Chapter 27

182K 1.3K 96
                                    

Dumirecho kami ng mall. And yes, nag-cutting kami. And another yes, naka-uniform pa kami. Pero wapakels. Magaganda naman kami e, lalong lalo na ko. Hahaha! So ayun, back to the topic. Nag-stay kami dito sa caffe latte, isang coffee shop dito sa mall, tapos dito kami nananarget ng mga lalake.

"Yun oh! Yung may full bangs! Ang cute nya!" - Ako

"Yung chinito! Ang cute nya! Shet!" - Hailey

"Trip ko yung kambal!" - Taisha. Mind you, may fiancé yan ha! Grabe lang! Dala-dalawa pa gusto!

"Bet ko yung katabi nung kambal, yung may maamong mukha!" - Kayla.

Ang adik lang namin. Hahaha! Kasi yung mga tinuro namin e, magbabarkada. Kanina pa kami tawa ng tawa sa loob kaya pinagtitinginan na din kami ng mga tao. Wapakels. Pero after ng ilang minutes, hindi naman sa nag-a-assume pero mukhang nakatunong yung magbabarkada kaya biglang pumasok yun sa caffe latte.. At lumapit sa amin. OMO!

"Uhm, miss.. Pwedeng makipag-friends sa inyo?" tanong sakin nung kaninang tinuturo ko. At dahil nasa mood ako para makipag-kilala e, um-oo ako. Alam kong hindi na rin tatanggi sina Taisha kasi sila din naman yung tinatarget namin kanina e.

"Oh, by the way. I'm Vince. Sila naman si Mark, Justin and Austin, Calvin and he's Jake."

"I'm A'ishah. Bestfriends ko nga pala, Taisha, Kayla and Hailey." sagot ko naman at nginitian nila kami. Hindi naman sila mga mukhang masamang tao. At minasan lang naman kami makakakila ng mga bagong kaibigan kaya hayaan na.

After ng meeting chuchu e, nag-aya sila mag-arcade. Sus! Kami pa ang inaya! Mga master kaya kami pagdating sa ganun! Hahaha! Well, I must say na nakaka-enjoy kasama 'tong anim na 'to. Parang Banana Boys lang. Aish! Erase erase! Ayokong mabadtrip ngayon kaya hindi ko na sila dapat isipin.

Naglalaro kami ng Tekken ni Vince, tapos sina Taisha, Justin at Austin naman e, naglalaro ng basketball. Sama-sama namang nagra-racing sina, Kayla, Hailey, Mark, Jake at Calvin. Take note, ngayon lang kami nagkakilala pero para na kaming masayang barkada.

"Sorry pala kanina." Vince said.

"About what?"

"Bigla bigla nalang kaming nagba-barge in. Haha!" sabi nya sabay napakamot sa batok nya.

"Haha! That's okay. Besides, masaya naman kayong kasama e. Kaya no worries at all. Wag nyo lang kami ipapahamak kundi makakatikim kayo sakin." I said and he chuckled.

"I wish that my girlfriend was more like you." biglang sabi nya. Whoa. Teka, wrong move yata. Baka magkagulo dito. Taken pala ang kausap ko. Pero teka, taken din naman ako ah?

"Why? May problema ka ba si girlfriend mo?" tanong ko naman. Aning din ako.

"Haha. Oo e. Isip-bata kase masyado kaya minsan naaasar na ko. Lagi pa kong inaakusahan na nambababae kahit na wala naman. I'm just being friendly at sya naman talaga ang mahal ko."

"Nye. Alam mo kasi gusto kasi ng babae na nararamdaman nilang secure sila sa boyfriend nila. Yung tipong kahit na makita ka nyang may kausap na iba e, alam nyang sya lang mahal mo. Minsan kase natatakot lang ang mga babae na baka sa sobrang pagiging friendly nyo sa ibang babae e, makalimutan nyong may girlfriend kayo. Lagi mong iparamdam sa kanya na mahal na mahal mo sya at i-make sure mo sa kanya na sya lang. At magugulat ka one-day na hindi ka na nya inaakusahan ng kung anu-ano." mahabang paliwanag ko.

At mukhang na-convince naman sya. "Siguro nga dapat ganun ang gawin ko."

"And please lang, wag mong iwi-wish na sana yung girlfriend mo na maging katulad ko, I'm worse than any girl here. I may look nice but don't be fooled. Hahaha! Chos. Pero ayun nga, minahal mo sya ng ganun kaya wag mo syang baguhin. Let her stay like that. At kesa lagi mong binigyan ng time ang mga friends mo, i-balance mo din ang time mo para sa kanya. Mas gaganda ang takbo ng relationship nyo kung may time kayo sa isa't isa." advice ko pa. Wooh! Pwede na bang Love Guru? May pinaghuhugutan e. Hahaha!

"Thank you. Promise. Susundin ko yang mga sinabi mo. Dahil sa mga sinabi mo medyo naging open ang pag-iisip ko about sa side ng babae. I should understand my girlfriend more that anyone else." pagkasabe nya nun ngumiti sya ng nakakalusaw. Syete lang. Nako, kung sino man ang girlfriend mo, please lang wag mong papakawalan ang guy na 'to!

"Ikaw? May boyfriend ka?" tanong nya.

"Yup. Pero hindi kami ayos ngayon e. Haha! ang lakas ng loob kong mag-advice sayo samantalang nagkakagulo din naman pala sa side ko. I kinda miss him too. Kung ayos lang siguro kami, siguro sya din ang kasama ko dito ngayon."

"Hindi naman talaga mawawala ang away sa relasyon right? Pero whatever reason you have there. Sana maging maayos na din kayo. I mean look, two and a half weeks from now Christmas na. Dapat i-spend nyo together yun. Tsaka ang masasabe ko lang sayo, magulo talaga kaming mga lalake kahit anong intindi mo samin, in the end, magulo pa din kami. Kasi kahit kami mismo e, hindi namin maintindihan sarili namin. Pero as long as handa kang mag-stay para samin at suportahan kami, asahan mo di kami mawawala sa inyo."

"Haha! I know. Magulo talaga kayong mga lalake! Pati ako naguluhan sa sinabe mo e! Hahaha! Pero bahala na. Si God na bahala samin." Tumawa sya and then he patted my head. Wow. Aso lang? Hahaha!

"Gusto mo karaoke tayo?" biglang tanong nya sakin.

"Ha?"

"Para mawala lahat ng worries mo idaan nalang natin sa kanta yan!"

"Osige. Tara! Game ako dyan!" sagot ko nalang. At woooosh! Dinala nila kame agad sa Karaoke hub. Malaki karaoke hub na pinuntahan namin. Maximum of 15 persons ang pwede kaya ayun, masaya kaming nagkantahan at nagbiruan sa loob.

Picture picture din kami sa loob. Ang lalakas kase ng trip ng mga kaibigan ni Vince e. Nagpa-picture din pala si Vince kasama ako. Tapos naka-form ng heart yung kamay namin. Hehe. Oyy, wag nyong bigyan ng malisya ah. Friends lang kami. Okay? Haha! Defensive e no? Haha.

Saktong 5PM kami lumabas ng Karaoke Hub. Almost 2 hours din pala kaming nag-stay dun. Ang saya naman kase nila kasama e.

"Tara kain tayo. Our treat." aya ni Justin samin. At dahil libre nila, tatanggi pa ba kami? Hindi na syempre! Tsaka sakto nagugutom na din ako e. I mean, kami. Chos.

Pasakay na kami ng escalator ng biglang may humigit sakin.

"Hey! Anong ban-" Nanlaki ang mata ko ng makita ko kung sino yun. Shit. Anong ginagawa nya dito?

"What in the world are you doing here?" seryosong sabi nya sakin tapos tiningnan nya ng masama si Vince.

Oh God..


Brat Girl Meets Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon