Part 8

9.1K 248 5
                                    

STANDING by and waiting at your backdoor, all these time how could you not know baby... You... You belong with me...

Nagising si Patti dahil sa ingay ng cellphone niya. Kung maaari ay ayaw niyang padistorbo. Hapon na kasi natapos ang graduation kaya napagod siya. Kahit walang medals ay masaya pa rin. Ang mahalaga ay nakatapos ng high school.

Si Tita Beth ang tila sumakit ang paa dahil sa kakaakyat-baba sa stage. Hindi na rin kasi nila mabilang kung ilang medalya ang natanggap ni Simon nang araw na iyon.

Tiningnan niya ang alarm clock sa gilid ng higaan. It was still two in the morning. Sino ba ang walang modong tatawag ng ganoon kaaga? Walang tingin tingin sa screen ng phone na sinagot niya ang tawag.

"Hello?"

"Patti. Ako 'to."

"Sino ka?"

"It's me. Simon."

Biglang napamulat ang mata niya nang marinig kung sino ang tumatawag sa kanya. Sandali niyang tiningnan ang screen ng cellphone at nalamang kay Simon nga na number iyon.

"Bakit?"

"Pwede ba tayong mag-usap?"

Wow... sa dami ng oras sa isang araw, madaling-araw talaga ang trip mong kausapin ako? "Tungkol saan?"

Matagal bago ito sumagot. Pakiramdam niya ay nag-iisip din ito kung ano ang sasabihin.

"Tungkol sa atin."

Napabalikwas siya sa narinig. "Anong ibig mong sabihin?"

"Pwede mo bang buksan ang bintana ng kwarto mo?"

Agad siyang tumayo at nagpunta sa may bintana. Huminga siya nang malalim bago sumilip mula sa kurtina doon. At oo nga, nandoon si Simon. Natayo sa basketball court. And he's looking up at her window.

Dahan-dahan niyang binuksan ang bintana at mas naaninag pa ang mukha ng lalaki.

Ibinalik niya ang cellphone sa tenga at kinausap muli ito. "Bukas na ang bintana."

"Thank you. Now I can see you."

Hindi niya alam kung ano ang sasabihin dito. Ito kasi ang unang pagkakataon na hiniling ni Simon na makita siya.

"Patti..."

"Yes..."

"I'm sorry. Sorry sa lahat ng ginawa kong masama sa'yo. Sorry sa pagbabale-wala ko sa'yo. Sorry dahil nasaktan kita. At sorry dahil muntik ka nang mamatay dahil sa akin. Maaari mo ba akong patawarin?"

Matagal bago siya nakapagsalita. He was just looking at her and all she knew is that he's really sincere this time. Pinilit niyang buksan ang damdamin niya para dito. At totoo nga. Napatawad na niya ito. Simon has hurt her several times over the years. Lalong lalo na sa mga huling linggong ito. Pero kahit anong gawin niya, hindi pa rin pala niya kayang magtanim ng galit sa superhero niya.

"Okay lang. I forgive you, Simon."

"Talaga?" Biglang nagkabuhay ang boses nito. He really wanted her forgiveness then.

She looked at his face at saka siya napaisip. She's been too selfish. Pini-pressure niya si Simon all these years just to like her back. Parang kinurot ang puso niya sa ideyang iyon. It wasn't so friendly of her at all pala.

"Simon. Kahit anong gawin mo, hindi pa rin magbabago ang katotohanang sinagip mo ako sa kalungkutan dati. At magpapasalamat ako sa'yo habang buhay."

"Thank you, Patti! Maraming salamat. Akala ko hindi mo na ako papatawarin."

"Sino ba ako para hindi magpatawad? Kaibigan pa rin naman kita hindi ba?"

Hindi agad nakasagot si Simon sa sinabi niyang iyon. Maaaring nagulat ito. Nakapag-isip isip na rin kasi siya. Since wala nang patutunguhan ang nararamdaman niya para dito. Mas mabuti na lang na maging magkaibigan na lang sila.

"Salamat nga pala sa pagtatanggol mo sa akin. Alam ko pinoprotektahan mo lang ako kay James. Doon ko napatunayan na tinuring mo talaga akong kaibigan kahit taliwas iyon sa pinapakita mo."

She showed her sweetest smile as she held in her emotions. Akala niya pagkatapos ng ilang linggo ay mas magiging matapang na siyang sabihin ang mga iyon. Mahirap pa rin pala.

"Let's be friends again, Simon. Tulad nang sinabi mo, nang magsimula akong magpakita ng feelings ko sa'yo noon, nahirapan kang pakitunguhan ako. I swear hindi na mauulit iyon."

"Patti... it's—"

"It's the right thing to do. Diba?"

Tumango si Simon at muling ngumiti sa kanya. "Okay. Basta bukas, we'll talk again."

"Bukas? Kaya lang..."

"Please Patti. Pwede ka bang dumating sa championship game ko bukas? Be my cheerleader again?" Ang boses nito ay tila nagsusumamo.

Maybe for the last time. "Sige. Pupunta ako."

Breaking His Defenses (COMPLETED /raw version Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon