Chapter 4

10.8K 271 10
                                    

ANNOUNCEMENT. All fourth year students please proceed to the function hall after classes. All fourth year students please proceed to the function hall after classes.

Awtomatikong napangiti si Patti nang marinig ang boses na pumailanlang sa buong campus. Para kasing musika sa pandinig niya ang boses na iyon.

That voice... Napaka-husky na tila ba isang DJ sa isang radio station. Kahit nasa loob pa ng control booth ito na nasa kasuluksulukan ng third floor ng high school building at siya naman ay nasa students' lounge na nasa likod ng canteen na kaharap ng function hall na isandaang metro ang layo sa high school building ay nai-imagine pa rin niya ang gwapong mukha nito.

And their moment this morning was the sweetest for her. That's why I can't resist you, Mr. Incredible."

"Aray!" Daing niya nang may pumukol sa ulo niya mula sa likod.

"Oh ano? Gising ka na? Daydreaming ka na naman 'teh!"

Paglingon niya ay ang kaibigan at kaklase niya itong si Mika. Inayos niya ang buhok na nagulo dahil sa paghampas sa kanya. "Huwag ka ngang nega d'yan Mika. Maswerte ka't good mood ako ngayon."

"Hindi na kasing hirap ng physics problem kung hulaan iyang nasa utak mo, Patti. Narinig lang ang boses ni Simon..."

"Nakakahiya! Huwag ka ngang maingay. May makakarinig sa iyo."

Lunch break noon at maraming estudyante sa students' lounge na nagchi-chill lang. Nahihiya siyang marinig ng mga schoolmates ang pinag-uusapan nila ng kaibigan. Ang lakas pa naman ng boses nito.

"Asus! Eh ano ngayon kung marinig ng mga kapwa natin estudyante? Sino ba sa school na 'to ang hindi alam 'yon?"

"Ako hindi ko pa alam." Sabay silang napalingon nang may magsalita sa likuran nila. "Hi Patti!"

"James?!"

"Oh my goodness... Blessing from the heavens..." Tila nahi-hypnotize na sabi ni Mika.

"Shhh..." Bulong niya sa kaibigan. "Nakakahiya, Mika. Umayos ka." Pagkatapos ay bumaling agad siya kay James na umupo sa tabi niya. "Anong ginagawa mo rito?"

"Ah! Hinahanap ko si Beke. Nakita mo?"

"Hindi eh." Hindi talaga niya napansin si Beke noong hapon na iyon. Ang tanging napapansin niya ay ang kaibigang si Mika na kanina pa siya sinisiko.

"Ipakilala mo naman ako, Patti! Selfish ka na masyado sa mga gwapo ha!"

"Ah James, si Mika nga pala, classmate ko."

"Hi Mika."

Tinanggap agad ni Mika ang kamay ni James. "Hi James, hindi ka tagarito ano?"

"Hindi. Taga-SMC ako. Fourth year din tulad niyo." Ibig sabihin nito ay ang St. Martin College na malapit lang din sa kanila.

"Ah! Taga-SMC ka pala. Ang sabi nila ay mayayaman daw ang mga estudyante doon." Wala na namang brain to mouth filter na sabi ni Mika.

"Hindi ah! Hindi naman kami mayaman. Scholar nga lang ako doon." Napakamot ng ulo si James habang sumasagot.

"Scholar ka? Ang galing naman. Matalino ka siguro kaya ka scholar." Puri niya dito. Humahanga talaga siya sa mga ganitong masisipag na mga estudyante.

"Naku hindi! Varsity player ako kaya may scholarship." Sagot ni James na tumatawa. "Iyong kapatid ko ang matalino talaga. Bobo ako kung ikumpara doon."

Ang totoo, mas mukha talagang athlete si James kaysa sa maging isang geek.

"Uy! Baka nakaalis na si Beke! Mabuti pa't tawagan mo na lang." Suhestiyon niya rito.

Breaking His Defenses (COMPLETED /raw version Published under PHR)Where stories live. Discover now