Chapter 44

179K 1.6K 258
                                    

CHAD'S POV


Andito kami sa kabilang resto katapat nung kila Taisha. Ako mismo nag-ayang humiwalay ang mga lalaki sa kanila dahil hindi ko sya masikmura.

Anong pinaparating nya? Na okay na din sya? Ha! Mas lalo ako! Acting that she had never met me before? Fine.

"Leader, nyare sayo?" biglang tanong ni Kyle pero hindi ko sya sinagot.

"Ang galing no? Para tayong bumabalik nung highschool. You hate each other's presence at nagigimbal na naman mundo namin dahil sa inyo. Who knows? Maybe you'll end up together again?" tatawa-tawang sabi pa ni Cody kaya sinamaan ko sya ng tingin.

"Oh bakit? Ito nga yung gusto mo e. Kalimutan nyo ang isa't isa na parang walang nangyare. Yan, hindi ka na nya kilala. Anong inaarte mo dyan?" sabi nya ulit.

"Wala kong pakialam. Edi magkalimutan. Sabagay nakalimutan ko na din naman sya. Patas na." sagot ko saka ko ininom yung beer na in-order ko.

"Bitter talaga pare." kumento naman ni Alex. Pinakyu ko nga.

"But this one's real." biglang sabi naman ni Zack kaya napatingin kami lahat sa kanya. "Remember what I've told you about her when you came back? That part where I said she had an emotional trauma and she badly needs you? You didn't take that seriously, right? Ikaw ang dahilan kung bakit nangyari kay A'ishah yun." He said and I froze.

A-anong ako ang dahilan? Anong ginawa ko?

Di ba lumayo na nga ako para matapos na ang lahat?

Bakit ako pa din?

"She hasn't been well since the day she broke up with you. Kinimkim nya lahat lahat sa loob nya. Lagi syang nagbi-break down dahil sayo. Kung hindi nga lang dahil sa pagmamahal nya sayo baka sira na din pamilya mo. Nung umalis ka, umuwi din sya. She hasn't made any contacts with us since then, kung hindi pa kami bibisita sa state nila, we wouldn't know that she was rehabilitated because of an emotional trauma." Gusto kong magsalita, pero ni isang salita walang lumalabas saken.

Rehabilitated?

Emotional trauma?

B-bakit?

Paano?

"She was calling your name for help. She needed you the most that time. At alam mo ba sabi ng Kuya nya? Kailangang mawala ang memory nyong dalawa dahil tuluyang mababaliw si A'ishah pag hindi ka nawala sa alaala nya."

I felt a pang of hurt inside me. Hindi ko akalaing ganun kalaki ang naging epekto ko sa kanya. To the point na mababaliw sya ng dahil saken? Nang dahil lang sa pagmamahal nya sakin?

Hindi ko alam pero ang sakit sakit. Akala ko nag-a-act lang sya na hindi nya ko kilala. Akala ko sinasadya nyang gawin yun para lang masabi na okay na din sya.

But it was more than that.

Habang ako nagpapakasaya sya naman naghihirap?

Bakit ba nangyayari pa ang bagay na ito samin?

Bakit samin pa?


*


Brat Girl Meets Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon