Part 6

9.6K 267 18
                                    

BINUKSAN ni James ang pintuan ng kotse upang makababa si Patti. Sinundo siya nito kasama ang driver para sa once in a lifetime night na ito.

Finally, it's Friday. Ang araw na halos isang linggo na rin nagpapa-stress sa kanya. Sana lang hindi nagmarka ngayon sa mukha niya ang ilang gabing hindi siya makatulog dahil sa magkahalong lungkot at excitement. Inaamin niyang excited siya dahil sa loob loob niya, nais niyang makita ni Simon na walang epekto ang ginawa nitong pag-reject sa kanya.

"How do I look?"

"Great, Patti. You look stunning." Sagot ni James na gwapong gwapo din sa suot nitong tuxedo.

"Thanks! Iyan talaga ang gusto kong marinig." Puno ng confidence ang dibdib niya tonight. She wanted to show everyone that she's happy. Matapos kasi ang nangyari sa control booth ay lagi na lang siyang pinagtitinginan ng mga tao. It feels like she's been repeatedly made fun of and backstabbed. Ang tanging karamay niya noon ay ang kaibigan niyang si Mika.

Sa pintuan ng function hall ay may isang arko na katulad ng Arc de Triomphe. Perpekto ito sa tema ng prom nila na 'A Night in Paris'. Doon ay sandaling tumitigil ang mga magkakapareha upang magpakuha ng picture.

"Are you ready?" Tanong sa kanya ni James.

"I think so."

Hinayaan niyang kunin ni James ang kanyang kamay at ikinawit ito sa sariling braso. This way, they really looked like a pair.

"Dito ang tingin." Sabi ng photographer habang kinukuha ang litrato nila. "Perfect pair!" Masayang sabi ng retratista. Sinabihan din silang balikan ang larawan mamaya dahil ipi-print pa umano ito.

Pagpasok nila sa function hall ay bumulaga sa kanila ang isang malaking replika ng Eiffel tower. Napakaganda ng pagkakagawa nito at bagay na bagay sa tema ng prom. Pero hindi lang iyon ang bumati sa kanila. The crowd literally stared at the both of them. Pakiramdam niya ay dahil hindi galing sa school nila ang lalaki. But when she saw the guys' eyes on her, she knew she really looked her best. Confidence then flood through her.

She was celebrating inside when Mika suddenly appeared. "Patti! Ikaw ba 'yan? Ang ganda mo friend!" Nakasuot ito ng floor length green one shoulder dress at kasama si Marc. In fairness, napakaganda rin nito.

"Thanks! Ang ganda mo rin!"

"Hi Mika." Bati ni James sa kaibigan.

"Hi James! Thanks sa pagsagip sa friend ko ha? Alam mo naman 'yung si—"

Siniko niya si Mika upang tumahimik na. Alam niya kasi kung saan patungo ang usapan. At ayaw niyang marinig ito ni Marc dahil malapit si Marc kay Simon.

"Hi Mika. You look great tonight." Sagot naman ni James.

"Talaga? Thank you ha!"

"You're welcome."

Si Marc naman na kanina pa nakatingin sa kanya ang binati niya. "Marc. Great suit!" Puri niya sa suot nitong amerikana.

"Salamat. Pero ikaw talaga ang kakaiba Patti. Hindi kita halos makilala." Astonishment is painted all over her face. Hindi tuloy niya mapigilang maging mas confident.

"I'll take that as a compliment. Salamat!"

Nagkakatuwaan pa sila nang biglang may magsalita sa harap. It was no other than Mr. Incredible himself. Pinigilan niya ang sarili na humanga muli rito. Sa suot nitong modern fit na black tuxedo ay para kasi itong model sa sobrang kagwapuhan.

Breaking His Defenses (COMPLETED /raw version Published under PHR)Where stories live. Discover now