Chapter 39

175K 1.4K 128
                                    

Nagising akong magang- maga ang mga mata ko sa kaiiyak kagabe. Tapos nalaman pa ni Taisha lahat. Kulang nalang sugurin nya na sa kwarto si Christine pero di nya ginawa iyon at nagpigil siya. Gusto nya din magalit sakin pero niyakap nya nalang ko at napaiyak sya. Wala syang kaalam- alam na nangyari yung mga yun dahil wala din naman akong pinagsabihan na iba.

She also told me that I shouldn't have carried any guilt for in the first place, it was an accident and it was never my fault. Higit sa lahat, hindi ko din daw dapat itinago kay Chad iyon. Gusto nya sanang sabihin na kay Chad iyon pero pinakiusapan ko syang wag nalang sabihin at mas mabuti nalang na hindi nya malaman. I don't want to ruin them. They're getting married and I should just let them be happy.

Naghilamos at nag-toothbrush lang muna ako tsaka ko lumabas ng kwarto. At saktong paglabas ko, kakalabas lang din ni Chad sa kwarto nya. Tinitigan ako nito at nung napansin kong nakatingin sya sa mga mata ko, yumuko nalang ako.

"Ayos ka lang ba?" tanong nito at halatang- halata sa boses nya ang pag-aalala.

"A-ah. Oo. Okay lang ako. S-sige mauna na ko." natatarantang sagot ko. Pababa na sana ako ng hagdan ng bigla nyang hilain ang kamay ko.

"Did anything happen?" tanong nya ulit pero hindi ako sumagot. Umiling nalang ako at tsaka nagpatuloy sa pagbaba.

Alam kong pansin nilang lahat yung mata ko pero pinipili nalang nila hindi tanungin ang nangyari sakin. At mas okay na ko dun. Wala na din naman akong lakas para sagutin pa sila if ever na tanungin nila ako kung may nangyari ba.

Nang matapos na kami sa pag kain, ako ang nakatoka na magligpit ng mga plato at si Franz naman sa hugasin. Saktong papunta ako kay Franz dala yung plato tsaka ko nahilo at, natumba.

Nabasag yung mga plato at nasugatan naman ako sa binti. Agad na rerescue sana sakin sina Cody at Zack pero biglang kumaripas ng alalay saken si Chad at naunahan nya yung dalawa. Na syempre ikinagulat ng lahat lalo na ako pati ni Christine.

"Ano masakit sayo?" nag-aalalang tanong nito pero hindi ako naka-sagot. At dahil dun, binuhat ako ni Chad papunta sa sala. Agad naman kinuha ni Taisha ang first aid kit at ibinigay it okay Chad.

"Sa susunod mag-iingat ka. At alam mo namang may masakit pala sayo hindi ka nagsasabi." sabi nya habang binuksan yung first-aid kit. "Pwede huwag mo kami laging pinag-aalala?" sabi nya ulit habang naglalagay ng betadine sa bulak. Sa totoo lang gusto ko ng ma-touch sa concern nya pero syempre ayoko nalang mag-react.

"Tuwang- tuwa ka nga yata pag nag-aalala kami e. Sa apat na taon mong nawala hindi ka parin nagbabago. Ang clumsy mo pa din. Pahamak ka talaga." Tsaka nya nadiinan yung pag-pahid sa sugat ko at syempre, nasaktan ako.

"Aray! Dahan- dahan naman pwede?" sagot ko ng may pagka-irita. Dami kasing ni- lecture sakin e.

"S-sorry. Huwag ka kasing malikot."

At ako pa yung malikot. Baliw talaga 'tong kumag na 'to.

Nung tapos na syang gamutin ako, inabutan nya ako ng gamot at pinainom ito sakin. Halos ayaw na nga netong umalis sa tabi ko kung hindi lang umeksena si Christine at tinawag sya. But inspite of that, I smiled to myself. Nag-aalala pa din sya sakin kahit na papano at may care pa din sya sakin kahit na hindi kami. Lalo ko lang tuloy syang namimiss.

Iniwan nya muna ako kasi ayun nga, tinawag sya ni Christine dahil sa magse-set sila ng gamit sa labas para sa bonfire mamayang gabi. Sila Taisha naman ay nasa kusina habang hinahanda yung mga kakainin namin. At ako? Eto, paupo upo lang. *grins*


Anyway, nung nakaramdam na ako ng gutom e, pumunta ako sa kusina para kumuha ng pagkain at dumiretso ako ng dining room para doon mag-stay. I was peacefully eating my snack when the b-tch came,

Brat Girl Meets Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon