Chapter 30

175K 1.3K 90
                                    

I'm feeling really tired pero todo ngiti pa din ako sa mga bachelor na ipinapakilala sakin ni Dad. Galing pa nga ang mga iyon sa iba't ibang bansa, pero sa totoo lang imbis na matuwa ako naiirita lang lalo ako. Puro kasi sila pacute, yabang at kung anu-ano pang kahanginan para lang makuha ang atensyon ko. Yung isang Filipino Bachelor nga bumanat pa at ngali ngali ko ng sapakin.

"Ms.A'ishah sabihin mo nga, retarded ba parents mo?"

Agad na napakunot ang noo ko at kumuyon ang panga ko. "Bakit?" tanong ko.

"Kasi nakagawa sila ng 'special' na katulad mo." sagot nya at kinindatan pa ko.

I smirked at him, "Ikaw, retarded ba parents mo?" tanong ko pabalik.

"Bakit? Kasi nakagawa din sila ng 'special' na katulad ko?" nakangisi pang sagot nya.

"Hindi. Akala ko kasi nasa lahi nyo." And boom! His jaw dropped from shock. With that, I left him dumbfounded. Ha! Take that you, sh-t.

May nakarinig na ilang Filipino guests kaya naman nagtawanan ang mga ito. Kung makikita mo naman kasi ang itsura nya e, halatang sobrang pahiya neto. Pasalamat na nga lang sya, ganun lang ginawa ko e.

Nang medyo nakalayo na ko dun sa guy, bigla namang sumulpot sa gilid ko si Kuya David. "I saw and heard that one." Natatawang sabi neto sakin.

"Nakakairita na kasi." Sagot ko at patuloy kaming naglakad palabas papunta ng poolside.

"Buti nga hindi mo minura e."

Natawa ako, "Gawin ko you like?"

"Ikaw din, mai-issue ka."

"Kilala mo ko, kuya. Hindi ako takot ma-issue."

Sa tinatagal tagal ko sa entertainment hindi ko na mabilang kung ilang beses na kong nabalita dahil sa mean kong pagsasalita at sa madalas kong pagkakaroon ng kaaway. But guess what? They still love me at hindi pa din ako tinatanggal sa trabaho. Totoong ako kasi ang pinapakita ko. Bakit ko paplastikin ang sarili ko at ang ibang tao di ba? Hindi naman ako ipinanganak para mamplease ng tao. Sadyang sobrang maganda lang talaga ako at given na yun.

"I know." he said as he patted my head.

"Sige na, kuya. Madaming in-invite si Dad na mga babae. Pili ka na. Gusto ko na ng pamangkin."

"Tss. Baliw ka na. Hahaha! I love you, baby." sabi nya tapos hinalikan nya ko sa noo.

"I love you more, kuya." sagot ko at naiwan na ko magisa.

Iniwan ko na muna yung mga b-tch sa party. Kukulitin lang ako ng mga yun para ipakilala sa ramdom guys na kahit ako mismo hindi ko naman kilala. At kahit ayokong maiwan mag-isa, gusto ko muna magpahinga. Medyo pagod na ko kaya gusto kong huminga.

I took off my heels and dipped my feet unto the pool. Buti nalang hindi basa yung part na napuntahan ko kaya naupo na din ako. Hanggang sa napatingin ako sa langit.


It was a starry night and I hate it. Nagfa-flashback lang sakin yung nangyari.. na kung hindi lang dahil sakin, di naman mangyayari yun.


"T-tita, I'm really really sorry. Kasalanan ko 'to. Kung hindi dahil sakin h-hindi mangyayari 'to. Tita, p-patawarin nyo ko." Umiiyak na sabi ko kay Tita Marian. Totoo naman e, kasalanan ko naman kasi.

"Hija, hindi mo din gusto yung nangyari. Wag mong sisihin ang sarili mo. Sa ngayon ang magagawa nalang natin ay magdasal." Naiiyak na sagot ni TIta sakin at pagkatapos ay niyakap at pinatahan ako. ako.


Hindi ko napansin, tumulo na pala yung luha ko. Sh-t.

Pinili ko lang naman kung ano yung tama e. Pero mali ba yung ginawa ko? Na-guilty lang ba talaga ako?

"Here." nagulat ako sa lalaking nagsalita habang inaabot sakin ang isang panyo. Nasira din ang page-emote ko. Andun na ko sa climax e. Tsk.

Tiningnan ko sya, hindi ko sya kilala sa totoo lang. Mukha syang bad boy na ewan pero malinis tingnan at gwapo din naman. Kinuha ko yung panyong inaabot nya.

"Thanks." sagot ko at tumango lang sya. After nun, umalis na.

Wow. Hindi napansin yung beauty ko dre? Pero okay na yun. Yae na. Baka mamaya holdaper pala yun na naawa lang. Edi ang galing ko pala. Pwede na din ako sa acting industry? Chos.

Ilang minute after mawala yung guy, bigla naming nagdatingan ang mga g-ga.

"Emotera ka na ate ah! Hahaha!" sabi ni Taisha sakin.

"G-ga. Nagpahangin lang ako. Medyo napapagod na ko e." sagot ko.

"Sabi mo e."

"E, ano bang kailangan nyo?" tanong ko.

"May surprise kasi kami sayo." sagot ni Kayla.

"For sure, matutuwa ka kapag nakita mo." sabi naman ni Hailey.

"Ha?" at bago pa man ako makapagpatuloy sa sasabihin ko e, hinila na nila ako ulit papunta sa party. Tss. Ano na naman ba kalokohan ng mga 'to?

Then, nakarating kami sa table na kinainan naming kanina.

At oo, sobrang surprised ako sa nakita ko.


Brat Girl Meets Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon