya sa akin tapos ito ang mangyayari? Ito ba ang sorpresang gusto mong malaman niya? Nagkulang ba ako ng paalala sa'yo ha, Patti?"

"Sorry po, Ate. Aksidente po talaga ang lahat."

"At bakit ba sila nag-aaway sa bahay natin? May hindi ka ba sinasabi sa akin, ha?"

Para siyang natulos sa kinauupuan. What the hell would she say to her aunt now? Alam pa naman nito ang pagkahumaling niya kay Simon. Siguradong may sariling theory na ito sa isip.

"Rivals po kasi sila sa basketball. Nagkapalitan ng mga salita kaya uminit ang ulo. Sinubukan ko lang talaga silang awatin. 'Yun lang po."

Her aunt stared at her na tila ba bibitayin siya. Bahala na kung hindi ito maniwala sa ngayon. Hinding hindi niya sasabihing nag-away ang mga ito nang dahil sa kanya. It'd be a big problem.

"I don't know what to believe now, Patti. I just talked with Simon and that James. Iba ang statement nila sa sinabi mo. Pinagtatakpan mo silang pareho."

OMG. Kung pwede lang lamunin na siya ng hospital bed niya. Nahuli siya ng Ate Portia niya na nagsisinungaling.

"Sorry po. Ayaw ko lang po kasi ng gulo kaya ko po sinabi iyon."

"There must be a reason why Simon is protecting you from that guy. Kilala ko si Simon. Hindi siya basagulero."

"Pati naman po ako, hindi ko siya maintindihan. Mabait naman si James sa akin. At magkaibigan lang talaga kami. Si Simon naman talaga ang nag-iisip ng masama."

"Ewan ko. Basta isa lang ang gusto ko. Ayokong makita silang magkasabay ditong bumisita sa'yo. Baka maulit uli 'yong insidente. Mapapahamak ka na naman."

"Opo."

Napailing na lang si Ate Portia at nagpaalam na bibili ng makakain nila. Alam niyang magpapalamig lang iyon dahil mainit ang ulo.

Kinuha naman niya ang cellphone at binasa ang mga mensahe doon. Nag-text muli si James sa kanya ng 'sorry' kahit nakapag-usap na sila ng personal. Hindi naman talaga siya galit dito dahil kahit paano niya iisip ang nangyari sa tingin niya ay aksidente lang talaga iyon. Binasa niya ang iba pang mga mensahe. Kadalasan ay mula sa mga classmates niyang nagdadasal na sana ay gumaling daw siya agad. Ayon sa mga ito ay malapit na ang graduation kaya sana ay makapasok na raw siya ulit.

She scrolled down some more messages hoping to see someone's name. Pero hindi niya nakita ang pangalan ni Simon. And knowing that, sadness suddenly crept through her.



MABILIS dumaan ang dalawang linggo. Bumubuti na ang pakiramdam niya. Nakabalik na rin siya sa klase. Salamat sa mga suporta na nakukuha niya mula sa mga classmates at kaibigan. Lalong lalo na kay Mika at James na lagi siyang dinadalaw. Palagi din siyang dinadalhan ni Tita Beth ng cookies nito. Lagi rin itong humihingi ng paumanhin sa kanya at sana raw ay mapatawad niya si Simon.

Has she actually forgiven him? Hindi niya alam. Nakikita niya ito sa malayo pero hindi niya masasabi. Ang sigurado lang ay naiinis siya dito dahil kailanman ay hindi ito personal na humingi ng paumanhin. If he really cares like he said before, he should have said 'sorry' at least. Ito pa naman din ang talagang nagsimula ng away kaya nadisgrasya siya.

Dumaan muli ang dalawang pang linggo at natapos na ang high school niya. All what's left is her graduation which is happening today.

"Patti, anak? Tayo na?" Bumukas ang pintuan ng kwarto niya at pumasok doon ang ama. Her dad finally came home after five long years. Dumating ito dalawang araw na ang nakakaraan. Akala niya ay magagalit ng husto ang Papa niya dahil sa nangyari sa kanya pero nang makita siya ay yakap ang sumalubong sa kanya.

"Opo."

"Siya nga pala. Heto ang sorpresa ko sa'yo." Isang brown envelope ang ibinigay nito sa kanya. Mabilis niyang binuksan iyon at agad siyang napangiti.

"Totoo po ba ito?"

Isang tango ang sinagot ng kanyang ama.

Breaking His Defenses (COMPLETED /raw version Published under PHR)Where stories live. Discover now