Part 14

9.3K 265 3
                                    


IT'S EXACTLY 0600 Hours. The street is clear. Be ready for evacuation.

Hindi tulad noong sa high school na tinitiyempuhan niyang lumabas ng bahay si Simon para makisabay sa motorbike nito, pakiramdam niya ay isa siyang fugitive na anumang sandali ay maaaring madakip ng isang special agent. At ang special agent na iyon ay walang iba kung hindi ay si Mr. Simon Albert Sillen.

Suot-suot ang sweater na may hoodie ay tinakabo niya ang bakuran papunta sa garahe niya. Kailangan niyang magpunta ng La Spésa nang maaga upang makapag-bake ng mga special dishes. Alas otso kasi ay magbubukas na sila at siguradong hahanapin na ng mga customers ang mga gawa niya.

"Holy Sh..." Napamura siya nang hindi umandar ang sasakyan niya. Sa lahat ba naman ng oras na magloloko ito, ngayon pa na nagmamadali siyang makaalis ng bahay?

Wala siyang magawa kundi ang lumabas at buksan ang hood ng kotse. Marunong naman siyang tumingin ng problema ng sasakyan pero hindi yata niya kaya ngayong nati-tense siya.

"Anong problema diyan Miss?"

She froze when someone spoke near her. Sigurado siya. Galing iyon sa kabilang bakod!

"Baka kailangan mo ng tulong?" Patuloy ng lalaki. This time his voice is even closer.

Biglang nanlamig ang katawan niya. Kung may sakit siya sa puso ay baka nahimatay na siya. She's a hundred and one percent sure, walang ibang may-ari ng boses na iyon kundi si Simon.

Sheeet!

She slowly held her hoodie down to keep the man from seeing her face. "Wala. Walang problema."

"Pero baka may maitulong ako." Insist ni Simon.

"Wala. Malaki ang sira nito. Magta-taxi na lang ako."

"Pero..."

Hindi na niya hinintay kung ano man ang sasabihin nito. Iniisip pa lang niya na makikita siya ni Simon ay natotorete na siya.

Mabilis siyang lumabas ng gate at pumara ng taxi. Mabuti na lang at may paparating kaya madali siyang nakasakay. Sa loob ng taxi na siya nakahinga.

Damn it. Muntik na ako dun!

"MIKA, mamamatay ako sa nerbyos nito!"

Agad niyang tinawagan si Mika nang makarating siya sa pastry shop. Pero kahit ano pang pagmamaktol sa kaibigan ay tumatawa lang ito na tila ba isang joke ang nangyari sa kanya kanina.

"Bakit hindi mo kasi hinarap? Wala ka na sanang problema ngayon."

"Ano naman ang sasabihin ko? Eh sa nag-panic ako. Wala akong magagawa."

"Alam mo friend, mas lalaki ang problema mo. Paano na lang sa mga susunod na araw? Lagi ka na lang magtatago niyan? At kung nagkataong nabuking ka na ikaw pala ang kapitabahay niya, magtatanong talaga iyon kung bakit hindi ka agad nagpakilala."

May point ang kaibigan niya. Pero wala talaga siyang magagawa kanina dahil inunahan na siya ng kaba. Naputol ang pag-uusap nila nang may marinig siyang commotion sa labas ng opisina niya.

Lumabas siya at tinanong si Zenny kung ano ang meron.

"May sikat kasi na kumakain ngayon dito sa atin, Ma'am."

"Sikat?" Nang hawiin niya ang kumpol ng mga staff niya na nakaharang sa alley ay nakita niya ang isang matangkad na lalaki na kumakain ng breakfast meal nila.

Breaking His Defenses (COMPLETED /raw version Published under PHR)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα