Part 12

9.2K 251 3
                                    

"SA SATURDAY na pala 'yon?" Tanong ni Patti kay James. Sinadya siya nito habang nagbi-bake ng pastries sa kitchen area ng pastry shop. James wanted her to makes some sweets for the his dad's birthday. Ayon dito dadating ang maraming mga kamag-anak nila. Baka nga raw maging isang family reunion pa ang birthday ng Papa nito.

"Yes. Sa sabado na iyon. Besides that, my special request ako sa'yo."

"Request? Anong request naman?"

Bakas ang ngiti sa mukha ni James habang may hinuhugot sa bulsa nito. "Here." Sabi nito sabay pakita sa kanya ng isang diamond ring.

"Ano 'yan?"

"Singsing."

"Alam ko. Para saan 'yan?"

"I want you to make a special cake. Maliit lang. Just to make that night memorable for me and my soon to be fianceé."

Namilog ang mga mata niya nang marinig ang salitang 'fiancée'. "You mean..."

"I'm going to propose to my girl that night. Kaya sana sarapan mo ang cake, ha?"

Nagulat siya sa balita nito. She never saw him with a girl in the restaurant before. "Sure! Pero mag-iisang taon na tayong magkatrabaho, hindi ko man lang alam na may girlfriend ka pala. So, who's the lucky girl?"

"She's my first love. Don't worry mami-meet mo rin siya." Sagot nito. It was the first time she saw James blush. In love siguro talaga ito.

"Uy congrats ha? Sana maging happy kayo. At sure akong sasagutin ka niya ng 'yes' dahil good catch ka." And she's sincere with her words. Gwapo , mabait at marunong sa negosyo si James kaya hindi magkakamali ang babaeng pakakasal dito.

"Thanks. Siya nga pala. I found a house for you. Just like what you said, may lawn at parking space."

Nagpapatulong kasi siyang maghanap ng malilipatan. Simula kasi nang itayo niya ang pastry shop ay doon na mismo siya nakatira. Gusto naman niyang magkaroon ng sariling bahay upang makapagpundar na siya.

Kaya lang nagbago na ang plano nila ni Mika. Ang kaibigan na ang nag-presentang maghanap ng bahay para sa kanya. Iyong bahay na tutulungan daw siyang mahanap ang destiny niya.

"Naku, James. Mukhang may nahanap na si Mika para sa akin. Di bale kung hindi ko magustuhan, titingnan ko rin ang bahay na sinasabi mo."

"Ganun ba? Well, mabuti na rin iyon at may mga options ka. Just tell me kung magbago ang isip mo."

"Thanks, James."

Hay naku, Mika! Bakit ba kasi ako naniniwala sa'yo.

"WHAT CAN you say, friend? May maliit garden, parking space at mura pa. Plus may gwapo ka pang kapitbahay! Hindi ka lugi." Talking like a real estate agent, pinakita ni Mika sa kanya ang bahay sa isang subdivision.

At siyempre, alam niya kung sinong gwapong kapitbahay ang ibig sabihin nito.

"C'mon Patti, destiny, fate, second chances, remember?" Sundot pa ng kaibigan.

Hindi siya makapaniwala sa sarili niya. She's really at the edge of purchasing the house. At lahat ng iyon ay dahil sa convincing powers ng kaibigan niya.

Nang na-research na ni Mika kung saan nakatira si Simon ay agad nitong pinuntahan ang lugar. Sakto namang ipinagbibili ang bahay na katabi lang ng kay Simon. Hindi na nagpa-petiks petiks ang kaibigan at agad nitong pina-reserve ang bahay dahil umano ay bibilhin niya agad.

Maganda ang bahay. It has a one meter tall wooden gate at may mga halaman na tanim sa labas at loob ng bakuran. It was just like how she wanted it to be. She can easily get a loan at the bank and live there rightaway. Ang problema ay baka mag-freakout ang magiging neighbor niya kung sakali.

"Mika, I'm not ready for this big step. Paano kung mali pala itong ginagawa nating ito?"

"Alam mo, negative ka masyado. Sige, para sa ikaluluwag ng dibdib mo. I found out that Simon is single and ready to mingle. There's no known GF in the present and never married. O? Ayaw mo pa rin?"

"God! I can't believe this." Kinuha niya ang contact number ng may-ari ng bahay na nakapaskil sa may wooden gate nito.

"That's my girl! And don't worry friend. Naka-set na ang dinner natin kasama ang may-ari. Kaya ang lipat bahay team na lang ang tatawagan mo, okay?"

Napanganga na lang siya sa sinabi ng kaibigan. "Oh God. Mika, you're..."

"Just amazing, diba?"

"Hindi! You're making me crazy!"

Breaking His Defenses (COMPLETED /raw version Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon