Chapter 20

200K 1.4K 84
                                    

So this is how it feels huh? Yung kahit na naghiwalay kami sa simpleng bagay, nag-effort sya para magbalikan kami.

Alam mo yung nararamdaman ko ngayon? Sobrang thankful ako kasi kahit nagkakilala kami in a weirdest way di ko akalaing aabot sa point na ganito. Please, let this feeling stay with me forever. Please, let me be with him forever.

Okay. Ang cheesy na ng mga iniisip ko. Geez.

Why does he have this effect on me?

Hanggang ngayon na sakin pa din yung masayang feeling sa nangyare kahapon. Di ko ma-explain. Ang sarap ng feeling ma-inlove. Syet. Parang hindi na ako 'to. Hahaha!

"Miss, okay ka lang?"

Pero di ba natural lang naman na ma-feel ko 'to? Kasi inlababo ako e. Di ba? Di ba?

"Miss, are you okay?"

Kaso baka naman ako lang ang nakakaranas neto? Yung iba ba ganito di kapag in-love? Nababaliw din ba sila sa sobrang kilig? Yung tipong nagi-imagine na sila sa future nila ng magkasama. Syet.

"MISS!!!"

"Ayy! Palakang kokak! " napasigaw ako kaya napatingin lahat ng tao sakin dito sa restau. Nasa mall nga pala ako! Nakakahiya!

"Mukha ba kong palaka miss?" sabi nung lalake. Tae. Nakakahiya talaga! Unti-unti kong nilingon yung lalake. Kasi naman e!

"Sky!"

"Hey there." sabi nya tapos nginitian nya ko na para bang wala ng bukas.

"Luh, sorry. Sorry."

"It's okay. You were spacing out at medyo pinagtitinginan ka na din ng mga tao. Tumatawa ka kasing mag-isa. Ayaw naman kita hayaang magmukhang tanga dyan kaya eto tinawag na kita." sabi nya.

Shit. Nakakahiya! I bit my lip as he let out a chuckle and patted my head.

"Cute." He said smiling at doon ko lang din napansin na kakaiba ang mga ngiti nya. Bakit kaya?

"Sky, may tanong ako."

"Hm?"

"Inlove ka ba?" I questioned with no hesitation. Napahinto ito sa itinanong ko. pagtapos ay muli itong tumawa.

"Matagal na, A'ishah. Matagal na kong inlove sayo." nakangising sagot nya.

"Siraulo ka na, Sky. Kala ko ba friends lang?"

"That was a joke, A'ishah. And yes, I still know my place to you. Kailan kaya magbabago pagtingin mo sakin?" tanong nya at sinamaan ko ulit sya ng tingin. "Joke lang ulit! Seryoso ka masyado e. Oo nga pala. Mag-isa ka?"

"Ay hindi, Sky. Marami kami. Kita mo?" I taunted.

Brat Girl Meets Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon